00:00Tatalakayan po sa pagdinig ng Senado Bukas ang issue tungkol sa mga sinisingil sa electric bill na hindi naman aktual
00:06na kinukonsumo ng mga customer.
00:08At kasama po sa mga inimbitahan sa pagdinig ang Meralco at ang Energy Regulatory Commission.
00:14Saksi, si Maki Pulido.
00:19Sobrang pagtitipid na ang ginagawa ni Ria sa paggamit ng kuryente,
00:23kaya di niya maintindihan kung bakit noong Marso umabot pa rin ng mahigit 2,000 pesos ang electric bill niya.
00:31Minsan mapapatanong ka na lang sa sarili mo, bakit ganito?
00:35Nagtipid ka nga, pero parang wala din naman nangyari sa pagtitipid mo.
00:39Sa likod ng electric bill mo, nakalista ang mga sinisingil dahil sa paggamit ng kuryente.
00:44Pero marami rito, ayon sa Power for People Coalition, hindi aktual na kinukonsumo.
00:50Ang 12% VAT o Value Added Tax at Government Taxes na sinisingil ng gobyerno.
00:55Sa Meralco Bill ni Ria, 206.50 pesos ang binayaran niyang VAT, 218.86 sa Government Taxes, 49.53 pesos
01:05sa Universal Charges.
01:07Ito yung tulong nating lahat para maabot ng kuryente ang mga nasa malalayong lugar at mapangalagaan ang watershed.
01:131.56 pesos naman ang binabayaran niya sa lifeline subsidy o subsidiya para sa mga nasa 4-piece at qualified
01:21marginalized sector.
01:22Sinisingil din ng Meralco ang systems loss.
01:25Ito yung mga ninanakaw na kuryente at nawawalang kuryente habang dumadaloy sa kable.
01:31114.82 yan sa bill ni Ria.
01:33Hindi yan responsibilidad ng mga electric consumers, dapat yan yung mga nagninigosyo doon sa transmission, distribution, akuin na nila yun.
01:44Kaya kung suspindihin ng gobyerno ang mga buwis at akuin ang universal charges at lifeline subsidy at kung sagutin ng
01:51Meralco ang kanilang systems loss,
01:53halos 30% ang mababawa sa Meralco Bill ni Ria o katumbas na 591.27 pesos.
02:00Ang computation na yan ay batay sa konsumo ni Ria na 154 kilowatts kada buwan.
02:07Habang tumataas ang konsumo, tumataas din ang singil para sa mga ito.
02:11Hinihingi pa namin ang pahayag ng Department of Finance kaugnay ng panukalang suspindihin ang buwis at kung ano ang epekto
02:17nito sa revenue collection ng gobyerno.
02:19Dapat may equitable sharing ng burden ng crisis. Hindi pwedeng ang kumakarga ng krisis ay ang mga mahihirap nating kababayan
02:29na nagtatrabaho.
02:31Gingit ng Meralco, lahat ng sinisingil nila ay aprobado ng Energy Regulatory Commission.
02:36Hindi naman daw napapatunayan ang mga aligasyon ng overcharging at hindi tumataas ang kanilang distribution tariff nitong nakalipas na 10
02:44taon.
02:44Gayun pa man, masusi daw nilang nire-review ang kanilang rates para masigurong ito ay patas at makatwiran.
02:51Sa Meralco bill, pinakamabigat ang generation charge na mahigit kalahati ng binabayaran.
02:57Ang karamihan na pinagkukuna ng Meralco ng kuryente ay mga plantang gumagamit ng inaangkat na coal at liquefied natural gas
03:04o LNG na nagmahal pa ng magagyara sa Middle East.
03:08Pass-through charges ito, ibig sabihin kung magkano ang bili ng generation companies, ipapasa ito sa atin.
03:15Dapat, ayon sa Power for People Coalition, ang kinokontrata ng Meralco ay murang kuryente tulad ng renewable energy para makamura
03:24ang consumers.
03:25Ang Meralco ang pumapasok sa kontrata. Dapat ini-insure niya, nakalagay naman sa batasyon na dapat protektahan ang electric consumers.
03:33Sabi ng energy expert na si Atty. Jose Layug, kung renewable energy tulad ng solar ang source, 4.86 pesos
03:41per kilowatt-hour lang ito,
03:43kumpara sa 6.20 pesos per kilowatt-hour ng coal at 8.84 pesos per kilowatt-hour ng LNG.
03:50Sa kwenta ng Power for People Coalition, kung renewable energy source ang ginagamit,
03:56nasa 440.44 pesos pa ang mababawa sa electric bill ni RIA.
04:02Kaya nga, we have been advocating renewables kasi on the other hand, renewables naman fixed.
04:06Wala siyang ginagamit ng fuel. Wala ang binabayaran ang consumers ng fuel.
04:11Tugon dito ng Meralco, dumaraan daw sa competitive selection process ang pangungontrata nila ng kukuning kuryente sa isang bukas na
04:18pamamaraan.
04:19At sinusunod nila ang least cost principle o yung pinakamurang mapagkukunan.
04:24Sinusuportahan din daw ng Meralco ang transition ng bansa sa mas malinis na enerhiya
04:29at bahagi na ng kanilang sinusupply ay renewable energy.
04:33Isang bahagi rin ng bill ang singil ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP
04:39para sa transmission charge o singil sa pagtulay ng kuryente mula sa planta hanggang sa distribution company tulad ng Meralco.
04:47Kamakailang, nagmahal din ito.
04:49Ayon sa Power for People Coalition, mahal ito dahil nangontrata ng ancillary o reservang kuryente ang NGCP
04:57mula sa mga plantang gumagamit ng diesel, bunker at coal.
05:0177 pesos ang naidagdag nito sa electric bill ni Riyad.
05:05Nakastandby sila, reserve sila at yung sources really is problematic.
05:11Why prefer yung mga yan instead of renewable energy sources?
05:18Hinihingan pa namin ng pahayag ang NGCP.
05:21Kung isasama pa ang mga dagdag na bawas na yan, 1,059 pesos lang ang NERALCO bill ni Riyad
05:29sa halip na 2,168.50.
05:33Meron din sinisingil na feed-in tariff allowance o FIT-ALL
05:36at green energy auction allowance o GAYA-ALL
05:39tulong daw sa mga mamumuhunan sa mga renewable energy source.
05:44Iba pa ang other charges na pwedeng gamitin sa bill deposit adjustment.
05:48Pero sabi ng ERC, sumusunod lang sila sa itinakda ng batas at mga pulisiya ng pamahalaan.
05:54Matagal na yan, 2001 pa yan.
05:56Ngayon ay nagbago kasi ng proseso at kung sino yung mga entitled.
06:03Dito sa Meralco area, ang consumo mo dapat ay hindi lalagpas ng 100 kilowatt hours
06:10para meron ka ring lifeline subsidy.
06:12Kaya nung 2021, sabi ng kumbiyano, hindi, ang tulungan na lamang natin
06:17ay yung mga talagang kailangan ng tulong.
06:18Kaya na-identify po yung mga 4Ps at saka yung mga marginalized end users.
06:25Ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
Comments