00:00Patay na ng matagpuan ang isang bata sa Mountain Province na napaulat na nawawala,
00:06kung saan natagpuan ang kanyang mga labi sa pagtutok ni Rafi Tima.
00:13Sa larawang ito nalang inaalala ng kanyang mahal sa buhay ang tatlong taong gulang na si Thea Bonbon.
00:18Naglalaro lang sa kanilang lugar sa Natonin Mountain Province ang bata nitong Sabado ng hapon,
00:23pero hindi na siya nakita at napaulat ng nawawala.
00:27Kinumagahan, natagpuan si Thea na wala ng buhay sa likod ng kapilya ng St. Martin de Forest Chapel sa Sityo
00:33Batnong.
00:34Ayon sa Natonin Police, nakitaan si Thea ng mga sugat sa ulo.
00:38Nadala pa siya sa ospital pero diniklarang dead on arrival dahil sa tinumong traumatic brain injuries.
00:44Anak ng isang single mom si Thea na umalis muna ng bayan para makapagtrabaho,
00:49kaya naiwan siya sa pangangalaga ng kanyang lolo't lola.
00:51As of now, sir, wala pa kaming person of interest pero ongoing pa rin yung investigation namin, sir.
01:00Rafi Tima Nakatutok, 24 Horas.
Comments