- 8 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
-VP Sara Duterte, tinawag na "grave abuse of power" ang nangyaring gulo sa Senado
-INTERVIEW: SENATE SGT-AT-ARMS (RET.) MGEN. MAO APLASCA
-Fetus, natagpuang naaagnas sa ilalim ng tulay sa Brgy. San Jose
-Kahandaan ng search and rescue units sa panahon ng emergency, sinanay sa Ph SAREX 2026
-Reps. Diokno, De Lima, Cendaña at abogado ng ilan pang inireklamo ni Atty. Mans Carpio, humarap sa preliminary investigation
-U.S. President Donald Trump at Chinese Pres. Xi Jinping, nagpulong sa Beijing
-Dept. of Agriculture, ipatutupad agad ang P50/kg price cap sa imported rice
-BGYO, excited na sa kanilang guesting sa GMA Afternoon Prime na "Born to Shine"
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
-INTERVIEW: SENATE SGT-AT-ARMS (RET.) MGEN. MAO APLASCA
-Fetus, natagpuang naaagnas sa ilalim ng tulay sa Brgy. San Jose
-Kahandaan ng search and rescue units sa panahon ng emergency, sinanay sa Ph SAREX 2026
-Reps. Diokno, De Lima, Cendaña at abogado ng ilan pang inireklamo ni Atty. Mans Carpio, humarap sa preliminary investigation
-U.S. President Donald Trump at Chinese Pres. Xi Jinping, nagpulong sa Beijing
-Dept. of Agriculture, ipatutupad agad ang P50/kg price cap sa imported rice
-BGYO, excited na sa kanilang guesting sa GMA Afternoon Prime na "Born to Shine"
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Inalmahan ng Malacanang ang paninisi ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Bongbong Marcos,
00:07kaugnay sa nangyaring gulo sa Senado at tangkang pag-aresto kay Sen. Bato de la Rosa.
00:12Balitang hatid ni Rafi Tima.
00:17What you are witnessing sa bayan natin is grave abuse of power.
00:22Ganyan para kay Vice President Sara Duterte ang nangyari sa Senado.
00:30Kung saan may umalinga-ungaw pang mga putok ng baril.
00:38Nalulungkot at nakakagalit yung nangyayari sa ating bayan ngayon.
00:47Lalong-lalo na doon sa pagpapakita ng disrespect sa institusyon ng Senado.
00:54Alam na rin anya ng ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nangyari dahil may telebisyon sa kulungan.
01:00Apparently, nakita niya pala sa balita.
01:03Tinanong niya kaagad ano kaguluhan ang nasa Senado.
01:08Tatlong araw na nagkubli sa Senado si de la Rosa matapos isa publiko ang hinaharap niyang arestwarant.
01:14Tinangka pero bigo siyang ma-aresto nitong lunes.
01:17Inihambing ito ng bisis sa pag-aresto sa kanyang ama.
01:19Hindi yun surrender kasi sa pilitan mong kinuha yung isang tao sa bayan niya at dinala mo sa ibang bayan.
01:30Di siya pwede dahil meron tayong konstitusyon na sinusunod.
01:37Pero kapag ang administrasyon na ang gumalaw, wala ng konstitusyon, wala ng patas.
01:44Sa halipa niya na unahin ng politika, dapat daw bigyang prioridad ng Pangulo ang ekonomiya ng bansa.
01:50So what we are seeing now is the administration using all government resources to demolish political opposition
02:01for those individuals who do not follow or agree or support BBM.
02:12BBM. Magulo ang ating bayan na hindi naman sana. Nagkakagulo lang tayo dahil kay BBM.
02:18Tinawag ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na walang basihan at walang sustansya
02:23ang mga sinabi ni Vice President Duterte tungkol sa Pangulo at sa mga nangyari sa Senado.
02:28Ayon kay Castro, mas nakakahiya sa ngayon ang magkomento pa sa mga ito.
02:32Ang kailangan-anyan ng bayan at ng taong bayan ay ang public servant na nagsiservisyo
02:37at hindi yung alam lang daw ay gumawa ng intriga at fake news.
02:41Rafi Tima nagbabalita para sa GMA News.
02:45Sa punto pong ito ay kausapin naman natin si Senate Sergeant at Arms Mau Aplasca.
02:50Kaugday pa rin po sa nangyaring putukan sa Senado
02:52at pag-alis si Sen. Ronald Bato de la Rosa mula sa Senate Building.
02:56Magandang umaga po at welcome sa Balitang Hallie, sir.
03:00Connie, magandang umaga.
03:01Sabi po ni NBI Director Matibag, kayo ang dapat tanungin kung nasaan ang Senador.
03:07Eh ano ba kaya ang ibig sabihin ng protective custody?
03:10May itutulong bang natakasan daw kayo ni Sen. Bato, sir?
