00:00Wala pang bagyo sa loob ng ating bansa, pero binaha ang ilang lugar.
00:05Dulot po yan ang panandaliang malakas na ulan o thunderstorm.
00:08Sa Quezon City, bumaha sa northbound lane ng EDSA na sakupo ng Balangay Apoloneo-Samson
00:14kasunod ng ilang minutong malakas na ulan pasado alas 3 kaninang madaling araw.
00:19Bumaha rin sa EDSA Balintawa kaya nagmenor at gumilid ang mga sasakyan.
00:24Ang ilang kabataan tila hindi alintana ang peligro na dulot ng pagligo sa baha.
00:30Humupa ang baha matapos ang isang oras.
00:33Napasilong naman ang ilang motorcycle riders sa ibang nga bahagi ng EDSA.
00:37Pabugso-bugso rin ang ulan sa Rojas Boulevard sa Pasay.
00:41Wala namang naranasang pagbaha sa Taft Avenue, Corner UN Avenue, hanggang sa kanto ng Quirino Avenue sa Maynila.
00:47Wala rin baha sa kahabaan ng Espanya Boulevard.
00:53Binaha naman ang ilang bahagi ng barangay Ladingan sa Piquet, Cotabato.
00:57Umapaw kasi ang ilang ilog dahil sa malakas na ulan.
01:01Inuulan ang Cotabato at ilang pang panig ng Mindanao dahil sa trough o extension ng papalapit na bagyo.
Comments