00:00Sinusprimbe ang isang radio anchor sa Bacolod City dahil sa kanyang rape joke habang umeere ang kanyang programa.
00:11Nagbiro si John Paul Generoso habang nagre-report ang katrabaho niya tungkol sa isang suspect sa child abuse.
00:19Ilang beses nagbiro si Generoso na pagsasamantalahan niya ang reporter para raw makulong siya at mabugbog niya ang suspect sa
00:28kulungan.
00:28Para sa isang konsehal ng Bacolod City, malinaw na sexual harassment ang mga pahayag ni Generoso.
00:34Kinundin na rin yan ng Negros Press Club at National Union of Journalists of the Philippines at sinabing hindi yan
00:41karapat dapat gawin ng isang mamamahayag.
00:44Pinigyan din naman ang Presidential Task Force on Media Security ang halaga ng ethical standards sa pamamahayag.
00:50Nanawagan ng Gabriela Women's Party na panagutin at huwag konsintihin ang mga ginawa ni Generoso.
00:55Sa isang pahayag humingi ng tawad si Generoso.
00:59Pinagsisisihan daw niya ang kanyang sinabi.
01:02Tiniyak naman ng station manager na inaaksyonan na nila ang nangyari.
Comments