Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:38Bukod kay Marcoleta, kasama rin sa mga kinasuhan, ang mga nagbigay sa kanya ng pera na si dating congressman Mike
00:44Defensor at dalawang iba pa.
00:47Walang bagyong, ngunit malakas na ulan ang nagpabaha sa Mindanao, nadulot po ng hanging habagat at localized thunderstorms ayon sa
00:55pag-asa.
00:56Pero wisyo po yan sa mga residente, negosyante at motorista roon, lalo na sa ilang lugar na ilang araw ng
01:02lubog sa baha.
01:04Balitang hatid ni Jomera Presto.
01:10Pinula ng ilang bahagi ng Coronadal City kahapon, kasunod yan ang malinsangang panahon naranasan noong umaga.
01:16Gutter deep ang bahas sa ilang kalsada na namerwisyo sa ilang residente at motorista.
01:22Nakaranas din ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bonggao-tawi-tawi na tumagal na mahigit isang oras.
01:29Malakas na ulan din ang nagpabaha sa ilang kalsada sa Iligan City.
01:32Nagdulot yan ang pagbagal sa daloy ng trapiko, pansamantala rin nagka-brown out sa ilang bahagi ng lungsod.
01:40Sa Tiboli, South Cotabato, bumigay ang isang lumang tulay dahil sa ragasan ng sapa.
01:45Dulot yan ang malakas na ulan.
01:47Problemado ang mga residente at negosyante roon dahil nagsisilbing pangunahing daan ng tulay para makatawid sa lugar.
01:54Pinasok naman ang bahang ilang bahay sa lambayong Sultan Kudarat.
01:58Sa Sultan sa Barongis, Maguindanao del Sur, ilang araw ng lubog sa bahang ilang bahagi ng barangay Gadungan.
02:05Kasunod yan ang walang tigil na pagulan sa lugar.
02:08Umabot din ang bahas sa ilang bahay, pati sa ilang taniman.
02:11Ayon sa pag-asa, ang pagulan sa tawi-tawi ay dulot ng hanging habagat.
02:15Habang ang ilang bahagi ng Mindanao ay nakaranas ng pagulan, dulot ng localized thunderstorms.
02:21Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
02:24Mga kapuso, nagbabadyang pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa susunod na linggo ay isang potensyal na super typhoon.
02:32Kaninang alas 8, namata ng pag-asa ang bagyo na may typhoon kategory mahigit 3,000 km silangan ng Visayas.
02:39May international name niyan na Bavi.
02:42Taglay nito ang lakas na hangin na aabot sa 130 kmph.
02:45Sa latest data ng pag-asa, posibleng lumakas pabilang super typhoon ang nasabing bagyo bago pumasok sa PIR sa darating
02:53na Merkoles.
02:55Kung sakali, tatawagan itong bagyong Inday.
02:57Posibleng tumukin ang bagyo ang Northern Luzon.
03:00Hahatakin at palalakasin ito ang habagat.
03:03Paglilino ng pag-asa, posibleng pang magbago ang mga datos kaugnay sa parating na bagyo, kaya tumutok sa weather updates.
03:10Sa ngayon, easterlies ang magpapaulan sa ilang bahagi ng Central at Southern Luzon kasama na ang Visayas.
03:16Mas makaaasa muli sa maayos na panahon dito sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa,
03:21pero maging alerto pa rin sa mga local thunderstorms, lalo na sa badlang hapon o gabi.
03:33Tatlong araw bago ang simula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte,
03:38ilang usapin ang hindi pa rin nare-resolve ba ng House Prosecution Panel at Defense Team.
03:44Nakabimbin din ang usapin kung pipili pa ba ang mga Senator Judge ng ibang presiding officer
03:50imbis na ang Senate President na.
03:52Balitang hatid ni Sandra Aguinago.
03:57Sa lunes na magsisimula ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
04:02I can honestly tell the Filipino people, the House Prosecutors and the private prosecutors
04:09are all ready as we start this impeachment trial this coming July 6.
04:14Ang defense team ni VP Sara, nag-file na ng comment sa pre-trial order ng impeachment court,
04:21hindi na raw magpa-file ng comment ang prosecution team.
04:24Nakasaan sa pre-trial order na dapat isumite sa impeachment court ngayong araw,
04:30July 3, ang listahan ng mga ipe-presenta nilang testigo para sa trial na gagawin sa July 6 hanggang 8.
04:38Meron na kaming sinubmit kasi requirement ng pre-trial order na three days before the hearing,
04:45dapat ilista na namin ang mga witnesses para walang surprise.
04:50May ilan pang issue na hindi na pagkakasunduan ang dalawang panig na inaasahang sa trial na lang mare-resolba.
04:57Kabilang dyan ang pagbubukas sa Selyadong Kahon mula sa Bureau of Internal Revenue na naglalaman ng tax records ni VP
05:05Sara at kanyang mister.
05:06Gusto ng kampo ng busy na gawin ito sa isang executive o closed door session.
05:12Tutul dito ang prosecution at dapat na buksan ito sa mismong trial na bukas sa publiko.
05:18Tinututulan din ang defense team ang kagustuhan ng prosecution na magkatuwang ang public at private prosecutors sa pag-a-examine
05:26ng witness.
