00:00Kahit papalayunan ng bansa ang Bagyong Domeng, palalakasin pa rin ito ang hanging habagat.
00:05Base sa datos ng pag-asa, kumikilos ng pahilaga ang bagyo patungo sa northern boundary ng Philippine Area of Responsibility.
00:12Namatan yan 695 kilometers northeast ng Itbayat, Batanes.
00:16Taglay nito ang lakas ng hangin na haabot sa 120 kilometers per hour.
00:22Walang nakataas na wind signal sa bansa dahil sa nasabing bagyo,
00:25pero pinaalerto sa banta ng malalakas na hangin ang mga nakatira malapit sa baybayin o kaya nasa matataas na lugar
00:32dyan po sa Batanes,
00:33Babuyan Islands, gayon din dito sa Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Panay Island at Negros Occidental.
00:42Pinapayon namang umiwas munang maglayag ang maliliit na sasakyang pandagat sa mga dagat sakop ng mainland Cagayan,
00:49Isabela, Batanes at ilang baybayin ng Babuyan Islands dahil sa matataas na alon.
00:54At dahil nagsimula ng panahon ng Hanging Habagat o Southwest Monsoon,
00:59nahahatak ito ng Bagyong Domeng na siyang nagpapaulan sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Bicol Region, Mimaropa at Western Visayas.
01:09Nakataas po ngayon ang thunderstorm advisory sa ilang panig ng NCR, Batangas, Zambales, Tarlac, Nueva Ecija, Rizal, Laguna, Bataan, Bulacan,
01:20Pampanga, Quezon Province at Cavite.
01:23Tatagal ang thunderstorm advisory hanggang 12.29 ngayong tanghali.
Comments