00:00Balita sa ibang bansa, taas baba po ang presyo ng krudo sa world market
00:04kasabay na nagpapatuloy na peace talks sa pagitan ng Amerika at ng Iran.
00:09Tinatayang halos 89 US dollars hanggang halos 94 dollars ang kada barilis ng krudo sa world market,
00:16depende sa klase nito.
00:17Kasunod yan ang informasyon na nagkasundo ang Amerika at Iran na palawigin ang ceasefire ng 60 araw.
00:23Ayon sa mga source ng Reuters, hinihintay pa ang pagpayag dito ni US President Donald Trump.
00:27Base naman sa local media ng Iran, hindi pa kumpirmado at pinal ang kasunduan ng dalawang bansa.
00:33Samantala, nangako ang gobyerno ng Japan na susuportahan nito ang nakaplanong Petroleum Reserve Program ng Pilipinas.
00:39Ayon sa joint statement ng Department of Energy at ng Ministry of Economy, Trade and Industry ng Japan,
00:44tutulong sa pag-aaral at capacity building ang iba't ibang organisasyon, ahensya at kumpanya ng Japan para dito.
00:51Susuriin din daw ang posibilidad ng pagpondo ng Japan sa mga kaakibat itong proyekto.
00:59Sampai jumpa.
Comments