Skip to playerSkip to main content
Aired (May 9, 2026): Isang nanay ang niregaluhan ng zumba shoes ng isang binata! Ang binata, ‘di raw niya anak, kundi kaibigan ng kanyang anak. Pero ‘di man magkadugo, nanay-nanayan daw ang turing nito sa kanya. Si Nanay Agnes, sadyang malaki raw kasi ang puso para sa marami. Panoorin ang video.

Hosted by Vicky Morales, ‘Good News’ is a weekly newscast that rounds up the trending feel-good stories in the Philippines and offers D-I-Y fashion tips and affordable healthy recipes for Kapuso viewers on a budget. #GoodNews

Category

😹
Fun
Transcript
00:00Ngayong araw ng mga ina, binibigyang pugay natin ang mga sakripisyo at pag-aaruga ng mga ilaw ng tahanan.
00:07At ang naismarahil ng mga anak para sa espesyal na araw ng kanilang nanay.
00:15Magkaroon naman sila ng me time.
00:18At mapagbigyan ang munti nilang wishlist para sa sarili.
00:25Nakilala namin ang 56-year-old vlogger nanay mula daraga albay na si Agnes.
00:31Kasama ang kanyang anak na si Anton.
00:33Oh, nagdolong ka mabutong pa nila.
00:35Murat na nang itrabahong buli nina mo.
00:38Good vibes ang hatid ni nanay.
00:41Hindi lang sa bahay, pati na rin online.
00:44Oh, nata nakadaptipi. Adi si mama?
00:45May, di mo yung pagtanggalon.
00:46Sisabi ko sa'yo, di mo yung pagtanggalon.
00:48Kaya hirap nga.
00:49Kugto na!
00:50Gabarawa ka sa nakamari, baka munamaraw.
00:51Mahilinig pa ako, mangalaba pa ako.
00:52Una na saan ang digibang.
00:53Ika isa't gaman.
00:54Uli din na mo.
00:55Di ka na.
00:56At mo nanggad.
00:57Sip, di pagtanggalon.
00:58Pre, na-enjoy namin yung content namin ng anak ko sa araw-araw.
01:02At nakakatulong din yun sa aming pang-araw-araw na pamumuhay.
01:07Galing kay Lord.
01:09Ang matatamis ng ngiti ni nanay Agnes sa camera,
01:12nagsimula raw sa masayang kabataan kasama ang pamilya.
01:16Ang kinalakayan ko noon,
01:18siyempre masaya kami.
01:19Ang dami kaya namin noon.
01:21Pag naglalaro kami,
01:23pag kumakain kami,
01:25ang saya-saya ng banding namin.
01:27Pero hindi raw palaging matamis ang buhay.
01:30Dahil sa murang edad,
01:32maagang pinasa ni nanay Agnes ang responsibilidad sa pamilya.
01:38Mula sa pagtitinda ng kamote,
01:41hanggang sa pamamasukan bilang kasambahay,
01:45at pagtanggap ng labada,
01:50lahat pinasok niya para kumita ng pera.
01:55At matulungan ang mga kapatid niya.
01:58Hindi na nga ako nag-aral.
01:59Yun na nga.
02:00Kasi tumulong na ako kay Papa.
02:02Hindi rin nagtagal,
02:03nakilala ni nanay Agnes si tatay Alfred.
02:07Nagsimula sila ng sariling pamilya,
02:10at nabiyayaan ng tatlong supling.
02:14Dalawa o tatlong beses lang sa isang buwan,
02:16nakakauwi ang mister ni nanay Agnes,
02:18na nagtatrabaho bilang security guard ng isang poncha.
02:23Kaya naman si nanay Agnes ang toka sa pag-aalaga
02:27at pagpapalaki ng kanilang mga anak.
02:31Sa loob ng 28 years,
02:33hindi kami nag-awa,
02:35hindi kami nag-iwalay.
02:36Yun ang pinakasalamat ko sa ako.
