00:01Kailan lang nang may makilala tayong mga binansagang mole people dahil lumabas sa mga drainage.
00:08Pero alam niyo bang kahit sa ilalim ng Osmenia Highway, e may na buong komunidad mula po noong dekada 90.
00:16Nasa 50 tao ang nakatira roon at mismong kalsada ang kanilang bubong,
00:22ang kanilang mga tahanan at pamumuhay sa Special Report ni JP Soriano.
00:31Kung napadaan ka sa bahaging ito ng Osmenia Highway sa San Andres, Malate, Maynila,
00:36marahil hindi mo alam, meron palang isang komunidad na nakatira sa ilalim nito
00:41ang tinaguriang underground community ng barangay 738 sa Maynila na nasa tabiri ng isang creek.
00:48Viral muli sa social media ang naturang underground community matapos ma-feature ng ilang foreign journalists
00:54na nagulan sa lagay at pamumuhay ng mga nakatira sa ilalim nito.
00:59Bula sa gilid ng barangay 738, natuntun namin ang underground community.
01:04Ang pangunahing daanan, papaso at palabas ng malat-tanal na komunidad,
01:09kulang isa't kalahating metro ang taas.
01:11Ang lapad naman, wala pang isang metro, kaya kung may magkakasalubong.
01:15Ay, ay, sorry, ay, okay, sorry po, sorry po.
01:19Dito na kilala ko si Jaya, isa sa mga residente rito na isa ring pro-k leader ng barangay.
01:24So, ingat lang, wire, wire, wire, line wire.
01:29Kung saan po kasi yung iba, nakatap po kami lahat sa may labasan.
01:32Okay.
01:33May nabuluntary pong pa-submeter po kami para kahit paano naman po nagbabahit kami ng tama.
01:38Okay, pero delikado to Jaya kasi, di ba, baka mag-short, no?
01:43Mag-short, saka maabot ng mga bata.
01:45Ito yung isa sa mga inaano namin, iniiwasan namin.
01:49Ang mga bahay may electric fan, PV, at iba pang appliance.
01:53Aabot ng 700 hanggang 1,000 pesos ang binabayaran nilang kuryente sa ilang kapitbahay na nakasubmeter na pinagkokonektahan pa
02:03ng sala-salabat na linya ng kuryente sa underground community.
02:07Ang tubig, libre raw at naikonekta nila sa ilang tubo sa ibang bahagi ng barangay.
02:13Dito, diretsyo na ang inom ng tubig, maging ng ilang mga bata.
02:17May dalawang common CR o palikuran ang underground community ng barangay.
02:23Ang CR na ito, halos isang metro lang ang taas.
02:26Ang batya na ito, ang paliguan ng lahat at ang inidoro, diretsyo na sa sapa.
02:32Kung nasa isa't kalahating metro lang ang taas ng pangunahing daanan sa mga mismong bahay o unit kung tawagin nila,
02:39mas sumisigit pa sa unit ni Erlinda halimbawa.
02:43Kulang pa sa isang metro ang pagitan ng espasyo mula sa kama hanggang sa sementadong bubong sa ilalim ng Osmeña
02:50Highway.
02:511990 pa raw nakatira rito si Erlinda.
02:53Dito na nagkaasawa, walong anak at labing apat na apo.
02:57Ngayon, kasama niya ang isa sa kanyang mga anak at anim na buwang gulang na apo na si Bibi Pollen.
03:03Sa loob ng apat na dekada, naranasan na raw ni Erlinda ang abutan ng lindol, baha at sunog.
03:10Napakainit, hindi ka makatulog dahil sa sobrang init.
03:15Tapos yun nga pagbabaha, saan ka pupunta?
03:18Pumapasok po ang tubig dyan.
03:21Mga laba, mga daga, ipis, mga alupihan, mga basuran.
03:26Walang makapupuntaan, kundi sa highway para makatulog lang ang panandalian.
03:33Ang mga daga, nasing laki raw minsan ng mga pusa.
03:36Ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog sa gabi dahil kailangan niyang protektahan ang apo.
03:42Minsan sa ano ko, yung kamay, biglang gaganunin ko, tumatalsig yung dago.
03:48Mapapasigaw lahat.
03:49Pero kayo sanay na.
03:51Sanay na kasi wala talaga kami mapupuntahan.
03:53Kung sa bahay ni Erlinda, medyo nakakaupo pa sila.
03:57Ang ibang unit na nasa mas dulong bahagi, mas maliit at mas masikip pa.
04:02Kulang na sa isang metro ang taas.
04:10Marami raw sa nakatira rito, nagtatrabaho bilang delivery riders.
04:14Kaya kung papasok sila sa trabaho, kailangang ipadlak ang mga unit.
04:18Mga kapuso, nandito po tayo sa ilalim po ng Osmenia Bridge, Osmenia Highway.
04:23Ito yung underground community.
04:25Abot po sa 40 to 50 na pamilya ang nakatira dito.
04:28Wala po ako 30 minutes na bumibisita sa kanila.
04:31So, pawisap-pawisap po ako.
04:32Pero sobrang init.
04:34Imaginin nyo po yung mga kababayan natin nakatira dito.
04:37Pero kompleto sila dito.
04:38May kuryente, sa mga wires na nakakonect po sa labas.
04:43May tubig.
04:45Obviously, napakahirap ng buhay.
04:47Kung baga, sabi para sa iba, unmanageable.
04:50Pero sabi po nila dito, masaya daw sila.
04:53Yung sitwasyon na meron kami, dinadaan na lang po namin sa inuman, saya at sa kakantahan.
04:59Madalas po talaga meron ditong party.
05:01Like, pag nagsama-sama po kami mga kabaklaan dito at ibang tao,
05:05nandiyo dyan po yung nababiral kami sa video na masaya lang po.
05:09Ganun.
05:09Basta masaya lang po kami.
05:10Pero kung iniisip daw ng iba, nanakontento na sila sa ilalim na bahagi ito ng Maynila.
05:16Nangarap din po ako sa sarili ko na sana, balang araw, mabigyan naman kami dito ng pansin na magkaroon kami
05:23ng sarili yung bahay.
05:25Dahil, siyempre, dumalaki mga apo ko, at saka tumatanda ako.
05:30Hangad din po namin na mapansin o makita ng national government yung sitwasyon na meron kami.
05:36Hindi kami husgahan.
05:38Dapat bagpastanungin muna nila kung ano yung pinagdadaanan namin.
05:41Ayon sa mga opisyal ng barangay, patuloy daw ang pakikipag-ugnayan sa kanila ng DSWD at iba pang ahensya ng
05:48national government
05:49para sa isang permanente at mas ligtas na relocation.
05:52Pero ayon sa siyema ng barangay.
05:55Na-relocate sila dati sa Kabuyaw.
05:58Walang trabaho, malayo.
06:02Kaya napipilitan silang bumalik kasi andito, madali ang trabaho rito.
06:08Nakakakuha ng trabaho.
06:09May mga anak kasi, hindi mo rin silang mapigil na ano eh.
06:14May mga anak sila na dapat buhayin kaya naghahanap sila ng trabaho.
06:17Wala pang tugon ang Manila City LJU kaugnay sa plano para sa mga nakatira sa underground community ng Maynila.
06:25JP Soriano. Nakatutok 24 oras.
Comments