00:00Walang merito, ito ang isa sa mga dahilan ng mga magistrado ng Korte Suprema sa pagbabasura
00:06sa hiling na Temporary Restraining Order ni Sen. Bato de la Rosa.
00:10Ang kabuang paliwanag ng Supreme Court sa kanilang desisyon, alamin sa Sentro ng Balita ni R.R. Tubice.
00:19Sa opinion ng mga magistrado, ipinaliwanag kung bakit ibinasura ang hiling ni Sen. Bato de la Rosa na TRO
00:25sa ICC warrant laban sa kanya.
00:28Ayon kay Associate Justice Alfredo Benjamin Caguiwa, hindi dapat maging takbuhan na makapangyarihan ang Korte
00:34habang ang hustisya ay pangako pa rin sa mga biktima.
00:37Tanong pa niya kung may hustisya para kanino ito? Sa mga akusado o sa mga biktima?
00:43Para naman kay Associate Justice Henry Inting, ang tanong ay kung maaaring ipatupad ang ICC warrant sa Pilipinas
00:49nang walang hiwalay na proseso sa Korte.
00:52Kaya dapat umanong huwag muna itong ipatupad hanggang hindi pa napagpapasya ng SC.
00:56Ayon sa kanya, kung maaaresto at maisuko si de la Rosa, posibleng mawala ng saisay ang petisyon.
01:02Ayon naman kay Senior Associate Justice Marvy Clionin, may karapatan si de la Rosa pero walang sapat na patunay na
01:08nalabag ito.
01:08Ang status ko anti-order anya ay hindi dapat gumawa ng bagong proteksyon.
01:13Sa resolusyon, sinabi ng Korte na walang material at substantial invasion sa karapatan ng Senador.
01:18Hindi rin umanong malinaw kung anong karapatan ang dapat protektahan.
01:21Nabigyan pa nga siya ng protective custody ng Senado.
01:24Kinilala rin ang SC ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na wala siyang direktiba na arestuhin si de
01:30la Rosa.
01:31Kaya ayon sa Korte, ang sinasabing paglabag ay nananatiling haka lamang.
01:35Sa botong 951, ibinasura ng SC ang hiling na pansamantalang pigilan ang ICC arrest warrant.
01:41Nilinaw naman ang Korte na ang ibinasura pa lamang ay ang hiling sa pansamantalang proteksyon.
01:46Wala pa rin desisyon sa petisyong kumukwestiyon sa pagpapatupad ng ICC warrant sa Pilipinas.
01:52RR to Vice para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments