00:00Ito ang Quirino Avenue, may habang 3.6 kilometers na bumabagtas mula sa Nagtahan Bridge sa Santa Mesa hanggang sa
00:07Rojas Boulevard sa Malate, Maynila.
00:10Sa ilang bahagi ng kahabaang ito, makikita sa paligid ng Quirino Avenue ang mga naglalakihang puno na nagbibigay ng lilim
00:18sa syudad.
00:19Pero, simula ng maglabas ng three cutting at earth balling permit ang Department of Environment and Natural Resources o DENR
00:27noong March 26,
00:29nagsimula ng magputol ng mahigit dalawang daang puno sa Quirino Avenue at marami pa ang susunod dahil ang kabuang bilang
00:38na pinahintulutang putuling puno sa Quirino Avenue ay 617.
00:44Bakit nga ba pinuputol ang mga puno sa Quirino Avenue at ano ang magiging epekto nito?
00:54Ayon sa DENR, National Capital Region o NCR, ang three cutting operations sa western portion ng Quirino Avenue ay para
01:02sa itatayong Southern Access Link Expressway o SALEX Project,
01:06isang elevated na kalsadang magdudugtong sa Rojas Boulevard at sa Skyway.
01:13Matatamaan daw ng SALEX ang Quirino Avenue kaya kailangan putulin ang mga puno rito.
01:20Isa sa mga matatandang punong unang pinutol dito,
01:22ang puno ng NARA na ito,
01:24na tinatayang nasa 35 hanggang 40 years old na ang tanda.
01:29Ayon sa mga eksperto,
01:31malaki ang naitutulong ng mga ganitong klaseng puno sa mga urbanized areas at mga syudad gaya ng Maynila.
01:38Unang-una, ang puno, it can serve as promotion of biodiversity.
01:46Alam natin ang mga puno,
01:48tirahan ito ng mga ibon,
01:50pwedeng pollinating insects and other healthy species.
01:54That can thrive within an urban area.
01:57Kasama na rin dyan yung pagtulong sa pagbawas ng kainitan sa paligid.
02:03During summer, nararamdaman natin yan kapag tayo ay naglalakad sa isang urban area na malakas yung sinag ng araw.
02:13Alam natin nakakatulong ang puno sa shading.
02:16Hindi lang yan.
02:17Pagdating ng tag-ulan,
02:19nakakatulong din ang mga puno sa pagbawas ng typhoon at the lower ground level.
02:26At the same time, nakakatulong din ito sa flooding.
02:30Paliwanag ng DENR,
02:32hindi naman basta-bastang pinapayagan ang pagpuputol ng mga puno.
02:36Dumadaan daw muna ito sa environmental review,
02:39technical assessment at mga konsultasyon sa lokal na pamahalaan.
02:44Papayagan lang daw ang tree cutting activities kung may kaukulang permit mula sa DENR,
02:50kung makita sa assessment na delikado o may sakit ang isang puno,
02:55kung hindi may iwasan ang pagpuputol dahil sa infrastructure project,
02:59at kung hindi na praktikal ang paglilipat sa mga ito.
03:05Ayon sa DENR, may nasa isang daang puno sa Quirino Avenue
03:09ang nakatakdag i-relocate sa pamamagitan ng earth balling,
03:14kung saan huhukaya ng mga puno at ililipat ng buo sa ibang lugar.
03:19Pero hindi daw ito pwedeng gawin sa lahat.
03:23Ano naman kaya ang posibleng epekto ng pagpuputol ng ganito karaming puno sa Quirino Avenue?
03:30Maraming tayo naririnig yung mga tao nakatera doon, yung mismong stakeholder.
03:36Halimbawa, yung mga customer, konti na lang yung dumadaan sa sidewalk nila.
03:40So, nababawasan yung customer nila.
03:42And of course, nabanggit ko rin kanina yung mga ecological services,
03:46shading, flood control, including health and well-being sa mga tao.
03:53So, kasi nakakatulong ang puno e, sa pagbawas ng possible sickness na makukuha natin
04:00because they can help do air filtration.
04:04Bilang kapalit sa mga pinuputol na puno,
04:07mahigit 50,000 replacement seedlings daw ang nakatakdang itanim sa iba't ibang bahagi ng Maynila.
04:13Ang bilang na ito ay linsunod daw sa DNR Memorandum 2012-02
04:20na nagsasabing sa bawat isang naturally growing tree na puputulin para sa development projects,
04:27isang daang seedling dapat ang kapalit na itatanim.
04:32Sapat na nga kaya ito?
04:34Unang-una, yung servisyo ng mga existing na puno na buhay,
04:41hindi ito kaya ang palitan ng 100 seedlings.
04:45For example, may mga balita na pinutol yung 50-year-old Naratree.
04:50Pag pinutol mo yung isang puno, yung 100 seedlings na itatanim mo ngayon
04:54will not provide us the same benefits from that existing tree.
05:00Na pinutol mo na, wala na siyang beneficyo,
05:03yung 100 seedlings na iyon, aabutin ka pa ng ilang dekada bago mo maramdaman yung beneficyo.
05:08Sa mga ganitong pagkakataon, paano nga ba dapat balansihin ang demand para sa urban development
05:14at ang pagpapanatili ng natural at green spaces sa mga syudad?
05:18Hindi natin sinasabi na hindi tayo magtayo ng expressway, skyway, etc.
05:25Kasi mahalaga din na ma-develop natin yung bansa natin with regards to economic development.
05:30Pero hindi rin naman pwedeng patahin mo yung isang puno or yung kalikasan
05:35in the sake of economic development.
05:38Dapat yan win a way, dapat yan binabalansin.
05:40Pwede naman siguro taasan ng konti yung skyway na iyon
05:44para yung mga puno ay ma-preserve.
05:47In order for us to thrive, we have to respect rights of nature.
05:51Sisiguruhin daw na otoridad na babantayan nila ang paglago ng mga replacement seedlings.
05:57Tutal, ito daw ay parte ng Enhanced National Greening Program ng Pamahalaan
06:02para makatulong sa ating climate change adaptation.
06:06Ako po si Mark Salazar para sa GMA News.
06:12TANANANANANAN
Comments