00:00In-recommendan ng Department of Justice sa Office of the Ombudsman na kasuhan si Sen. Jigoy Estrada,
00:07dating DPWH Secretary Manny Bonoan at iba pang dating opisyal ng DPWH.
00:12Kaugnay po yan sa ilang questionable ang flood control projects.
00:15Mga kasong plunder, graft, direct bribery at corruption of public officials
00:19ang mga in-recommendan ng National Prosecution Service ng DOJ laban kina Estrada at Bonoan.
00:25Pinakakasuhan din ang iba pang mga taga-DPWH na sina Engineer Manny Bulusan, Bong Dinglasan at Benril Cesar Cortuna,
00:35pati ang isang Arturo Gonzalez Jr. at iba pang sangkot na hindi patukoy ang pagkakakilanlan.
00:41Bilang state witnesses, hindi na pinakakasuhan sina dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
00:48dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara,
00:51at dating DPWH NCR Regional Director Gerard Opulensia.
00:56Hindi na pinakakasuhan si dating DPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral na pumanaw nitong December 2025.
01:04Lumaba sa embesigasyon ng DOJ ang umano'y kalakarang 30% na kickback sa flood control projects
01:10batay sa mga testimonya ng mga insider o umano'y kasabwat sa proyekto.
01:16Pag-aaralan pa ng Office of the Ombudsman ang mga natuklasan sa embesigasyon ng DOJ.
01:22Sabi ni Sen. Estrada, kakausapin niya muna ang kanyang mga abogado tungkol sa mga inirekomendang kaso ng DOJ laban sa
01:30kanya.
01:31Sinisika pang kunin ang pahayag ni Bonoan at iba pang pinakakasuhan.
Comments