02:40At ang panganay na anak nito na si Anton,
02:43labis din ang pagmamahal at utang na loob sa kanyang ina.
02:48Grabe po yung sakripasyon ni mama sa aming mga anak
02:50kasi ginagawa po talaga niya yung lahat.
02:53Hindi po siya nagpapakita ng problema
02:55para hindi po kami ma-apektohan.
02:58Ang pag-aruga ni nanay Agnes sa pamilya,
03:00hindi natapos kahit na nagkaroon na
03:03ng sariling pamilya ang mga anak.
03:05Yung bagay po na sobrang temple ako yung mama,
03:07nung nagkaroon na po ako ng anak,
03:09kasi pag umalis po kami,
03:10siya po yung nag-aalaga,
03:11tapos siya po yung naging pangalawang nanay ng anak ko.
03:14Mahirap man daw ang buhay,
03:16Mayaman naman daw si nanay Agnes
03:18sa pagmamahal ng mahabang listahan
03:21ng mga itinuturing niyang anak
03:22mula sa mga kapatid,
03:24mga anak hanggang sa apo.
03:28At para may energy sa pag-aalaga,
03:31kailangang healthy ang kalusugan.
03:34Salamat sa paborito niyang libangan
03:37at ehersisyo na Zumba!
03:40Mula pa raw noong pandemic,
03:42ay sumasabay na siya
03:43sa mga napapanood niyang Zumba online.
03:48Siyempre, lumalaki na din po si mama.
03:49Gusto niya ating magbawas ng timbang.
03:51Tapos yung mga hiingal ni mama,
03:53yun, gusto niya yung labanan.
03:55Tapos pag may mga event,
03:56lagi na siyang napunta.
03:57Ganon siya kahilig sa Zumba na ngayon.
04:00Nagsusumba ako para kung may pag-asa pang sumeksi ba,
04:08pabawasan yung tiyan ko,
04:10tsaka maganda yung sa katawan.
04:16Sa laki ng puso mo para sa pamilya,
04:19deserve mo talagang malibang nanay.
04:22Pero ang kabutihan daw ng puso ni nanay Agnes,
04:25hindi lang para sa kanyang mga kadugo.
04:27Dahil bukod sa mga anak,
04:29maiba pang tumuturing sa kanya bilang isang ina.
04:33Tulad na lang sa anak-anak kanyang si Peter.
04:36Tema ng ating Tiktroyal mamaya
04:39ay all about gaming.
04:41Isang full-time content creator sa New Zealand si Peter.
04:45At kada taon,
04:47umuuwi siya sa Pilipinas kapag nahuhumsi.
04:50At sa kanyang pagbabakasyon sa Pilipinas,
04:53nakilala niya ang anak ni nanay Agnes na si Anton.
04:57Pumaga pinapanood niya na ako dati,
04:58tapos siguro nun gusto niya rin mag-vlog,
05:01kaya kami na laging close.
05:02Tapos nag-meet po kami sa Bicol,
05:04hanggang sa mag-barkada na kami.
05:08At dahil malapit na nga lang ang bahay niya kina Anton,
05:11Didi sa Bicol,
05:13panagtaram kang ma!
05:15Ano na lang sa ibo?
05:16Puro ka mama!
05:17Huwag pag-agad ka!
05:18Mama!
05:19Nakagawian na niyang bumisita sa bahay nila
05:22tuwing umuuwi ng bansa,
05:23na naging daan para makilala niya rin
05:26ang ina ng kaibigan.
05:29Ha?
05:29Pura ka na naman na langob!
05:31Lagi po ako pupunta sa bahay nila,
05:33dun po ako nakikikain.
05:36Tapos, yun.
05:37Tapos napansin ko yung nanay niya masyadong maalaga,
05:39kahit hindi niya ako tunay na anak.
05:41Kapag nangaraw bumibisita siya sa bahay nila,
05:44si Nanay Agnes,
05:45laging may pa-fiesta.
