00:00Sakaling magpalit muli ng liderato sa Senado, si Sen. Sherwin Gatchalian ang napipisil na maging Senate President ng Minoria.
00:08Sabi ni Sen. Ping Lakson, pinili si Gatchalian para magkaroon ng fresh start at maibangon niya ang Senado.
00:16Balitang hatid ni Dano Tingkungko.
00:22Solid ang labing isang minority Senators na iluklok si Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President ayon kay Sen. Ping Lakson.
00:29Si dating Senate President Tito Soto Anya ang pumili mismo kay Gatchalian.
00:34Sana kung magpagpalit tayo ng liderato, maibangon namin. Magkaroon kami ng fresh start.
00:40Kaya nga napili namin si Sen. Sherwin Gatchalian. At least fresh face at wala siyang kaaway.
00:47Labing isa kaming tumatayo ngayon at parang nagkaisa-isa kulang na lang kaming mag-blood compact na labing isa.
00:54Hindi kami papayag na hindi si Sherwin Gatchalian ang mahirang na Senate President.
01:00The Senate of old, sana maibalik.
01:03Sa ngayon, nasa labing isa lang ang miyembro ng Minoria habang labing tatlo ang majority Senators.
01:08Kailangan ang grupo ni Nalakson ng dalawang majority Senators para makuha ni Gatchalian ang Senate Presidency.
01:14Pero tumanggi si Lakson na sagutin kung may chance na bang bumalik sa kanilang grupo si Sen. Pia Cayetano, magkapatid
01:21na Mark at Camille Villar, at Senate President Pro Tempore Loren Legarda.
01:25Ayokong i-disclose yan. Kung meron nang pag-uusap. Sabihin na natin, meron kami yung kanya-kanyang task allocation.
01:33Kasi yan ang amin na pag-usapan. Kung may toka-toka, hindi na para sa akin i-disclose.
01:38Mahirap mag-usga eh. Alam mo, sabi ko, I don't want to delve into personalities.
01:44Ang sa amin lang, ang bottom line, ang non-negotiable, eh si Sherwin Gatchalian ang maging Senate President.
01:51Dagdag ni Lakson, maaari rin namang manatili si Cayetano bilang Senate President. Pero...
01:56Pusibling mangyari yun. And that would be an awkward situation. Kasi lame duck yung Senate President.
02:03Siya lang yung mag-o-open ang session, mag-pe-preside.
02:05Pero pagdating sa butuhan, maski anong motion yan, at nagkaisa yung labing-isa na majority, the new majority of 12.
02:14Yes, sir.
02:15Eh, napaka-awkward yung position ng Senate President. Parang kahiyahiya na yung kanyang position. Nakatayo lang siya doon, na wala
02:23naman sa majority.
02:24Sakaling maluklok si Gatchalian bilang Senate President, sabi ni Lakson, hindi problema na maging presiding officer ito ng impeachment court.
02:31Maganda ngaan niya na nakonbina ni Cayetano bilang impeachment court ang Senado.
02:36Paniniguro rin ng Senador, evidence-based ang magiging desisyon ng kanilang grupo kaugnay sa impeachment trial ni Vice President Sara
02:43Duterte.
02:43Ayaw naman magsalita ni Lakson sa ulat na may grupo rin nagtutulak na ibalik bilang Senate President si Senador Cheez
02:50Escudero.
02:50Ayaw ko nang pag-usapin yun kasi yung usapan na yun, hindi open yun. Kaya ayaw ko mag-disclose kung
02:59ano yung information na pag-usapan na behind the scenes or behind closed doors.
03:05Sabihin na lang natin na hindi lamang may naghahangad para mapalitan ng liderato. Ang sa amin ang talagang primary o
03:14main concern naming labing-isa, ibangon yung Senado.
03:17Patuloy naming sinusubukan kuna ng pahayag si Senado President Cayetano, pati si Nagachalian at Escudero pero wala pa silang tugon
03:24sa ngayon.
03:25Dana Tinkoongkong, nagbabalita para sa GMA News.
Comments