03:15Hindi po kami natakasan, Connie.
03:17At saka ako po, diretsaan ko namang sinasabi na hindi ko po alam kung nasaan po si Sen. Bato.
03:23Okay. Meron ho ba kayong communication with him?
03:26Because you have mentioned earlier sa akin pong kapag-interview rin sa inyo sa radyo
03:30na kayo ho ay talagang magkaibigan, mag-mista, hindi niyo naman ho dinidenayan.
03:36Is there any communication between the two of you after po nitong pangyayaring ito?
03:41Wala po akong communication as of now with Sen. Bato.
03:44Okay. Ano ho ang naging instruction naman sa inyo ni Sen. President Alan Cayetano?
03:48Nung nagpaalam po kayo na i-check at i-verify yung reports na merong mga armadong NBI agents na nasa
03:55second floor.
03:56Meron ho ba ang instruction?
03:58Ako po, nakita ko po yung very tense situation.
04:03Pumunta po ako sa meeting ng ating mga Senador.
04:06At napansin ko po, alarmado po ang ating mga Senador.
04:09Dahil marami po mga tumatawag sa kanila, mga kaibigan nila,
04:12na lumabas na doon sila sa Senador dahil meron doon pong malaking mangyayari.
04:19Kaya binabuti ko po na magpaalam sa kanya para puntahan at i-check yung mga nakita namin sa CCTV
04:27na mga armed personnel individuals at the vicinity of the Senate premises.
04:33Was there any specific instruction from SP Cayetano?
04:39Wala naman po nga, dahil pagdating naman po sa security and law enforcement,
04:45ako po ang in-charge.
04:49Okay, nagkaroon ho ba daw kayo ng effort man lang natawagan o makipag-ugnayan
04:54kay NBI Director Matibag para kumpirmahin kung ano ho ang pakay ng NBI agents
04:59nung una pa lamang na nakita nyo sila sa CCTV
05:01bago ho nangyari itong warning shot o putukan?
05:05Connie, ako nagtataka doon sa statement na ako daw ang kailangan tumawag sa kanila.
05:12Ngayon, ulitin ko lang Connie, matagal po ako sa military and law enforcement.
05:18Halos buong buhay ko po, diyan ko po ginugol.
05:22Alam ko po na pag merong operation ng isang armed component ng ating pamahalaan,
05:29magsasagawa po sila ng pre-coordination dahil delikado po eh.
05:34Dahil kahit na isang barangay ang pagitan o kahit isang bayan ang pagitan
05:39ng location ng bawat armed forces, eh nagpapaalam po kami dahil iniiwasan po namin
05:46yung magkaroon ng mis-encounter.
05:48Ito po, ding-ding lang po ang pagitan, ding-ding lang po ang pagitan namin.
05:53Very approximate po na magkaroon po ng mis-encounter.
05:56Kaya ako nagtataka po, kung siya alam niya ang ginagawa niya,
05:59being part of the law enforcement agency ng government,
06:05very strict standard SOP po na mag-coordinate siya sa nalalapit
06:09o sa pinakamalapit na law enforcement or military unit.
06:15Pakikwento lamang sa amin yung ilan pang mga detalye.
06:18Ilang tao ho ba yung nakita ninyo at para sabihin daw na may parang threat
06:23na mag-umataki sila?
06:27Connie, kaya nang nasabi ko sa inyo, simula pala ng umaga,
06:31marami na kaming mga report na natatanggap na mayroong mga armed elements
06:34sa paligid ng Senado.
06:36At ito naman ay na-confirm din namin doon sa aming mga CCTV.
06:40Hindi lang po doon sa second floor na kung saan kami nagpunta sa ibang floors po,
06:44marami pa po silang mga nakadeploy na mga tao.
06:49So, no doubt po, naniniwala po kami na mayroong threat po.
06:53Doon sa panahon na yun against the Senate.
06:56Okay, but you mentioned earlier also doon sa ating interview sa radyo
06:59na kayo ho ay nagkausap ni General Manager ng GSIS po na si Wick Veloso.
07:07Wala ho bang nabanggit sa inyo na siya ho ay nagpapasecure sa NBI during that time?
07:12Hindi po, ma'am. Hindi po sila nakipag-usap sa akin, ma'am Connie.
07:16Okay.
07:17Man, nakarating po sa akin ng report na mayroong nag-check-checkpoint na NBI at saka security ng GSIS
07:24doon sa common gate po ng Senado.
07:27Ito po, hindi po ito normal na nangyayari.
07:30Normal po na ginagamit namin yung common gate namin as alternate entrance and exit
07:35pag mayroong rally sa harapan ng main gate namin.
07:39Normal po, tawagan lang po yan.
07:41Mga gwardiya lang po ang nag-uusap dyan para bigyan kami ng access.
