00:00Double-digit na rollback sa presyo ng diesel at kerosene ang sasalubong sa mga motorista bukas.
00:06Pero ang gasolina, bahagya namang magmamahal.
00:09Nakatutok si Mark Salazar.
00:14May bahagyang ginhawa bukas ang nasa public transport at iba pang gumagamit ng diesel.
00:20May halos 13 pesos kada litro kasing rollback sa diesel.
00:24May rollback din na 15.71 sa kerosene.
00:28Pero ang gasolina, may bahagyang pagtaas sa presyo na 53 centavos kada litro.
00:34Tignan niyo po ang gas station ninyo. Iba-ibang gas station, iba yung presyo.
00:39Dahil depende yan kung malayo siya sa depot or inland siya, malayo i-deliver.
00:47Mas magastos yung pag-deliver doon sa gas station na doon.
00:51So mas mahal po ang benta.
00:53Or minsan po iba-ibang brand, iba-iba rin yung presyo nila.
00:56Paalala ng Department of Energy o DOE, walang dahilan para hindi sundin ang gasolinahan ang itinakdang price range.
01:05Sa diesel, pwedeng bumaba ng 75 to 82 pesos per liter, depende sa klase.
01:10Pero hindi pwedeng mas mataas sa 101 to 107 pesos.
01:1573 to 79 pesos sa gasolina, pero huwag hihigit sa 96 to 104 pesos per liter.
01:24Mararamdaman daw ito ng konti sa take-home ng mga chuper.
01:28Pero malayo pa rin daw sa dati nilang sapat.
01:31Sa taas rin daw kasi ng inflation, wala rin epekto ang kaunting rollback.
01:54Sa rollback sa susunod na linggo, tinatansyang bababa ito sa 75.93 hanggang 107.06.
02:03Mas mataas pa rin ang halos 28 pesos hanggang mahigit 33 pesos bago magkagulo sa Middle East.
02:11Paliwanag ng DOE, global ang presyuhan ng langis at wala silang kontrol.
02:16Ang goal ng DOE ay panatilihing sapat ang supply natin ng langis.
02:20Ang total ng country na average is 54 days, which is a good number because if you order from America,
02:27South America, or North America,
02:30it will take about 30 days for it to be delivered here.
02:33If you order from Southeast Asia or neighboring Asian countries, that's about 15 days maximum for it to be delivered
02:41here.
02:41Some could even be as short as 7 days.
02:44So continuous po ang deliveries natin from all the countries.
02:48Malayo rin daw tayo sa eksenang, kailangan mag-rasyuna ng gas at diesel.
02:53Hindi po bumababa po yung number of days natin kasi tuloy-tuloy din yung pagdagdag kahit kumukonsumo tayo ng 34
03:00million liters every day ng diesel.
03:03The same for gasoline kahit 24.631 million liters ang nakoconsume ng buong bansa.
03:12Hindi rin bumababa yung number of days natin kasi tuloy-tuloy ang pag-deliver tuwing nag-order yung mga oil
03:19companies natin.
03:21Nakaka-deliver naman yung mga suppliers nila.
03:24Naka-abang tuwing martes ang mga choper kung anong presyo kada litro itatakda ang kanilang susunod na laban.
03:31Kahit na sa totoo lang, kahit ano pang presyo ng langis, wala naman silang magagawa.
03:36Yan lang ang hanap buhay namin.
03:38Pagkaya yung tola, wala nang ibang pagpukulat.
03:41Kahit na kumita ng 300-400, malaking bagay na rin yan.
03:46At least mayroon.
03:47Diba?
03:48Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
03:54Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
Comments