Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tumagilid ng isang fire truck na re-responde sana sa isang insidente ng sunog sa Pasig.
00:05Sugatan ng driver at kasama niyang fire volunteer.
00:08Balitang hatid ni EJ Gomez.
00:12Sa dash cam video na ito, binabaybay ng puting MPV
00:16ang East Bank Road sa Barangay Manggahan, Pasig City,
00:20pasado alas 11 ng umaga kahapon.
00:22Maya-maya, dinig ang sirena ng paparating na truck ng bumbero.
00:31Lumipat ng linya at gumilid ang sasakyang may dash cam.
00:34Ang puting sasakyan na natili sa linya kahit papalapit na ang fire truck.
00:47Ilang saglit pa, isang motorsiklo ang makikitang mabilis nag-overtake
00:52sa sasakyang may dash cam at natapat sa puting MPV.
00:55Dito na sila inabot ng truck ng bumbero.
00:58Sinubukan ng fire truck na lumusot sa pagitan ng puting MPV at motorsiklo
01:03pero nawala na ito ng kontrol hanggang tumagilid sa kalsada.
01:08Ang motorsiklo at MPV, derecho lang ang takbo.
01:11Pagpunta ng mga tao namin doon, tumahob na yung fire truck.
01:16Ngayon, nagtanong-tanong kami doon kung paano tumahob.
01:19Sabi ng mga conscientious na may dalawang motor na iniwasan.
01:24Kaya yung pagkabigilong manubera ng fire truck, tumagilid na may kargang tubig.
01:31Tumapon sa kalsada ang kargang tubig ng fire truck.
01:34Natunto ng GMA News ang 21-anyos na driver ng fire truck na residente ng Barangay de La Paz.
01:41Kwento niya, re-responde sana sila sa sunog sa pasig nang mangyari ang insidente.
01:46Malayo pa lang po kasi, rinig na po yung fire truck namin dahil maingay po, naka-full siren din ako.
01:51Ang assist ko po kasi doon sa SUVing puti na nasa unahan ko, ang una po kasi is mabilis siya.
01:59So ngayon po, nung papalapit po ako, bigla po siyang bumagal.
02:02So pinasok ko po siya doon sa pagitan nila, so pinagitnaan ko po sila.
02:06Ngayon po, nung nakalagpas po ako sa kanila, ayun po yung nawala na po ako ng kontrol.
02:13Nagtamo ng sugat at galos sa kanang kamay ang driver.
02:17Nagkabukol naman daw sa kaliwang tenga ang kasama nilang fire volunteer.
02:20Pagkatao po namin, yung windshield po is bigla na pong nag-collapse.
02:24Lumabas po kami sa windshield na ng sasakyan.
02:28Yung windshield nasira, yung bumper sa right side, tapos yung dalawang pinto di mabuksan.
02:33Tapos yung salamin sa passenger sa front, basag din.
02:37At saka yung bulb sa labasan ng pump, sira din.
02:41Pansamantal rao hindi magagamit sa fire rescue operations ang naaksidenteng fire truck.
02:46Wala naman daw na damay sa insidente ayon sa barangay.
02:49May pakiusap ang mga fire volunteers sa mga motorista.
02:53Para din sa lahat na once naman may marinig kayong naka-emergency vehicles,
03:00pwede naman kayong mag-giveaway.
03:02Kahit dahan-dahan, hanggat malayo pa, mag-giveaway na kayo.
03:05Para makarating din ang maayos yung emergency vehicle, ambulance or fire truck.
03:11EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
Comments

Recommended