07:44Pero ito, nakakapagtaka po na hindi lang yung security guard nila,
07:51nandyan po ang NBI, nag-checkpoint po.
07:53So, hindi po namin alam ang purpose ng presence ng NBI, kaya po kami na-alarm.
07:59So, sa video po na nakita namin sa social media na yan at sa iba pang mga networks na nakunan
08:05din po namin dito,
08:07yung pag-uusap po ninyo ni General Manager Wick Viloso, wala ho siyang nabanggit sa inyo.
08:12Ma'am, mga totoo naman, hindi ko nga alam kung sino siya.
08:15Dahil nagtanong po ako sa mga gwardiya, pero lumapit po siya.
08:19Doon ko lang po nalaman na siya pala ang General Manager.
08:23Normally po, kahit yung General Manager, yung Chief Security Officer po ng GSIS,
08:28pagpatungkol po sa security coordination, madali lang po silang lahat po ng mga security coordination na nakaraan,
08:39madali po silang nag-coordinate sa amin.
08:41Kaya po ako nagtataka na bakit dito, simula umaga hanggang gabi, wala pong nakikipag-usap sa amin ng maayos.
08:49May sagot na ho dyan si NBI Director Matibag kanina lamang.
08:52Sabi niya, hindi daw talaga siya makikipag-coordinate sa Senado dahil wala naman daw silang operasyon sa Senado.
08:58Ang naging coordination...
08:59Bonnie, sa dahil lang sinasabi ko sa iyo kanina, di ba?
09:01Yes, go ahead.
09:02Pag mayroong operation ng isang armed component ng ating pamahalaan,
09:08kahit po isang barangay, isang bahayan, ang pagitan ng dalawang unit namin,
09:13gagawin po kami ng coordination dahil iniiwasan po namin ang misunderstanding at misencounter.
09:20Buhay po ng mga sundalo, police at saka NBI agents ang pinag-uusapan namin.
09:25I think it is irresponsible for Director Matibag not to coordinate with the security forces of the Senate.
09:32Okay, sabi rin ho ni Director Matibag, sir ha, parang pinaramdam po daw ninyo na kung may armas ang sinasabi
09:38niyong NBI,
09:39may armas din kayo.
09:41At nang nagpakilala nga daw ang NBI, dapat daw ay sinabi ninyo na osaa kayo.
09:46Hindi po nila na may armas ang mga security guard namin, yung Marines, yung police at saka osaa.
09:55Alam na po nila na may baril kami.
09:57Okay, sa pagkakatanda po ninyo, ilang bala po ang pinakawalan ninyo dyan sa Senate side?
10:03Ako po, hindi ko mabilang, but the forensic result, the laboratory result will tell us exactly kung ilan po ang
10:12bakla.
10:12Ayon po sa aming documents na nakalap dito sa GMA News, 32 ang nakuha po na bala.
10:20Matatawag po, sa nagtataka naman ako, bakit tinatanong mo po ka? Alam ninyo pala kung ganyan.
10:24Eh, kinukomperma po namin siyempre sa inyo, kung sakasakali.
10:28Warning shot pa ho ba yan daw matatawag, sir, kung ganyang karami?
10:32Ang warning shot po, sa aking pagkakaalam, sa haba na experience ko sa law enforcement at military operation,
10:38isa lang po ang warning shot na kailangan.
10:40Okay. So, wala po kayong nakikita, sir, na parang lumabag po kayo doon sa protocol ng PNP,
10:47na bawal po daw na mag-warning shot kasi nakaka-alarma lalo ito sa sepasyon?
10:50Inisigurado po po sa iyo, Connie, with my experience, wala pa ako nilabag na protocol, security protocol.
10:55Okay. Ano daw kaya yung necessary time na para mag-warning shot sa tingin ninyo?
11:02Alam mo po, ang warning shot po ginagamit, ulitin ko yung sinasabi ko sa iyo, no?
11:07Pag meron pong ganong situation, ang una po, magbibigay po kami ng verbal warning.
11:13Uh-huh.
11:14Ngayon, gusto namin, pag nag-verbal warning ko kami, dapat po magpakilala sila sa amin.
11:19At pangalawa, dapat po ibaba nila yung kanilang mga armas.
11:24Ngayon, kung hindi po sila sumunod o mag-comply doon sa aming verbal warning,
11:29but instead, meron po silang galaw,
11:31which would result to, parang magkaroon ng threat against the lives of our USA personnel,
11:41our MRACE, and our PNP personnel, magpapotok po kami ng warning shot.
11:46Okay. Pero ito nga ako, babalitaan ko kayo,
11:49kasi sabi niyo nga, hindi niyo pa alam yung detale po,
11:52tungkol doon sa mga bala, no?
11:54na napakawalan dyan sa enkwentro po ninyo.
