00:00Ligtas na na-repatriate ng pamahalaan ang dalawang Filipino crew ng MV San Antonio
00:05na nakaranas ng drone attack sa Strait of Hormuz.
00:09Sa kanilang pagbabalik sa bansa, agad silang dinala sa Manila Doctors' Hospital
00:13para sumailalim sa karagdagang medical treatment at comprehensive care.
00:18Ayon sa Department of Migrant Workers, bukod sa financial assistance,
00:22makatatanggap din sila ng iba pang tulong mula sa pamahalaan.
00:26Masusi namang tinututukan ng DMW ang lagay at repatriation ng tatlo pang Filipino crew ng MV San Antonio.
00:35Samantala, iniulat ng DMW na ligtas ang lagay ng labing apat na Filipino crew
00:40ng isang Singapore flag container matapos magkabungguan ang isang oil tanker sa Nigeria.
Comments