00:00Si Sen. Sherwin Gatchalian ang napiling maging Senate President ng kasalukuyang minority sakaling magpalit muli ng liderato sa Senado.
00:07Ay kay Sen. Ping Lakson, pinili nila si Gatchalian dahil wala raw kaaway at paraan niya maibalik ang dating Senado.
00:15May unang balita si Dano Tingkungko.
00:20Solid ang labing isang minority Senators na iluklok si Sen. Sherwin Gatchalian bilang Senate President ayon kay Sen. Ping Lakson.
00:27Si dating Sen. President Tito Soto Anya ang pumili mismo kay Gatchalian.
00:32Sana kung magpagpalit tayo ng liderato, maibango namin. Magkaroon kami ng fresh start.
00:38Kaya nga napili namin si Sen. Sherwin Gatchalian. At least fresh face at wala siyang kaaway.
00:46Labing isa kaming tumatayo ngayon at parang nagkaisa-isa kulang na lang kaming mag-blood compact na labing isa.
00:52Hindi kami papayag na hindi si Serwin Gatchalian ang mahirang na Senate President.
00:59The Senate of old, sana maibalik.
01:01Sa ngayon, nasa labing isa lang ang miyembro ng minoriya habang labing tatlo ang majority Senators.
01:07Kailangan ng grupo ni Nalakson ng dalawang majority Senators para makuha ni Gatchalian ang Senate Presidency.
01:12Pero tumanggi si Lakson na sagutin kung may chance sa bang bumalik sa kanilang grupo si na Sen. Pia Cayetano,
01:19magkapatid na Mark at Camille Villar at Senate President Pro Tempore Loren Legarda.
01:24Ayokong i-disclose yan. Kung meron nang pag-uusap. Sabihin na natin, meron kami yung kanya-kanyang task allocation kasi
01:31yan ang amin na pag-usapan.
01:33Kung may toka-toka, hindi na para sa akin i-disclose.
01:37Mahirap mag-usga eh. Alam mo, sabi ko, I don't want to delve into personalities.
01:42Ang sa amin lang, ang bottom line, ang non-negotiable, eh si Sherwin Gatchalian ang maging Sen. President.
01:49Dagdag ni Lakson, maaari rin namang manatili si Cayetano bilang Sen. President. Pero...
01:54Pusibling mangyari yun. And that would be an awkward situation kasi lame duck yung Sen. President.
02:01Siya lang yung mag-o-open ng session, mag-pe-preside.
02:04Pero pagdating sa butuhan, maski anong motion yan, at nagka-isa yung labing-isa na majority, the new majority of
02:1212.
02:12Yes, sir.
02:13Eh, napaka-awkward yung position ng Sen. President.
02:16Parang kahiyahiya na yung kanyang posisyon. Nakatayo lang siya doon. Nawala naman sa majority.
02:22Sakaling maluklok si Gatchalian bilang Sen. President, sabi ni Lakson, hindi problema na maging presiding officer ito ng impeachment court.
02:30Maganda nga niya na nakonvena ni Cayetano bilang impeachment court ang Senado.
02:34Paniniguro rin ng Senador, evidence-based na magiging desisyon ng kanilang grupo kaugnay sa impeachment trial ni Vice President Sara
02:41Duterte.
02:42Ayaw naman magsalita ni Lakson sa ulat na may grupo rin nagtutulak na ibalik bilang Sen. President si Sen. Cheese
02:48Escudero.
02:49Ayoko na pag-usapin yun kasi yung uusapan na yun, hindi open yun.
02:55Kaya ayoko mag-disclose kung ano yung information na pag-usapan na behind the scenes or behind closed doors.
03:03Sabihin na lang natin na hindi lamang may naghahangad para mapalitan ng liderato.
03:10Ang sa amin ang talagang primary o main concern naming labing isa, ibangon yung Senado.
03:15Patuloy naming sinusubukan kuna ng pahayag si Sen. President Cayetano, pati si Nagachalian at Escudero pero wala pa silang tugon
03:22sa ngayon.
03:23Ito ang unang balita, Dano Tingkungko, GMA News.
Comments