05:27Sa isang statement, sinabi ng kampo ng busy na ang pagtutol nila ay para maging maayos ang impeachment proceedings,
05:34maiwasan ang kalituhan at maiwasan ang mahabang examination ng witness.
05:39Dapat daw isang abogado lang ang magsasalita sa examination of witness at ang public prosecutor at dapat gumawa nito sa
05:48kanilang mga testigo.
05:49Allowed naman po yan, that is allowed in the Senate rules that the private prosecutors, kami po under the control
05:56of unsupervision of the public prosecutors,
06:00is allowed to present witnesses.
06:02We leave it to the trial court, impeachment trial court, kasi malinaw na malinaw sa Senate rules na private prosecutors
06:12are allowed.
06:12Isa pang nakabidbig usapin kaugday sa impeachment trial ay kung maghahalal ba ang mga senator judges ng presiding officer.
06:21Batay sa mga naunang ulat, napipisil ng mayorya si Sen. Cheez Escudero bilang presiding officer.
06:27Pero sinabi rin ni Sen. President Sherwin Gatchalian na naghahanda siyang gampanan ang papel na ito.
06:34Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA News.
06:42Patay ang isang senior citizen na sasalpukan ng van na truck sa Luna, La Union.
06:48Base sa investigasyon, sakay ng van ang sampung opisyal ng Senior Citizens Federation ng Puerto Princesa, Palawan.
06:54Dumalaro sila sa isang training sa Maynila at papuntasan ng vegan para mamasyal.
06:59Sinakop umano ng van ang linya ng kasalubong na truck kaya nagsalpukan ang dalawang sasakyan.
07:05Wala pang pahayag ang parehong driver na kabilang sa labing isang sugatan.
07:09Patuloy ang investigasyon.
07:15Abiso sa mga motorista, may inaasahan pong dagdag bawa sa presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo.
07:23Sabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad,
07:26Base po yan sa 4-day trading, may inaasahang 1 peso hanggang 3 pesos na dagdag sa kada litro ng
07:33diesel.
07:341 peso hanggang 3 pesos na hike din ang inaasahan sa kada litro ng kerosene.
07:40Sa gasolina, posibleng magkaroon naman ng rollback na hanggang 1 peso and 50 centavos
07:45o taas presyo na hanggang 150 pesos o centavos rin.
07:51Nakakaapekto pa rin po sa presyuhan ang krisis sa Middle East.
07:56Kulong ang isang kasambahay sa Quezon City matapos ireklamo ng kanyang amo ng pagnanakaw ng halos 4 milyong pisong halaga
08:04ng mga alahas.
08:05Itinanggi po yan ng suspect.
08:07Balitang hatid ni James Agustin.
08:12Dinala sa Eastwood Police Station ang 28 anyo sa babaeng kasambahay matapos ireklamo ng pagnanakaw sa kanyang pinagtatrabahuan sa barangay
08:20Ugong, Norte, Quezon City.
08:22Ang inaresong sospe, dinakaumanong iba't ibang alahas ng kanyang amo na nagkakalaga ng mahigit 3.9 milyon pesos.
08:29Ayon sa polisyan, itong miyerkulis siya nadiskubre ng biktima.
08:32Habang chinecheck nung may-ari yung kanyang mga alahas, napansin niya na maraming nawawala sa kanyang mga alahas.
08:40Tinawag niya ngayon ang kanyang kasambahay.
08:43Ito na ngayon yung sospek natin.
08:44Tinanong na may mga nawawala siyang mga alahas.
08:48Inadmit naman na kaagad niya na siya nga ang kumuha ng mga alahas.
08:55Hindi pa nababawi ang anumang alahas na nawawala.
08:57Sa imbisigasyon, posibleng dinala ito ng sospek sa Cubao na mag-day off siya noong June 20.
09:03Pinuntahan na raw ng polisya ang bahay pero wala silang inabutan.
09:07Tinitingnan natin yung anggulo kung mayroon siyang kasabuat.
09:13Yung cellphone niya, kailangan pa nating alamin.
09:17At with the consent pa rin ng sospek na ma-verify natin sa kanyang cellphone mismo kung mayroon nga siyang
09:27mga kasabuat dito.
09:29Sinampahan ang sospek ng reklamang qualified theft.
09:31Nang makapanayam ng GMA News ang sospek, itinanggi niya ang krimi.
09:35Hindi ko po yung ginawa, ma'am.
09:38Bakit mo kaya kayo ng pagkintahan?
09:40Hindi ko po alam kayo, ma'am.
09:41Kasi ako lang naman po yung naglilinis doon sa taas.
09:44Bago ang insidente, nagkaroon ng dayalogo ang polisya sa mga kasambahay at security guard ng isang subdivision
09:50para palalahanan sila kaugnay sa iba't ibang modus.
09:53Very vulnerable sila sa love scam.
09:56Nag-i-establish yung mga kriminal na magandang kaugnayan dito sa mga kasambahay
10:06dahil sila ang vulnerable, sila ang ating kinakausap para maiwasan itong mga ganitong insidente.
10:14James Agustin, nagbabalita para sa GMA News.
Comments

Recommended