00:00Kinumpirma ng isa sa mga abogado ni Vice President Sara Duterte na bukas na magsusumiti ng sagot sa Senate Impeachment
00:06Court ang kanilang kampo,
00:08taugnay sa kinakaharap niyang impeachment complaint. Maghihigpit na rin ang seguridad sa Senado bukas.
00:13Nakatutok si Jonathan Andal.
00:19Handa na ang ipapasang sagot ng defense team sa Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
00:25Ayon sa isa sa mga abogado ng Vice na si Atty. Michael Powa, magpapasa sila ng sagot bukas na mismong
00:31deadline ng Senado na Impeachment Court.
00:33Pero hindi pa nila masabi kung personal silang pupunta sa Senado o ipadadala na lang sa email ang kanilang sagot.
00:39Sa media advisory ng Senado mula alas 8 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi bukas, hihintayin ang sagot ng
00:45Vice.
00:46Kaya mas maghihigpit ng seguridad bukas ang Senado.
00:48Sa gitna nito, itinanggi ni Sen. Alan Peter Cayetano na tungkol sa impeachment trial ang panukalang payaga ng mga senador
00:56na makilahok at bumoto online.
00:58Wala pong katotohanan na yung amendment ng rule na ito ay nakaugnay sa amendment sa rule sa impeachment.
01:05Bakit po? Unang-una, inadapt na po namin yung rule sa impeachment.
01:09Pag binago namin yun, they papublish pa, tatagal pa po yun.
01:12Sa July 6, sisimula ng paglilitis kay Duterte.
01:15Para matiyak ang siguridad sa Senado oras na magsimula ng impeachment trial,
01:19nakikipagugnayan ang NCRPO o National Capital Region Police Office sa USAA o Office of the Surgeon at Arms.
01:25Regarding po sa paglalagay natin ng barrier, magdidepende po yan sa magiging koordinasyon po natin sa loob ng Senado.
01:33Sa ngayon po, ang nilalagay na lang po natin is yung ating mga personnel na para ma-insure po na
01:39kahit na may mga dumadating po
01:41o may mga ralista na nagkakatipon-tipon ay maayos pa rin po yung flow ng traffic sa paligid po ng
01:46Senado.
01:47Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
Comments