00:00Iba't iba ang sentimiento ng publiko tungkol sa pagtatayo ng tulay patungong Boracay Island.
00:07Yan ang ulat ni Rod Laguzad.
00:11Hati ang mga residente, mga turista, iba pang mga stakeholder pagating sa panukalang pagtatayo ng tulay patungo sa isla ng Boracay,
00:19na isa sa pinakapatok na tourist destination sa bansa.
00:23Para sa boatman na si Peter, hindi siya pabor sa planong ito dahil posibleng maapektohan ang gaya niya.
00:28Ito lang yung hanap buhay na pinakikitaan namin.
00:33At saka isa pa sir, may mga estudyante kami, may mga college kami, yung mga boatman iba dyan, may mga college.
00:39Ito lang talaga yung hanap buhay namin.
00:41At saka ang pangit sir, hindi na siguro tumaratawag na ang Boracay na island kasi nakadugtong na siya sa mainland.
00:47Ganito din ang sentimiento ni John na isang porter o tagabuhat na mga gamit na mga pasahero papunta at paalis ng Boracay.
00:54Huwag na lang po kung sakaling hindi matutuloy.
00:57Ngayon, para marami na siya may mawawalo ng trabaho dito sir. Lalo na yung boatman at saka porter po.
01:04Bagamat may mga hindi pabor sa pagtatayo ng tulay, ang ilang turista pabor dito, lalot magiging madali ang pagpunta sa isla.
01:12Mas pabor po yun kaya para at least safety yung daanan, takatulay na.
01:16Tsaka diretsyo na rin yung biyahe mo ba.
01:19Hindi ka na mahasel mag barko pa, hindi na diretsyo na yung ano mo.
01:24Habang para kay Mariela na-engage dito sa Boracay, magandaan niya kung babalansihin ang sitwasyon.
01:30Sa akin, okay lang naman na magkaroon ng tulay dito kasi nga for the benefit ng mga turist.
01:36Pero ayun nga, isipin din natin yung mga magiging hanap buhay ng mga naging lokal dito.
01:42Sa darating na biyernes, August 8, magkakaroon ng pagpupulong ang Malay-Aklan LGU sa San Miguel Corporation na una nang naglabas na unsolicited proposal sa paggawa ng tulay na magdudutong sa isla ng Boracay sa mainland Panay.
01:56Una nang inalis ng sangguniang bayan ng Malay ang panukalang tulay mula sa Comprehensive Land Use Plan at Annual Investment Plan nito, kasunod na rin ang oposisyon ng mga lokal dito.
02:05Inaabot ng nasa lima hanggang anim na minuto ang biyahe mula dito sa mainland Panay patungo sa isla ng Boracay.
02:14Sakaling magkaroon ng tulay dito ay maaapektuhan ang trabaho ng mga boatman at porter na dito lang kumukuha ng kanilang kabuhayan.
02:23Ayon kay Malay Mayor Floribal Bautista, lumiyam na sa kanilang MSC para ipresenta sa kanila ang kanilang panukala.
02:29Normal naman yan. May pro, may against. But we have to give a chance to present. Tingnan natin kung why is it that they want to put up a bridge.
02:45Then what will be the effect kung may bridge siya? Then how about some sectors that will be affected?
02:51Ayon sa provincial government ng Aklan, nagkaroon na ng pagpupulong ang probinsya sa SMC.
02:56Pero hindi pa na isasagawa ang public consultation kasama ang stakeholders sa probinsya na kanilang hinihintay.
03:03Maraming groups na nag-oppose dito and pinapakinggan namin sila kung ano yung dapat na steps na gagawin namin.
03:15And of course, kung ano talaga yung future na beneficial for the island and beneficial for the Aklanon.
03:21Sa ngayon, for ilang decades, marami pa namang investment na pupunta dito.
03:28Marami namang ongoing pang projects dyan ng mga hotels ngayon.
03:33So I don't think maka-affect din sa mga investors kung may bridge or not.
03:39Sa datos ng Malay Tourism Office, umabot na sa higit 1.3 milyon ng bilang ng tourist arrivals sa Boracay
03:44mula January hanggang July ngayong taon.
03:48Rod Lagusad, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.