00:00Iginiit ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board,
00:03ang mga operator ang may obligasyon na magbigay ng bayad sa kanilang mga driver
00:08sa ilalim ng Service Contracting Program.
00:11Sa panayam sa Super Radio DCWB, sinabi ni LTFRB Board Member Atty. Greg Pua Jr.
00:18na ang mga operator ang nakakontrata sa programa,
00:21na bayaran na raw nila ang mga biyahe na maayos na na-transmit sa kanila.
00:25Target naman nilang matapos bayaran ang mga not properly transmitted na biyahe ngayong buwan.
00:31Nauna na sinabi ng ilang driver na ilang linggo na silang hindi nakakatanggap ng bayad
00:35para sa Service Contracting Program ng gobyerno.
Comments