00:00Ang party list system ay binuo para may boses at kinatawan sa kamera
00:04ang mga marginalized at underrepresented na sektor sa bansa.
00:08Pero tila nagagamit ito ng ilang pamilya para palawakin ang kanilang kapangyarihan.
00:14Dahil batay sa pag-aaral ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ,
00:19kalahati ng party list congressmen ay bahagi ng political dynasties.
00:24May unang balita si Mark Salazar.
00:30May 64 na kinatawan ngayon sa kamera mula sa samotsaring party list na kumakatawan sa iba't ibang sektor.
00:36Sa pagsusuri ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ,
00:41lumalabas kung paano nagagamit ng mga political families ang party list system
00:46para palawakin ang kanilang kapangyarihan sa kamera.
00:50Ayon sa PCIJ, isa sa bawat apat na party list representative sa 20th Congress ay may kamag-anak na mambabatas
00:58din.
00:58At ayon pa sa pag-aaral ng PCIJ, sa 64 na party list representatives ngayon,
01:0532 o 50% ang nabibilang sa mga maituturingan nilang political dynasty.
01:11Ginagamit daw ang party list system para bigyan ng posisyon ang kanilang 3rd to 4th generation ng kanilang political dynasty.
01:20Gamit din ang parehong makinarya na ginamit nila sa probinsya para makuha ang iba pang posisyon.
01:26Kaya nga sabi nila, ginawa na raw house of families ang dapat ay house of representatives.
01:33Sa pagsilip ng PCIJ sa 2025 election results,
01:37nakitang karamihan sa mga nanalong party list representatives na galing sa political dynasty
01:42ay ipinanalo lang din ang kanilang mga bailiwick sa probinsya.
01:46Sabi ni Comelec Chairman George Garcia, hindi naman kasi yan ipinagbabawal ng batas.
01:53Hindi po namin pwede tingnan kung paano siya nanalo solong may mga boto na pumasok
01:58sapagkat siyempre po, may yung po kasing party list,
02:01pwede kuhanin lang ang kanyang boto sa isang probinsya.
02:05Wala pong sinasabing na dapat ito yung nasa buong Pilipinas.
02:08Yung po'y hindi pinagbabawal ng ating pong batas.
02:11Noong isang linggo, ipinasa sa ikalawang pagbasa sa kamera ang kanilang versyon ng anti-political dynasty bill.
02:18Pero sabi ng PCIJ, ang house version ay maglilegalize lang ng political dynasty imbis na pagbawalan.
02:26Mga taga-party list din na nagsasabing napagsamantalahan nga ang party list system ng ilan nilang kasamahan.
02:33Ito talagang nababoy yung party list system na mga kontraktor, mga walang sektor na nire-represent na yung party list
02:40system natin.
02:41Hindi hindi maikakailayan kaya maraming mga tao tinitignan na yung party list na backdoor ng mga dynasty, ng mga kontraktor
02:49at ng mga grupo na wala namang malinaw na sektor na nire-represent.
02:53All the more disturbing na kapag party list na na-involve sa corruption.
02:57Kasi inaasahan ng taong bayan, ang party list ay kinatawan ng ordinary mamamayan.
03:01Pero kung sila mismo na-involve sa katiwalian, ito talaga ay nakaka-alarma.
03:05And this goes to show na talaga kailangan natin habulin na ibalik ang party list sa kanyang tunay na esensya.
03:10Idinulog na noon sa Korte Suprema ang kwestiyon kung bakit kilalang mayayaman ang kumakatawan sa mahihirap.
03:17Ang korte ang nagsabing kahit sino ay pwedeng kumatawan sa isang adbukasya.
03:23Hindi namang kinakilang gumagapang sa kahirapan yung mismong tumatakbo sa party list o yung mismong nominee.
03:28Sapat lamang daw na mayroong papatunayan na adbukasya yung mismong nominee.
03:33So anong ibig sabihin noon?
03:34Kung ikaw ay isang lalaki, gusto mong i-representa ang mga kababaihan,
03:39pero pwede ba yun? Pwede.
03:40Basta ang adbukasya mo tungkol sa mga kababaihan.
03:43Kung ikaw ay isang kabataan, pwede mo bang i-representa ang mga nakatatanda?
03:46Pwede rin.
03:47Tumangging humarap sa aming kamera ang mga pinuno ng party list coalition,
03:51pero nagsabi silang may ikinakasa silang bill na magre-reforma sa party list system.
03:5830 years old na ang RA 7941 o Party List Act,
04:02pero niminsan walang nagtagumpay sa tangkang amyendahan ito.
04:07Ito ang unang balita, Mark Salazar, GMA News.
Comments