Skip to playerSkip to main content
Nakatakdang magpatupad ang Department of Agriculture ng suggested retail price para sa local rice sa mga susunod na linggo.

Pinag-aaralan din ng ahensiya na magtakda ng maximum suggested retail price para sa liempo.

Nakatakdang magpatupad ang Department of Agriculture ng suggested retail price para sa local rice sa mga susunod na linggo.


Pinag-aaralan din ng ahensiya na magtakda ng maximum oum suggested retail price para sa liempo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nakatakdang magpatupad ang Department of Agriculture ng Suggested Retail Price para sa local rice sa mga susunod na linggo.
00:07Pinag-aaralan din na ahensya na magtakda ng maximum suggested retail price para sa liyempo.
00:13Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:18Imported rice ang karaniwang binibili ni Baby.
00:21Siyempre, lalo na pag marami kang pinapakain, ang isang kilo kulang sa amin.
00:30Bumibili ako ng Thailand rice, saka yung masarap na bigas, sinahalo ko siya.
00:36May 50 pesos per kilo na price cap para sa imported na bigas,
00:40pero ayon sa Department of Agriculture, may mga hindi nakakasunod tulad sa Mega Q Mart sa mga nakalipas na araw.
00:47Pero na mag-inspeksyon kanina ang Department of Agriculture, Food Terminal Incorporated at Department of Trade and Industry,
00:55100% compliant ang mga nagtitinda roon.
00:58May mga stock pa kasi yung iba kaya siguro hindi makapagbaba ng presyo.
01:02Okay sa amin ng price cap basta kumikita kami kahit konti, okay na rin sa amin para mabilis yung dispose
01:08ng bigas.
01:09Sa susunod na linggo, magsisimula ng mag-issue ng Notice of Violation ang mga otoridad.
01:13Kung mapatunayang may panlalamang, may kaakibat itong parusa.
01:18Sa mga susunod na linggo, ayon sa Department of Agriculture,
01:22maglalagay na ng suggested retail price sa presyo ng local rice sa halagang 53 pesos kada kilo.
01:28Pero sa ngayon, umaabot pa hanggang 58 pesos ang kada kilo ng well-milled rice.
01:34Yung pong 53 ay nakipag-usap na po tayo with the industry dito.
01:38Kasama na rin po yung ating mga farmers.
01:40Yun po talaga yung ni-recommend nila. It's a suggested retail price.
01:44So pwede pa rin po na magbenta na mas mataas, depende po kung makano po talaga yung kuha nila.
01:50But definitely po, sabi ko nga, matatanong po sila kung bakit po hindi sila makasunod dun sa suggested retail price.
01:57Pero sabi na nakausap naming retailer, mahirap ibenta sa 53 pesos kada kilo ang local rice.
02:03Mataas kasi ang presyo ng palay na ginigiling para maging bigas.
02:07Baka po pwedeng magdagdag ng kahit 2 pesos lang, kahit hanggang 55, baka kayanin po.
02:13Ang liyempo naman, nananatiling mahal sa mga pamilihan kahit mababa ang farmgate price nito.
02:19Sa monitoring ng DA, 420 pesos ang pangkaraniwang presyo ng liyempo sa Metro Manila.
02:25Pero umaabot sa 480 pesos sa ibang pwesto.
02:29Kaya inaaral ng DA na magtakda rin ang maximum suggested retail price.
02:33Ang grupong Samahang Industria na Agrikultura o Sinag, umaasa na maipatupad ang maximum SRP sa halip na ipagpatuloy ang umiiral
02:42na minimum access volume.
02:44O yung pagtatakda ng bilang ng karning baboy na maaaring i-import sa mas mababang taripa.
02:49Mahihirapan ng haggraisers, makikinabang importers.
02:52Ito na nga yung nangyayari.
02:53Yan ang iniiwasan natin sana na huwag na mag-map plus.
02:56Ituloy na lang yung price cap para makinabang lahat sa morang presyo ng farmgate.
03:03Sobra-sobra na yung tubo.
03:06Sa gitna ito ng utos ni Pangulong Bombong Marcos na mula sa mahigit 50,000 metric tons,
03:12itaas sa 204,210 metric tons ang minimum access volume para sa karning baboy.
03:18Isa sa mga tinukoy na dahilan sa utos ang patuloy na pagkalat ng African Swine Fever na nagpapaba sa inventory
03:25ng baboy sa bansa
03:27na nagresulta sa kakulangan ng supply at patuloy na pagtaas ng presyo nito.
03:32Dapat ding matiyak na patas ang allocation ng ma-import na karni para sa mga processor at food terminal incorporated
03:39o kadiwa ng Pangulo Program.
03:41Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
Comments

Recommended