00:00Pinaghahanap ngayon ang isang babaeng na masukan bilang kasambahay pero pagnanakaw raw pala ang pakay.
00:08Nakatutok si EJ Gomez, exclusive!
00:14Kuha ang CCTV na yan sa isang bahay sa Barangay Manggahan sa Pasig City.
00:19Ang babae, bagong pasok na kasambahay habang nagpapakain ang bata.
00:24Kita ang pagdampot niya ng cellphone at ipinatong sa gilid ng mesa.
00:29Binulungan niya ang bata at umakyat sila sa second floor ng bahay.
00:33Makalipas ang ilang segundo, bumaba ang kasambahay.
00:37Sa likod ng pintuan, kinuha ang bag.
00:39Dinampot ang cellphone at ilang gamit sa mesa.
00:42Kinuha ang isa pang cellphone na nakapatong sa sofa at saka lumabas ng bahay.
00:48Sa isa pang CCTV, kita ang dahan-dahang pagbukas ng gate ng babae na naglakad palayo sa bahay.
00:55Ilang minuto makalipas, lumabas sa CR ang nanay ng bata.
00:59Napansin niyang wala sa mesa ang kanyang cellphone.
01:02Umakit siya sa second floor at ginulat pa ng anak.
01:08Pagbaba, dun niya nalaman na ninakawan na sila.
01:12Natangay ang dalawang cellphone at wallet ayon sa biktimang si Claudette.
01:16Isang oras pa lang daw sa trabaho ang babae na nagpakilalang Jean Ann Castro.
01:22Yung anak ko binabola-bola niya.
01:23Sinabihan niya yung anak ko na umakit ka sa taas magtago, kagulatin mo si mami.
01:27Pagbaba niya, nagmadali siyang kuhanin yung bag niya doon sa kabinet.
01:31Kinuha niya agad yung phone ko, yung wallet ko at yung phone ng anak ko.
01:34And yung phone niya na nasa sofa and then dahan-dahan siya lumabas.
01:37Aabot daw sa mahigit isan daang libong piso ang halaga ng mga ninakaw.
01:41Ang ginagamit ko yun for work, nandun po lahat ng mga photos namin, emails, lahat po ng online banks.
01:47And yung wallet ko po, nandun po lahat ng ATM ko, lahat ng IDs ko.
01:52And meron din around 1,500 na halaga or money.
01:57Kinabukasan, nakausap pa raw niya ang sospek.
02:00Ibinenta na raw ang isa sa ninakaw na cellphone sa kaibigan na nagtatrabaho sa isang cellphone accessory shop sa Angeles,
02:07Pampanga.
02:08Nag-send pa raw ito ng video kung paano matutunto ng tindahan.
02:11Pinuntahan ito ng pamilya ng biktima pero bigo silang makita at mabawi ang cellphone na ninakaw.
02:18Ipinose ni Claudette ang insidente at CCTV sa social media.
02:22At laking gulat daw niya, nang malamang may iba ng nabiktima ang babaeng tinanggap niyang kasambahay.
02:28Gumagamit daw ng iba pang pangalan.
02:31Pinapasukan niya yung mga onting tao. Normally mga tinatanong niya, village po ba kayo? Ilan po kayo sa bahay? May
02:37bata po ba? Ano po yung amo?
02:40Same day din pumapasok siya, bait-baitan and then same day din ilang aoras lang magdanakaw na siya.
02:47Inireport na ang insidente sa Pasig City Police at sa Barangay Manggahan. Paalala ng otoridad sa publiko.
02:54Sa ating mga naghahanap po ng kasambahay, maghingi po tayo ng mga ID o kahit anong documents,
03:02parang kay clearance or police clearance, e-check natin kung yun talaga ang kanyang pangalan o nagpapanggap lang po yung
03:14tao na yan.
03:15Huwag po tayo basta-basta agad maniwala po.
03:17Patuloy ang pagtunto ng polisya sa babaeng sospek.
03:21E.J. Gomez, Nakatutok 24 Oras.
Comments