Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tinutugis na ang mga salari na tumangay sa motosiklo na isang rider sa Marikinas City.
00:05Ang biktima hindi nakapalag matapos tutukan ng baril.
00:08Saksi si EJ Gomez.
00:14Napahinto ang isang rider nang harangin siya ng dalawang motosiklo sa harap ng isang paaralan.
00:20Bumaba ang dalawang angkas habang ang isa sa mga rider na nangharang tinutukan ng baril ang lalaking na kaputi.
00:26Di nakapalag ang biktima at napaluhod na lang sa bangketa habang tinatangay ang kanyang motosiklo.
00:33Ang krimen nangyari sa Santissimo Street sa barangay Santo Nino Marikina madaling araw noong lunes.
00:39Ayon sa saksi, akala niya noong una ay magkakasama ang mga sakay ng tatlong motosiklo.
00:44Ginitgit-aniya ng apat na lalaki ang solo rider at akala niya ay magsusuntukan lang.
00:50Sisitahin ko sana. Kaso biglang naglabas ng baril yung isa.
00:54Kinasa, tinutok doon sa ano. Tapos dumapa na lang yung biktima.
01:01Pagkadapa, sumakay na yung isa doon sa motong niya. Doon tumakbo na sila agad.
01:05Mabilis daw ang pangyayari kaya wala na rin nagawa ang biktima.
01:09Bilingiling na lang siya. Parang tinanggap na lang niya. Wala na rin siyang nagawa.
01:12Kahit nga ako, noong nakita ko, nangangatog ako.
01:16Di raw na mukhaan ng saksi ang mga sospek dahil nasuot nilang helmet.
01:19Ayon sa opisyal ng barangay, nireport nila sa pulisya ang insidente at nagsagawa ng backtracking.
01:26Yung unang CCTV na nakita, nakasunod na yung mga sospek.
01:32So pagdating dito sa malapit na, doon siya na tinutukan.
01:36Kaya nakuha yung motor niya.
01:39Tapos pagkatapos na, tumakbo na rito yung naagawa ng motor.
01:43Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng biktima.
01:46Patuloy ang imbistigasyon at pagtugi sa mga salarin.
01:50Ako si EJ Gomez, ang inyong saksi.
01:53Kinontra ng ilang senador na minorya, ang alegasyon ng ilang taga-mayorya
01:57na hindi umano sila kinumusta noong sumiklabang gulo sa senado nitong May 13.
02:03Isa pong source ng GNA News ang nagbigay ng patunay na kinamusta nga
02:07na mga taga-minorya ang mga nasa senado noong gabing yon.
02:10Saksi, si Ian Cruz.
02:15Tila may parehong hugot si na Senate President Alan Peter Cayetano
02:19at Senadora Pia Cayetano,
02:21kauglay na nangyaring tensyon sa senado noong Mayo at 13.
02:26Wala man nangamusta kami sa amin kung buhay pa kami kung ano nangyayari sa amin.
02:31Pagtingin ko ng group natin, yung dating majority group,
02:34walang di isa sa inyong nangamusta sa amin.
02:38Agad niyang iwinasto kahapon ni Senador Wingachalian nang makausap niya si Senadora Cayetano sa plenaryo.
02:55Sa screen grab na ibinigay sa amin ang isang taga-senado na hindi namin eksaktong ipapakita
03:01alinsunod sa data privacy law,
03:03kinumusta ang mga taga-mayorya ng mga senador mula sa minorya sa kanilang chat group.
03:09Ito rin ang ikinuwento ni Senador Erwin Tulfo.
03:12Nangyari ang barilan, bandang alas 7.45 ng gabi,
03:16naging aktibo ang chat group nang mag-message si Majority Sen. Camille Villar.
03:21Parang 9.50 po, si Senador Camille said na we are all okay.
03:30Sunod-sunod na po, 9.50, 55 yata, yun, 9.56,
03:35nag-text na po si, I think, si Senador Miggs, si Senador Sherwin,
03:41na keep safe si Senador Bam, ako din po, sa akin po, 9.57 po pumasok,
03:50praying for all of you kasi po, papunta po ako ng baklara.