05:47Sabi-bigla nga ako,
05:48pag natulog ako dun,
05:49kasi every morning talaga namang may breakfast,
05:51tapos nahihiyana ako kasi,
05:53di ba po parang,
05:54typical sa atin mga Pilipino na,
05:56parang yung mga nanay,
05:57oh, bakit nandito na naman yung mga friends mo?
05:59Bakit dito namang kakain?
06:00Well, si Mama Agnes po,
06:02hindi po ganyan.
06:03Talaga namang maalaga siya.
06:04Sukar!
06:05Sukar!
06:06Higa talaga, kaya naubos ang ipo mo.
06:08Unti-unti ng araw na,
06:10palapit si Peter kay Nanay Agnes,
06:12lalo pat nakikita niya kay Nanay Agnes
06:15ang sarili niyang ina.
06:16Yung care niya po kasi,
06:17parang hawig na hawig po sa mama ko.
06:20Tulad ni na Anton,
06:21tatlo rin magkakapatid si na Peter,
06:23at ang ina rin daw,
06:25ang nagtaguyod sa kanila bilang isang single mother.
06:28Kaya naman,
06:29nang minsang umuwi si Peter sa Pilipinas,
06:33may inihanda siyang munting surpresa.
06:36Napigay lingsa,
06:38pangakay bagayam.
06:40Ang simpleng panunood ng TV habang kumakain,
06:43naging isang memorable moment para kay Nanay Agnes.
07:02Doon na po pumasok sa isip ko na,
07:04what is bigyan ko siya ng rubber shoes,
07:06isurprise ko siya,
07:07para naman ma-enjoy niya yung hiling niya sa pagsusumba.
07:11Siyempre masaya po,
07:12kahit po hindi ko siya kadugo,
07:14sinurprise niya ako ng ganung kagandang sapato.
07:18At hindi lang yan,
07:19bukod sa pa-zumba shoes,
07:21sinamahan din ni Peter si Nanay Agnes
07:23na sumali sa zumba.
07:27Nak,
07:28thank you ah.
07:30Nasurprise talaga ako ng sapatos.
07:33Lagi ka naman ganyan,
07:34ang susurprise ka eh.
07:35Thank you,
07:36thank you, thank you talaga.
07:38Maliit na bagay na,
07:39kasi para kasi sa akin,
07:41ang gusto ko lang naman is,
07:43palagi kayo nakangiti,
07:44kahit halos wala nakangiti.
07:46Joke.
07:47Boy,
07:48pag-uwi mo ulit dito,
07:49may ngipi na ako.
07:50Thank you very much,
07:51kasi ikaw yung naging second nanay na yan.
08:01At ngayong araw,
08:03hindi pa natatapos
08:04ang paandar na surpresa
08:06ng mga taong
08:07malaki ang pasasalamat
08:08sa ating super nanay.
08:12Naman yung regalo kami para sa'yo
08:14at sana magustuhan mo.
08:15Kasi napangsin namin yung suot mo,
08:17hindi pa niya pag-zumba.
08:18Ma,
08:19thank you
08:20sa lahat
08:21ng sakripis yung dalawa ni Papa.
08:23Thank you kay Lord kasi
08:26kayo yung naging magulang namin.
08:28I love you, ma.
08:30Suot ang kanyang bagong zumba outfit.
08:33Ife-flex din ni Nanay Agnes
08:35ang regalong zumba shoes ni Peter.
08:40Pwedeng-pwede nang humataw.
08:52Nandito lang kami mama para sa'yo
08:54kung may mga problema.
08:55Nandito lang kami yung ano,
08:56mga anak mo at si Papa.
08:58Kaya maraming maraming salamat po
08:59sa lahat ng sakripisyo niyo sa amin.
09:02Hindi kailangang isantabe
09:03ang sarili
09:04para maging mabuting ina.
09:07Tulad din Nanay Agnes,
09:09kailangan ding alagaan ang sarili.
09:13Para mas maalagaan mo
09:14ang iyong pamilya,
09:16pati na rin ang iba.
Comments

Recommended