00:00Kasunod ng mga umuugong na palitan ulit ng liderato ng Senado,
00:04isinusulo ng minorya sa Senado na maging bagong Senate President si Sen. Wynn Gatchalian.
00:09Nakatutok si Von Aquino.
00:14Halos dalawang linggo matapos ang Senate coup na naglukluk kay Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate President,
00:21sabi ni Sen. Kiko Pangilinan sa isang pahayag na gusto ng Minority Block na tinawag niyang SB 11 o Solid
00:28Block 11
00:29na maging bagong Senate President si Sen. Sherwin Gatchalian.
00:33Sabi ni Pangilinan, may kakayahan, matatag at patas si Gatchalian.
00:38Naniniwala siyang kaya ni Gatchalian na pagkaisahin ang Senado.
00:42Sinigundahan niya ni Sen. J. V. Ejercito.
00:45Sen. Wynn Gatchalian ang aming sinusuportahan bilang Senate President
00:53dahil pinakita naman niya yung kanyang pagiging masipag, lalo na in various studios,
01:00lalo na during the budget nung siya ay finance chairman.
01:04Pero ako naman, kahit sino, I can work with anybody, kahit na sino yung naging Senate President.
01:10In fact, dapat majority leader sana ako ngayon.
01:12Finorgo ko na for the greater good.
01:14Sa isang panayam sa radyo, sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson
01:19na maaaring magsimula ang pagbangon ng Senado mula sa kasalukuyan nitong kalagayan
01:24kapag nailuklok anya bilang Senate President si Gatchalian.
01:28Eminently qualified anya si Gatchalian para sa posisyon
01:31at kaya umano nitong dalhin ang Senado at magkaroon ng United Front
01:35laban sa mga isyong kinakaharap nito ngayon.
01:38Si Gatchalian din anya ang nagsulong na mga institutional safeguards
01:42at transparency measures sa pagbuo ng 2026 General Appropriations Act.
01:47Sabi ni Lacson, dapat tiyakin ang kasalukuyang liderato ng Senado
01:52na manatiling modelo ng transparency ang institusyon sa pagbuo ng national budget.
01:58Nauna na rin sinabi ni Sen. MIG Zubiri na si Gatchalian ang kanyang pambato.
02:02May I just say this is my candidate course.
02:05Sa ngayon, nasa labing tatlo ang miyembro ng mayorya sa Senado
02:10habang labing isa ang nasa minorya.
02:12Noong isang linggo pa lumulutang ang pangalan ni Gatchalian
02:15na maging bagong Sen. President.
02:18Kinuna namin ang pahayag ang mayorya kasama si Sen. President Cayetano
02:22pero wala pa silang tugon sa ngayon.
02:24Nitong miyerkoles, nagbiru pa sa sesyon si Cayetano.
02:27We agree with you, Sen. Pangilinan.
02:31Sen. Winn is the only one laughing at my...
02:35I might vote for him one day.
02:36Wala pang pahayag si Gatchalian, kaugnay niyan at iba pang minority Senators.
02:42Von Aquino, Nakatutok, 24 Horas.
Comments