03:54Apag po kami ang nangungusta po sa kanila.
03:58Kasi nabalitaan na po eh, kumalat na po sa social media tapos mga nag-live po sila.
04:03Ani Tulfo, baka hindi lang napansin ni Senadora Cayetano ang mga mensahe nila.
04:08Dahil sa komosyon or sa sobrang takot po, hindi yun at wala rin po siguro nagsabi sa kanya.
04:16Si Senador Risa Ontiveros, naguluhan umano nung gabing iyon
04:20dahil wala siyang kaalam-alam habang biyahing bakolod para sa isang aktibidad.
04:25Kasi real time at halos sabay-sabay, pumasok yung mga information na we're okay, we're safe,
04:34meron din, the Senate is being attacked, pero meron din galing din sa kanila na maagang pagsabi na fireworks lang
04:41ito.
04:42And then, yung iba sa mga kasama namin sa Senado ay nagla-livestream din naman.
04:47May mga photos na lumabas nung gabing din iyon ng mukhang payapa namang,
04:55pag-upo, pagkain, pag-uusap nila.
04:58Partikular niyang pinalagan ang malisyoso mga pahaging sa minorya.
05:03Lumabas nga yang napaka-unfair at unsubstantiated ng malisyosong insinuation laban sa aming mga minority Senators.
05:15Pumalag din si Minority Sen. Ping Lakson sa mga aligasyon laban sa kanila.
05:20Paano anya nila kukumustahin ang mga masasaya nagkakainan, nagkakape, at naka-Facebook live pa
05:26para pagbintangan lamang anya ang minority Black na may alam daw sa putukan ng baril sa Senado.
05:33Wala pang bagong pahayag si Senadora Pia Cayetano ukol sa mga naging pahayag ngayong araw ng ilang minority Senators.
05:40Ang PNP na isumitin na sa DOJ ang mga hawak nilang ebidensya kognisan nangyari sa Senado noong May 13.
05:48Pinanindigan nila ang nakalat na ebidensya.
05:50Kasunod ng pahayag ni Suspended Acting Senate Surgeon at Arms Mawaplaska na spliced o kinatay ang video
05:57para tumugmas ang naratibong hindi inatake ang Senado.
06:02Meron naman pong proseso at forensic examination para ma-validate yung mga information na isinumitin ng Pilipin National Police sa
06:11DOJ.
06:12Matibay po ang paninindigan ng Pilipin National Police kaugnay ng mga ebidensya na isinumitin sa DOJ na ito po ay
06:19naka-ankla sa Facts, Evidence at True Process.
06:22Ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
06:26Natagpo ang patay sa abandonadong kotse ang magkaibigan 7 taong gulang sa Nagas City sa Cebu.
06:32Agad inilibing ang mga biktima pero gustong ipahukay ng kanikanilang pamilya ang mga labi para ipa-autopsi.
06:38Saksi si Alan Domingo ng GMA Regional.
06:44Makulit at masigla, ganyan maaalala ng kanikanilang pamilya ang mag-best friend at magkapitbahay na sina Remar Kunag at Jeff
06:54Cian Abiliar, kapwa 7 taong gulang.
06:57Naglalaro pa ang magkaibigan sa video ito.
07:00Pero yan na pala ang huling beses na mabivideohan sila ng kanilang pamilya ng buhay.
07:07Natagpuan ang dalawa na wala ng buhay sa abandonadong kotse sa parking area ng barangay Tuyan, Nagas City, Cebu.
07:14Nasa isang kilometro ang layo nito sa tinikarahan ng mga biktima.
07:19Hapon ng May 17, huling nagkitang buhay ang mga bata.
07:23Nang hindi makauwi ay agad silang hinanap ng kanikanilang pamilya.
07:27Sa tulong ng CCTV, napagalaman pumasok ang mga bata sa parking area alas dos ng hapon noong linggo.
