00:00Nagpaalala ang Energy Department Kaugnays sa muling pagsasailalim sa yellow alert ng Visayas Grid dulot ng kakulangan sa reserba ng
00:08kuryente.
00:09Yan ang report ni Elijah Canlas.
00:13Bagamat tiniyak ng DOE na may sapat na supply at reserba ng kuryente sa kasalukuyan ang Metro Manila at Luzon
00:21Grid,
00:21naka-yellow alert na ang Visayas Grid.
00:23Ang kakulangan sa reserba ay bunsod ng pagtaas ng demand ngayong tag-init at ang hindi inaasahang pagbagsak ng ilang
00:30malalaking planta ng kuryente.
00:32Nabawasan ng 450 MW ang supply ng Visayas matapos mag-shutdown ang dalawang unit ng termo Visayas at isang planta
00:40sa Panay.
00:41Ayon kay Energy Undersecretary Mario Marasigan, patuloy na minomonitor ng kagawaran ang status ng planta para matulungang makabalik agad sa
00:50operasyon.
00:51Unang-unang po, inactivate na po natin yung Grid Reliability Task Force para po mag-imbestiga kung ano talaga ang
00:58mga pangyayari,
01:00ano ang mga dahilan at ano ang dapat na solusyon para maiwasan po ito sa mga susunod na araw o
01:06susunod na linggo.
01:07Layon din ang DOE na maipasok ang 25 bagong proyekto sa Luzon na magbibigay ng karagdagang 1,400 MW na
01:15supply ng kuryente.
01:16Hinimok din ang kagawaran ng publiko na maging masinop at sundin ang Energy Efficiency Guidelines para mabawasan ang konsumos sa
01:23kuryente.
01:25Mababawasan din ito ang pag-import ng fuel mula sa ibang bansa kaya makaiiwas tayo sa pabago-bagong presyo ng
01:31langis at coal.
01:33Kaugnay nito ay target din ang pamahalaan na marating ang 35% ng renewable energy generation pagdating ng taong 2030.
01:41Elijah Canlas para sa Pambansang TV sa Bagong, Pilipinas.
Comments