00:00The International Criminal Court is now in session.
00:03Rodrigo Roa Duterte
00:13Ipinapanukalan ng prosecutor sa International Criminal Court na simulan sa November 30
00:17ang paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kasong Crimes Against Humanity.
00:23Ayon sa prosecution team, inaasahan nilang sa September 30 makukumpleto ang mga kailangan sa paglilitis
00:29tulad ng paghahanda sa mga testigo at sa proteksyon para sa kanila.
00:33Nasa 60 hanggang 70 testigo ang plano nilang iharap sa trial proper.
00:38Para naman sa Common Legal Representatives of the Victims, pwedeng sa September na magsimula ang paglilitis.
00:45Pero para sa Duterte Defense Team, kailangan munang masuri uli ang kakayahan ng dating Pangulo
00:50na humarap sa paglilitis bago magtakda ng pecha para dyan.
00:54Bagaman kinaya ng dating Pangulo ang pre-trial phase,
00:57patuloy raw humihina ang kondisyon ni Duterte,
01:00kaya kailangan muna siyang masuri uli.
Comments