07:34Basis sa among investigasyon sir, nagdula na sila sir, nisulod dito sir.
07:38Okay, namayin nakita na ito nga sa CCTV sir na ni Kuangyo sila, ni Agi Bango.
07:44Ang pasiblihan ito, nisulod sila, nalak nila ang sakyanan.
07:50Pasado alauna ng hapon nitong Merkules, natagpuan ang labi ng dalawang bata, isa sa driver's seat at isa sa backseat.
07:59Dahil naagnas na ang mga bangkay, agad silang inilibing.
08:04Sa inisyal na investigasyon, walang indikasyon ng foul play.
08:08Pero hindi kumbinsido ang pamilya na nanawagan silang hukayin ang mga labi para isa ilalim sa autopsy.
08:30Aminado ang pamilya ng mga biktima na sa bilis ng pangyayari hindi sila nakatanggi nang sabihang agad ilibing ang mga
08:37anak.
08:37Gusto rin ng pamilya na mabasbasan ang labi ng mga nasawi at mapaglamayan sila.
08:56Ako si Alan Domingo ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
09:03Ibinasura ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber 1 ang hiling ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
09:09na i-appela ang pagkumpirma sa mga reklamo laban sa kanya.
09:13Kagnay po ito ng kinakaharap ni Duterte na kasong crimes against humanity dahil sa madugong gera kontra droga at umano
09:20yung mga extrajudicial killing.
09:22Nakad-detini pa rin ang dating Pangulo sa The Hague, Netherlands at ayin sa ICC Registry.
09:27Pinaigting ang pag-monitor kay Duterte para matiyak ang kanyang kalusugan at kaligtasan sa tiitan.
09:32Pahiro ito ng medical officer ng detention center dahil sa mas mataas na panganib na matumba ang dating Pangulo, bunso
09:41ng kanyang edad at mga karamdaman.
09:44Minsan na rin kasing nawala ng balansi si Duterte na agad-anilang tinulungan at sinuri ang kalagayan.
09:50Wala namang naitalang kaparehong insidente sa nakalipas na 30 araw.
09:56Ang ka-official ang DPWH, Dabao Occidental at walong kumpanyong kontratista sinampahan ng reklamo sa ombudsman kaugnay sa mga ghost
10:03farm-to-market road.
10:05Ang K-Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr. nasa 94 million pesos ang halaga ng pitong farm-to-market road sa
10:12Dabao Occidental
10:13na hinarap ng kagawaran pero di natagpuan sa kanilang ininspeksyon noong Oktubre noong nakaraang taon.
10:18Peke rin umano mga iparinisan ng dokumento sa DA dahil bayad ang kontrata pero wala ang mga kalsada.
10:24Reklamang graft, malversation, falsification of public documents, grave misconduct at serious dishonesty ang isinampal
10:31laban sa 6 na opisyal ng DPWH, Dabao Occidental District Engineering Office.
10:35Kasama rin inereklamo ang 8 construction company na kinontrata para sa mga proyekto.
10:40Sinusubukan naming makuha ang panig ng mga inereklamo.
10:44Calocan, 3rd District Congress 1 din asistyo, isang DPWH District Engineer at 6 na kontratista sinampahan din ng reklamo
10:51dahil sa amunay maanumalyang mga proyekto.
10:53Reklamang graft, malversation at falsification of public documents ang isinampan ni dating Calocan Mayor Ray Malonso
10:59laban kinang asistyo.
11:01Para raw yan sa halos 80 milyong pisong halaga ng umunay maanumalyang mga proyekto sa lungsod
11:06kabilang umunay ghost flood control projects, road construction at daycare center.
11:12Git naman ni asistyo na pamumulitika lamang ang mga isyo na ipinukol sa kanya.
11:16Itinanggi rin niyang may ghost projects sa kanyang distrito.
11:19Hinihintay rin anya nila ang kopya ng reklamo para masagot ito ng maayos.
11:23Sinusubukan din naming makuha ang panig ng iba pang inereklamo.
11:27Ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
Comments

Recommended