Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tuloy ang pagkwestiyon ng ilang grupo at mga customer mismo sa mga bayarin sa Meralco Bill na hindi naman palabayad
00:09sa nakonsumong kuryente.
00:11Himayin natin yan sa pagtutok ni Maki Pulido.
00:18Sobrang pagtitipid na ang ginagawa ni Ria sa paggamit ng kuryente, kaya di niya maintindihan kung bakit noong Marso umabot
00:26pa rin ng mahigit 2,000 pesos ang electric bill niya.
00:29Minsan mapapatanong ka na lang sa sarili mo, bakit ganito, nagtipid ka nga, pero parang wala din naman nangyari sa
00:36pagtitipid mo.
00:37Sa likod ng electric bill mo, nakalista ang mga sinisingil dahil sa paggamit ng kuryente.
00:43Pero marami rito, ayon sa Power for People Coalition, hindi aktwal na kinokonsumo.
00:48Ang 12% VAT o Value Added Tax at Government Taxes na sinisingil ng gobyerno.
00:53Sa Meralco Bill ni Ria, 206.50 pesos ang binayaran niyang VAT, 218.86 sa Government Taxes, 49.53 pesos
01:04sa Universal Charges.
01:05Ito yung tulong nating lahat para maabot ng kuryente ang mga nasa malalayong lugar at mapangalagaan ang watershed.
01:111.56 pesos naman ang binabayaran niya sa lifeline subsidy o subsidiya para sa mga nasa 4-piece at qualified
01:19marginalized sector.
01:21Sinisingil din ng Meralco ang systems laws.
01:24Ito yung mga ninanakaw na kuryente at nawawalang kuryente habang dumadaloy sa kable.
01:29114.82 yan sa Bill ni Ria.
01:32Hindi yan responsibilidad ng mga electric consumers.
01:35Dapat yan, yung mga nagninegosyo doon sa transmission, distribution, akuin na nila yun.
01:42Kaya kung suspindihin ng gobyerno ang mga buwis at akuin ang universal charges at lifeline subsidy
01:48at kung sagutin ng Meralco ang kanilang systems laws, halos 30% ang mababawa sa Meralco Bill ni Ria o
01:55katumbas na 591.27 pesos.
01:59Ang computation na yan ay batay sa konsumo ni Ria na 154 kilowatts kada buwan.
02:05Habang tumataas ang konsumo, tumataas din ang singil para sa mga ito.
02:09Hinihingi pa namin ang pahayag ng Department of Finance kaugnay ng panukalang suspindihin ang buwis
02:14at kung ano ang epekto nito sa revenue collection ng gobyerno.
02:18Dapat may equitable sharing ng burden ng crisis.
02:21Hindi pwedeng ang kumakarga ng krisis ay ang mga mahihirap nating kababayan na nagtatrabaho.
02:29Gingit ng Meralco, lahat ng sinisingil nila ay aprobado ng Energy Regulatory Commission.
02:35Hindi naman daw napapatunayan ang mga aligasyon ng overcharging
02:38at hindi tumataas ang kanilang distribution tariff nitong nakalipas na sampung taon.
02:43Gayun pa man, masusi daw nilang nire-review ang kanilang rates para masigurong ito ay patas at makatwiran.
02:49Sa Meralco bill, pinakamabigat ang generation charge na mahigit kalahati ng binabayaran.
02:55Ang karamihan na pinagkukuna ng Meralco ng kuryente
02:58ay mga plantang gumagamit ng inaangkat na coal at liquefied natural gas o LNG
03:03na nagmahal pa ng magagyara sa Middle East.
03:07Pass-through charges ito, ibig sabihin kung magkano ang bili ng generation companies,
03:12ipapasa ito sa atin.
03:14Dapat, ayon sa Power for People Coalition,
03:16ang kinokontrata ng Meralco ay murang kuryente tulad ng renewable energy
03:21para makamura ang consumers.
03:23Ang Meralco ang pumapasok sa kontrata.
03:25Dapat ini-insure niya, nakalagay naman sa batasyon
03:30na dapat protektahan ang electric consumers.
03:31Sabi ng energy expert na si Atty. Jose Layug,
03:35kung renewable energy tulad ng solar ang source,
03:384.86 pesos per kilowatt-hour lang ito,
03:41kumpara sa 6.20 pesos per kilowatt-hour ng coal
03:45at 8.84 pesos per kilowatt-hour ng LNG.
03:49Sa kwenta ng Power for People Coalition,
03:52kung renewable energy source ang ginagamit,
03:54nasa 440.44 pesos pa ang mababawa sa electric bill ni RIA.
04:00Kaya nga, we have been advocating renewables
04:03kasi on the other hand,
04:04ang renewables naman fixed.
04:05Wala siyang ginagamit ng fuel.
04:07Walang binabayaran ang consumers na fuel.
04:09Tugon dito ng Meralco,
04:11dumaraan daw sa competitive selection process
04:13ang pangungontrata nila
04:14ng kukuning kuryente sa isang bukas na pamamaraan
04:17at sinusunod nila ang least cost principle
04:20o yung pinakamurang mapagkukunan.
04:22Sinusuportahan din daw ng Meralco
04:25ang transition ng bansa sa mas malinis na enerhiya
04:27at bahagi na ng kanilang sinusupply ay renewable energy.
04:32Isang bahagi rin ng bill
04:33ang singil ng National Grid Corporation of the Philippines
04:36o NGCP
04:37para sa transmission charge
04:39o singil sa pagtulay ng kuryente
04:41mula sa planta hanggang sa distribution company
04:44tulad ng Meralco.
04:45Kamakailang, nagmahal din ito.
04:47Ayon sa Power for People Coalition,
04:50mahal ito dahil nangontrata ng ancillary
04:52o reserbang kuryente ang NGCP
04:55mula sa mga plantang gumagamit ng diesel, bunker at coal.
04:5977 pesos ang naidagdag nito sa electric bill ni Ria.
05:04Nakastandby sila, reserve sila
05:06at yung sources really is problematic.
05:10Why prefer yung mga yan
05:13instead of renewable energy sources?
05:16Hinihingan pa namin ng pahayag ang NGCP.
05:20Kung isasama pa ang mga dagdag na bawas na yan,
05:231,059 pesos lang ang Meralco bill ni Ria
05:27sa halip na 2,168.50.
05:31Meron ding sinisingil na feed-in tariff allowance
05:34o FIT-ALL
05:35at green energy auction allowance o GAYA-ALL
05:38tulong daw sa mga mamumuhunan
05:40sa mga renewable energy source.
05:42Iba pa ang other charges na pwedeng gamitin
05:45sa bill deposit adjustment.
05:46Pero sabi ng ERC,
05:48sumusunod lang sila sa itinakda ng batas
05:50at mga pulisiya ng pamahalaan.
05:52Matagal na yan, 2001 pa yan.
05:55Ngayon ay nagbago kasi
05:57ng proseso at kung sino yung mga entitled.
06:01Dito sa Meralco area,
06:04ang consumo mo dapat ay hindi lalagpas
06:07ng 100 kilowatt hours
06:08para meron ka ring lifeline subsidy.
06:11Kaya nung 2021,
06:13sabi ng gobyerno,
06:13hindi, ang tulungan na lamang natin
06:15ay yung mga talagang kailangan ng tulong.
06:17Kaya na-identify po yung mga 4Ps
06:21at saka yung mga marginalized end users.
06:23Mackie Pulido Nakatuto, 24 Horas.
Comments

Recommended