00:00Nanawagan ng mga magsasaka sa Ifugao na magtakda ang gobyerno ng minimum price sa kanila'y binabagsak na gulay sa
00:08trading post.
00:10Sa sobrang mura raw kasi ng bilihin ngayon, nalulugi na sila. Nakatutok si Ian Coors.
00:20Mula Tinok, Ifugao, ibinabiyahin ni Renato Bangsail ng 8 oras ang kanyang aning repolyo sa Benguet Agri Pinoy Trading Center
00:28o BAPTC.
00:296 na piso kada kilo ang presyuhan. Pero sabi niya, paluging presyo daw ito.
00:34Sa mapagbebentahan kasing 39,000 pesos para sa 6,500 na kilo ng repolyo, magbabayad siya ng 6,500 sa
00:43mga trabahador sa trading post para iproseso ang mga repolyo.
00:47Halos 3,000 ang gasto sa pambalot na plastik at papel.
00:516,500 din umano sa market facilitator.
00:54Ang dating 4,000 pesos lang na konsumo ng diesel, nasa 13,000 na ngayon.
00:59Pagkatapos siyang bayaran ang mga nagtrabaho sa taniman at pangkain nila sa biyahe, sumatotal, lugi siya ng 3,000 piso.
01:07Pero sabi ni Renato, lugi man, mas mainam na raw kesa mabulok lang sa taniman ng gulay.
01:13Masura na lang. Kapag hindi harvestin, maso na lang sa gardin.
01:19Saan lang, makuwan yung presyo para kikitahin ka namin naman.
01:24Ayon sa mga magsasakan ng Benguet, nasa 15 pesos per kilo dapat ang bentahan ng repolyo para makabawi man lang
01:30sila sa gastos.
01:32Sa repolyo o pechayman, dapat daw nasa 20 pesos per kilo ang benta para may magandang kita.
01:38Ang mga market facilitator na pinagpapasahan ng mga magsasakan ng aning gulay sa Baptisi,
01:44pinag-uusapan na kung pwedeng magtakda ng minimum price sa mga ibabagsak na gulay na mga magsasaka sa mga trading
01:51post.
01:52Bali, magbe-benefits din doon yung farmers kasi kahit anong pwedeng itanim nila.
01:57At least alam nila na may babalik na expenses pag ganun na ang presyo ng gulay hindi bababa sa 20,
02:04lalo na yung mga cabbage.
02:05Pero aminado si Dulas, mahirapan daw maipatupad ito.
02:09Ang sitwasyon po talagang oversupply, tapos matumal sa Manila, aangal din ang mga consumers.
02:18Parang lalong hindi na sila bibili pag ngayon agad ma-implement yung ganun na ano.
02:23Kaya pinag-aaralan pa kung magkakaisa lahat at makikiisa rin po yung mga buyers natin sa fixed price na ganun,
02:32baka madali rin pong ma-implement.
02:33Ayon sa general manager ng BAPTC, sa pagtataya nila, hindi naman sobra-sobra ang supply ng gulay.
02:41Pero dahil sa pagtaas ng presyo ng petrolyo, naapekto handawang demand.
02:45Parang ang epekto, parang maraming gulay, parang sasabi nila oversupply.
02:51Pero sa aming observation dito sa BAPTC, parang normal naman yung supply compared sa ibang panahon, taon.
03:00So ang problema lang talaga is bumaba yung buyers natin.
03:06So naiiwan ngayon yung gulay.
03:08Ani Diego, napapanahon ang minimum price sa ibinabagsak na gulay na mga magsasaka,
03:13parang sa bigas o mais na may farmgate price.
03:17Kung ipipilit nila na laging mababa, e baka yung farmer naman natin hindi na magdala ng gulay dito sa trading
03:26center.
03:27At kung hindi magdala, e di parang vicious cycle siya, magiging dugtong-dugtong na problema.
03:33Ang biyaherong si Jimmy Basiwag, pabor din sa pagkakaroon ng minimum price sa gulay.
03:39Pero kahit mababa ang bilihan ng repolyo ngayon, nadaragdagan ang halaga nito dahil ang mga biyaherong mula la Trinidad papuntang
03:46Manila,
03:47nagdaragdag ng 3 pesos kada kilo sa kanilang dala.
03:51Nasa P35,000 na rin kasi ang diesel nila sa balikang biyahe at sa pagpapasa-pasa at pagproseso ng gulay
04:00doon na tumataas ang presyo bago makarating sa consumer.
04:04Sa Q-Mart, naglalaro sa P50 to P80 pesos ang kilo ng repolyo at pechay.
04:11Sinisika pa naming makuhang panig ng Department of Agriculture
04:14ukol sa pagtatakda ng minimum price sa ibinabagsak na gulay.
04:18Ian Cruz, nakatutok 24 oras.
Comments