00:00Patuloy ang kilos protester ng grupo na nagpalipas sa magdamag sa labas ng Senado.
00:05Bantay sarado pa rin ng mga polis ang loob at labas ng gusali.
00:08Live mula sa Pasay, may unang balita si EJ Gomez. EJ.
00:16Ivan, good morning.
00:18Nagdeklara ng full alert status ng Philippine National Police kasunod ng tensyon sa Senado kagabi.
00:24Idineklara nila yan alas 8.30 kagabi sa buong magdamag bantay sarado naman.
00:30Na ang PNP, na ang polis siya, ang loob at labas ng Senado.
00:40Kasunod na mga putok ng baril sa loob ng Senado kagabi.
00:49Magdamag na bantay sarado ng mga polis ang loob at labas ng Senado.
00:54Umabot sa mahigit sanlibong polis at uniformed personnel ang nakapaligid sa Senado kagabi.
01:00Mayroon ding mga raliyista.
01:02May puntong sumugod at nagtangkang alisin na mga tagasuporta ni Senador Ronald Bato de la Rosa ang mga barikada.
01:09Ang iba, nagpumilit na malampasan ang mga polis.
01:16Nakita rin natin si Senador Tito Soto nang lumabas ng Senate Compound.
01:20May nagsaboy ng tubig sa kanyang sasakyan.
01:23Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Soto ang kanyang pagkadismaya sa PNP at iba pang security personnel.
01:30Bigo umanong kontroli ng mga otoridad ng mga nanggulo at umatakis sa kanya habang nasa loob ng sasakyan.
01:36Ilang beses umanong pinaghahampas ang kanyang sasakyan.
01:40Binato ng mga bote at pinagmumura siya.
01:43Sinusubukan pa natin kunin ang pahayag ng PNP kaugnay niyan.
01:46Di na ho natin mapigilan ng emosyon. May mga nagagalit po talaga.
01:51Ay Sen. Soto naman. Siguro sana maunawaan na lang niya ang mga mayang Pilipino.
01:57Siya ay isang senador. Siya ay naglilingkod bayan.
02:01Ang mga Pilipino ay sawa lamang sa maling pamamalakad ng gobyerno.
02:07Mag-aalas 11.30 kagabi nang magdatingan ang ilang miyembro ng Special Weapons and Tactics o SWAT
02:12at uniformed personnel ng PNP.
02:14Ilang van din ang soko ang sumunod na pumasok sa Senate Compound.
02:18Magdamag naman ang kilos protesta sa labas ng Senado.
02:21Ilang grupo na mga ralyista ang nanawagang makulong si Sen. Bato de la Rosa
02:26at malitis si Vice Presidente Sara Duterte.
02:30Ang mga taga-suporta naman ni de la Rosa may bit-bit pang standee.
02:34Naroon din si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga at dating Congressman Mike Defensor.
02:40Anila, isa umanong tangkang assassination ang nangyaring kaguluhan sa loob ng Senado.
02:46There are people who are saying that this is made by, this is planned by President Marcos.
02:52This will probably be the biggest political crisis of this year.
02:54President Marcos must be investigated for his involvement in the Senate assassination attempt
02:59because this is the first time it happened in our history.
03:02Command responsibility.
03:04Head siya ng executive.
03:05Ina-attackin nila yung legislative body natin.
03:09And yun ay pag-yurak na at pagtapak sa ating salinding ng batas at sa ating demokrasya.
03:14Sisikapin namin kunan ang reaksyon ng Malacanang kaugnay niyan.
03:17Kagabi, sinabi na ni Pangulong Bongbong Marcos sa isang video statement sa social media
03:22na walang ibinigay ng utos na arestuhin si Sen. de la Rosa kagabi.
03:28Pinaiimbestigahan na niya ang nangyaring gulo sa Senado.
03:30Wala pong instruction kahit na kanino na hulihin si Sen. Bato.
03:38At ang nangyari, ang NBI, sinabihan ko nung lumabas yung resolution ng Supreme Court,
03:46mga alas 4 yung kaninang hapon, ay sinabi ko, umalis na kayo dyan.
03:52Nag-comply naman sila.
03:53And we will get to the bottom of this. Aalamin natin kung sino ang gumawa nitong gulo na ito.
04:01Mag-iimbestiga rin daw ang PNP at Senado sa insidente.
04:12Iban, nananatiling mahigpit ang seguridad dito sa paligid ng Senado.
04:15Pero dahil maaga pa naman, hindi pa ganun karami yung mga rallyista.
04:19May mga nagsiuwian at yung iba naman ay nagpapahinga.
04:21Dito lang sa unahan namin, nagtayo sila ng tent at sa mga oras na ito ay nagpapatugtog pa lang naman
04:25sila.
04:26Kaya sa mga putong ito, nadadaanan pa naman itong kahabaan ng Jocno Boulevard o yung kalsada sa labas ng Senate
04:32Compound.
04:33Yan muna ang latest mula po dito sa Pasay City.
04:36EJ Gomez, GMA News.
Comments