Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isiniwalat ni Senate Blue Ribbon Committee Chair, Sen. Ping Lacson,
00:05na nakakuha si Sen. Rodante Marcoleta ng allocable na nagkakahalaga umano ng kalahating bilyong piso.
00:14Base anya yan sa dokumentasyon na galing sa abugado ni Yumaong DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral.
00:23Nakatutok si Ma'am Gonzales.
00:28Sinabi ngayon ng chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na si Sen. Ping Lacson,
00:33nakakuha sila ng impormasyon na merong allocables si Sen. Rodante Marcoleta na umaabot sa 500 milyon pesos umano.
00:41Ang allocables ay bahagi ng budget ng Department of Public Works and Highways
00:45para sa mga piling distrito ng mga kongresista na sinasabing ginamit para sa mga maanumalya o ghost projects umano.
00:52Ang basihan daw ni Lacson ay dokumento galing sa abugado ni Yumaong DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral
01:00na dati nang humarap sa Komite kaugnay ng maanumalya o manong flood control projects.
01:05Meron pa nga doon na sulat kamay ni dati o dilate Yusek Cabral
01:10na nag-allocate talaga siya based sa request ng allocables.
01:14Nakapag-allocate siya ng 500 milyon pesos na mga projects kay Sen. Marcoleta.
01:19Hmm. Aka mismo kay Sen. Marcoleta?
01:22Hindi kasama yun sa hawak ng ombudsman. So ipapadala namin yun.
01:27So for the real...
01:28Kasi galing mismo yun sa kampo o sa abugado ni dating Yusek Cabral.
01:34Paglilinaw ni Lacson, hindi naman iligal ang mga allocable.
01:38Pero tingin niya, hindi ito tama para sa isang mambabatas.
01:42Hindi ba naman aniya kasama sa irerekomendang investigahan ng ombudsman si Marcoleta?
01:47Sa ngayon, hindi. Kasi pero kung yun nga, merong gos tapos ma-attribute sa kanila
01:52kung magkakaroon ng gos or substandard,
01:56he should be treated in the same manner na natrato ibang senador.
02:01Wala nang special data.
02:02Dagdag ni Lacson, may kwento ang ilang kongresista na nagkaroon umano ng bukulan
02:07nang dumaan sa Commission on Appointment si dating DPWH Secretary Mari Bonoan.
02:12Bagaman hindi siya pinangalanan ni Lacson, si Marcoleta ang chairman ng Public Works Committee
02:17ng CA noon.
02:19Actually, 1.5 billion daw yung hinihingi.
02:22500 lang yung binigay.
02:24Tapos nakangangay yung mga ibang kasama sa CA kasi wala naman nakuhang project.
02:30Merong handwritten.
02:31Obviously, napagbigyan, care-off na eh.
02:34Ngayon, yung projects na yun, may listahan.
02:36Gusto naming malama.
02:38So, sorry, Senators and Congressman po ito?
02:40Yeah, both. Marami. Marami yun.
02:44Meron nang isang legislator. Ganyang kakapal yung kanya.
02:48Hininga namin ang reaksyon dito si Marcoleta pero wala pa siyang sagot.
02:52Sa ngayon, kulang pa rin ang pirma sa Partial Committee Report ng Blue Ribbon
02:56ukol sa flood control anomalies.
02:58Kaya hindi ito mailabas sa plenaryo.
03:00Talagang may nakiusap at least one from the minority
03:05nakiusap sa at least sa isa sa majority na kung pwede huwag magpirma.
03:10I will not blame them, but I have a duty to perform.
03:14Kasi kung puro pakikisama na lang all the way, huwag na lang tayo mag-hearing.
03:20Di ba?
03:21Maintindihan ko naman where they're coming from.
03:23Yung iba, parang hunos dili na bumate.
03:27Yung iba, hindi ako kinakausa.
03:29Sa report, kasama ang pangalan ng mga Senador na si Nachiz Escudero,
03:33Joel Villanueva at Jinguay Estrada
03:36na inirekomendang investigahan ng Office of the Ombudsman.
03:39Hinikayat ni Lakson ang tatlo na pumirma sa Partial Committee Report
03:43para matalakay na ito sa plenaryo
03:45at magkaroon sila ng pagkakataong magpaliwanag.
03:48Kung umabot kami sa interpellation sa amendment
03:50at makatwiran yung kanilang amendment,
03:54natanggalin mo yung pangalan ko dyan
03:56dahil hindi totoo yan, ito yung aking depensa
03:58at nanalo sa butuhan.
04:00Halimbawa, or nakonvince ako as chairman, sponsor.
04:04Sabi ko, accepted.
04:05O ditanggal yung pangalan na sa final, yung sa adapted committee report.
04:09Hinihinga namin ng panibagong reaksyon ang mga nabanggit
04:12pero dati na nilang itinangging may kinalaman sila sa anomalya.
04:15Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
04:20Sinagot ni Sen. Rodante Marcoleta
04:23ang pahayag ni Blue Ribbon Committee Chair Panfilo Lakson
04:26na nakakuha umuno siya ng kalahating bilyong pisong allocable.
04:33Kung ang pag-i-endorse ng mga proyekto sa DPWH
04:36ay basihan ni Sen. Lakson
04:40ng pagpapaimbestiga sa akin,
04:42hindi ba't halos dapat ng mga senador
04:47ay imbestiga na rin.
04:49Talaga namang pilit na isinasama ako sa kanyang naratibo.
04:52Masyadong halata naman ito, ginawang Pangulo.
04:56Ako na ngayon ang pinagtutuonan niya ng pansin.
05:00Dahil ba sa ako lamang nagsasabi sa kanya na gawin niya dapat ang trabaho niya?
05:06Tinawag din ni Marcoleta na pailalim na pag-atake ang mga pahayag ni Lakson.
05:11Gaya ng pagsabi nito na nagkabukulan
05:14ng dumaan sa Commission on Appointments
05:16si dating DPWH Secretary Manny Bonoat.
05:21Ako rin ang hingin ng halagang 1.5 billion
05:25na mga proyekto kapalit ng pag-confirm sa appointment
05:28ni Secretary Bonoat.
05:30Ngunit, 500 million lamang daw umano ang naibigay.
05:34Nang siya itanungin kung may dokumento ba na susuporta rito,
05:39hindi niya sinagot ng directa at bagos ay sinabi na lamang
05:42na kailangang suriin kung mayroong mga substandard at ghost projects
05:47sa mga pinagbigyan mula sa aking mga inindorso.
05:51Paraan lamang niya ito upang maipilit ang kanyang naratibo laban sa akin,
05:55Ginong Pangulo.
05:55Hindi na po ito paghahanap ng katotohanan.
05:59Ito ay pagpapalutang ng duda sa pamagitan ng isang palabas.
06:04Hindi na rin po bago sa akin itong ganitong pailalim na pag-atake.
06:08Hindi na po ito pag-atake.
Comments

Recommended