00:00Samantala mga kapuso, huli kampo ang pagtagilid ng isang fire truck na re-responde sana sa sunog sa Pasig.
00:07Sugata ng driver at kasama niyang fire volunteer.
00:10At ang buong detalye sa unang balita ni EJ Gomez.
00:17Sa dash cam video na ito, binabaybay ng puting MPV ang East Bank Road sa Barangay Manggahan, Pasig City, pasado
00:25alas 11 ng umaga kahapon.
00:26Maya-maya, dinig ang sirena ng paparating na truck ng bumbero.
00:35Lumipat ng linya at gumilid ang sasakyang may dash cam.
00:38Ang puting sasakyan na natili sa linya kahit papalapit na ang fire truck.
00:43Mayroon, mayroon.
00:45Mayroon.
00:46Tumapin ka na.
00:51Ilang saglit pa, isang motorsiklo ang makikitang mabilis nag-overtake sa sasakyang may dash cam at natapat sa puting MPV.
01:00Dito na sila inabot ng truck ng bumbero.
01:03Sinubukan ng fire truck na lumusot sa pagitan ng puting MPV at motorsiklo.
01:07Pero nawala na ito ng kontrol hanggang tumagilid sa kalsada.
01:12Ang motorsiklo at MPV, derecho lang ang takbo.
01:16Pagpunta ng mga tao namin doon, tumahob na yung fire truck.
01:21Ngayon, nagtanong-tanong kami doon kung paano tumahob.
01:23Sabi ng mga conscientious doon na may dalawang motor na iniwasan.
01:30Kaya pagkabig yung manubera ng fire truck, tumagilid na.
01:34May kargan tubig.
01:35Tumapon sa kalsada ang kargang tubig ng fire truck.
01:39Natunto ng GMA News ang 21-anyos na driver ng fire truck na residente ng Barangay de La Paz.
01:45Kwento niya, re-responde sana sila sa sunog sa pasig nang mangyari ang insidente.
01:50Malayo pa lang po kasi, rinig na po yung fire truck namin dahil maingay po, naka-full siren din ako.
01:55Ang assist ko po kasi doon sa SUVing puti na nasa unahan ko, ang una po kasi is mabilis siya.
02:03So ngayon po, nung papalapit po ako, bigla po siyang bumagal.
02:06So pinasok ko po siya doon sa pagitan nila, so pinagitnaan ko po sila.
02:11Ngayon po, nung nakalagpas po ako sa kanila, ayon po yung nawala na po ako ng control.
02:17Nagtamo ng sugat at galos sa kanang kamay ang driver.
02:21Nagkabukol naman daw sa kaliwang tenga ang kasama nilang fire volunteer.
02:25Pagkatao po namin, yung windshield po is bigla na pong nag-collapse.
02:29Lumabas po kami sa windshield na ng sasakyan.
02:33Yung windshield na sira, yung bumper sa right side, tapos yung dalawang pinto di mabuksan.
02:38Tapos yung salamin sa passenger sa front, basag din.
02:42At saka yung bulb sa labasan ng pump, sira din.
02:45Pansamantala raw hindi magagamit sa fire rescue operations ang naaksidenteng fire truck.
02:51Wala naman daw na damay sa insidente ayon sa barangay.
02:54May pakiusap ang mga fire volunteers sa mga motorista.
02:58Para din sa lahat na once naman may marinig kayong naka-emergency vehicles,
03:04pwede naman kayong mag-giveaway.
03:06Kahit dahan-dahan, hanggat malayo pa, mag-giveaway na kayo.
03:10Para makarating din ng maayos yung emergency vehicle, ambulance or fire truck.
03:16Ito ang unang balita.
03:17E.J. Gomez, GMA News.
Comments