00:01Itinanggi ni Sen. Francis Escudero ang aligasyong tumanggab siya ng mahigit kalahating bilyong pisong kickback sa flood control projects.
00:09Iginit niya yan sa kanyang kontra sa Laysay na isinumite sa Ombudsman. Nakatutok si Joseph Morong, Exclusive.
00:18April 16, nang irekomenda ng Field Investigation Office ng Ombudsman, nakasuhan ng plunder, graft at indirect bribery si dating Sen.
00:27Francis Escudero.
00:28Base sa reklamo, nagkamal umano si Escudero ng lapas kalahating bilyong piso galing sa mga umonema-anumalyang flood control project.
00:36Base sa aligasyon ni dating Department of Public Works and Highways o DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
00:43Pero sa kopya ng counter-affidavit ni Escudero na eksklusibong nakuha ng GMA News,
00:48itinanggi niya ang mga aligasyon at pinabulaan ang nakakuha siya kay Bernardo ng P306M noong 2024 at P280M noong 2025
00:58na tinanggap umano ng kaibigan, campaign contributor at umani bagman ni Escudero na si Maynard Ngu.
01:05Wala raw ebidensya na magpapakita na bagman niya si Ngu at initusan niya ito na gumawa ng aksyon para sa
01:12kanya.
01:12Base lamang daw sa kwento ni Bernardo ang sinabi raw ni Ngu na natanggap ni Escudero ang pera.
01:18Pero giit ni Escudero, wala naman daw na ipakitang prueba si Bernardo na tinanggap niya ang umano'y kickback.
01:25Paiba-iba rin daw at nagbabago umano ang sinasabi ni Bernardo sa apat na affidavit ito laban sa kanya.
01:31Tulad na lamang nang wala raw nabanggit si Bernardo na P306M na delivery sa unang tatlong affidavit na isinumintin ito
01:39sa Senate Luribon Committee.
01:41Lumabas na lamang daw ito nung may investigasyong ginagawa na ang ombudsman.
01:46Hiniling ni Escudero sa ombudsman huwag bigyan ng immunity o gawing state witness si Bernardo at iba pang testigo laban
01:53sa kanya.
01:54Dahil kung may master plunderer tulad ng sinasabi ng reklamo, hindi raw siya ito kundi si Bernardo.
02:00Si Bernardo raw ang most guilty sa mga individual na dawit sa flood control project.
02:05Sabi pa ni Escudero kung siya raw ang master plunderer, bakit kalahating bilyong piso ang sinasabing natanggap niya
02:12kumpara sa inamin mismo ni Bernardo na tumanggap siya ng lampas isang bilyong piso.
02:18Hinihingan pa namin ng panig ang kampo ni Bernardo at ang ombudsman.
02:22Pag-aaralan pa ng ombudsman ang kontrasalaysay na ito ni Sen. Escudero para malaman kung may sapat na basihan
02:29para sampahan siya ng kaso sa Sandigan Bayan.
02:33Joseph Morong, Nakatutok 24 Horas.
02:35Pag-aaralan pa ng ombudsman ang mga.
Comments