00:00Sa usapin pa rin ang ASEAN, alam niyo ba ang kahit migrant workers sa Southeast Asia
00:05ay nakikinabang din sa matatag na samahan ng Association of Southeast Asian Nations?
00:11Hindi lamang yan sa pagbibigay ng oportunidad, kundi maging sa usapin ng seguridad.
00:16Kung paano yan, iahatid sa atin sa sentro ng balita ni Quincy Kahilig ng Radyo Pilipinas Public Affairs.
00:25Bagong bayani ang ating turing sa ating mga kababayang overseas Filipino workers.
00:31Hindi biro ang kanilang sakripisyo.
00:33Ang bawat patak ng kanilang pawis sa iba yong dagat ay hindi lamang nagbibigay ng ginhawa sa kanilang mga pamilya
00:41dito sa Pilipinas.
00:43Sa katunayan, malaki ang ambag ng kanilang remittances sa katatagan ng ekonomiya ng bansa.
00:50Kaya naman, patuloy na nagsusumikap ang pamahalaan sa pagbupaigting ng proteksyon para sa mga OFW.
00:58Kasama nga dito ang pagiging aktibong kasapi ng Pilipinas sa ASEAN na nagsisilbing matatag na katuwang.
01:06Sa pamamagitan kasi ng mga kasunduan gaya ng ASEAN Convention Against Trafficking in Persons o ACTIP,
01:13mas napapalakas ang koordinasyon laban sa human trafficking at mga sindikatong nagsasamantala sa mga nais magtrabaho sa abroad.
01:23Nariyan din ang ASEAN Declaration on Migrant Workers in Crisis na gabay sa pagresponde sa mga migranteng nasa panganib.
01:31Kabilang dito ang isinagawang rescue operations kamakailan sa daang-daang mga Pilipinong biktima ng human trafficking sa mga cyber scam
01:40hubs sa Cambodia.
01:42At bilang ASEAN 2026 Chair, hangad ng Pilipinas na lalo pang palakasin ang ugnayan sa ating mga karatig bansa
01:51para din sa mas ligtas at mas panatag na kinabukasan ng ating mga bayaning OFW.
01:59Para sa Integrated State Media, Quincy Kahilig, Radio Pilipinas, Radio Publiko.
Comments