11:56Base po sa dokumento ito na nakuha ng GMA News,
11:59nasa limang bala lamang daw ang bala mula sa side ng NBI, sa GSIS,
12:04at nasa dalawang putpito mula sa side ng Senado.
12:08Wala ho ba kayo nakikita na parang overkill dyan?
12:12Connie, isa, dalawa, tatlo.
12:15So, the fact is, mayroon pong bumaril sa amin.
12:20At we will interpret that as a threat to our security.
12:25So, may karapatan po kami na protektahan ang aming sarili.
12:29Whether ilang bala ang pinotok namin,
12:32basta kami po, nung nagpapotok kami, alam ko,
12:35hindi po namin intention na tamaan yung mga tao.
12:38Kasi kung yun po ang intention namin,
12:40siguro po marami na pong patay dyan sa mga NBI personnel.
12:44Okay, nanawagan po ang PMA alumni sa lahat po,
12:48na maging non-partisan.
12:50Pero kanina po, nabanggit nyo nga talaga na meron kayong relationship
12:53and it is personal with you.
12:55Ito pong relasyon nyo kay Sen. Bato de la Rosa.
12:59Tama po, Connie.
13:00This is a personal relationship.
13:02But in his political, wala po akong kinalaban.
13:06Hindi po ako kasama ng political team di Sen. Bato.
13:09Okay, siguro maganda po, paliwanag nyo lamang
13:11or make a statement para mas malinaw po,
13:13papaano nyo matitiyak na hindi ho daw magkakaroon
13:16ng special treatment kay Sen. Bato na mistepunin nyo sa PMA.
13:20At kung sakasakalin,
13:22kasi ito nga po ang nagiging issue ngayon tungkol po dito.
13:26Wala pong special treatment, Connie.
13:29Ako bilang Sergeant at Arms,
13:30gagawin ko po ang trabaho ko ayon sa naayon sa batas.
13:35Ngayon, kung meron pong nakatulod ng sinabi
13:37ng aming Senate President,
13:39ang kanyang sinabi kay Director Matibag
13:42noong Monday, noong meeting namin,
13:44the Senate will only honor and respect
13:48an order of arrest issued by the local judicial authority.
13:53Maliwanag po yun at umuon naman si Director Matibag.
13:57Ang pangalawa din po na hinihingi ng ating Senate President
14:00dahil nasight in contempt po yung SIAM
14:02na NBI agents na humabol kay Sen. Bato
14:06na mag-conduct po siya ng investigation,
14:09i-identify po niya yung SIAM na NBI agent
14:11dahil yun pong SIAM na yun ay under contempt
14:16order ng Senado.
14:17Kaya nakiusap naman si Director Matibag
14:20na kung pwedeng iuwi niya yung mga ahente,
14:22siya na lang ang mag-identify
14:24at anytime the Senate will require
14:28the appearance of the nine NBI agents,
14:30idadalhin po niya.
14:32Pangatlo po, nagsabi po siya,
14:34nangako po siya kay Sen. President
14:35na mag-submit siya ng investigation report.
14:39Kinabukasan, ibig sabihin Tuesday,
14:42doon sa result ng investigation
14:43kung paano nakapasok, paano hinabol ng NBI agents.
14:47At yung pangalawang incident po,
14:48paano po binugbog ng NBI agents
14:51yung aming security personnel.
14:53Hanggang ngayon po,
14:54inikintay po namin yung kanyang pangakong
14:56mga investigation report,
14:58pero wala pa po.
15:00Okay, maraming pong salamat
15:01sa inyo pong oras na ibinahagi
15:03sa Balitang Hali, sir.
15:05Maraming salamat din.
15:07Yan po naman si Sen. Sgt. at Arms Mau Aplasca.
15:16Pasintabi po, natagpo ang naaagnas
15:18ang isang fetus sa ilalim po ng tulay
15:20sa barangay San Jose sa General Santos City.
15:24Ayon sa barangay officials,
15:25nakita ang fetus matapos may nakaamoy
15:27ng masangsang sa lugar.
15:29Nakasilid ang fetus sa isang echo bag.
15:32Hindi po tukoy kung lalaki o babae ito.
15:34Sa tansya nila, nasa lima hanggang
15:36anin na buwan na ang fetus.
15:39Inilibing na ang fetus sa isang
15:40sementeryo sa Lungson.
15:42Patuloy ang investigasyon ng PNP
15:44at pag-alam kung sino ang responsable nito.
15:49Nagsagawa ng search and rescue exercise
15:51ang iba't ibang ahensya ng gobyerno
15:52sa Dolomite Beach sa Manila Bay
15:54kaninang umaga.
15:55May ulit ang The Spot si Oscar Oida.
15:57Oscar!
16:01Yes, Connie, isang bumagsak na eroplano
16:04ang senaryo na sinanay
16:06sa Philippine Search and Rescue Exercise
16:09o SARICS 2026 dito sa Manila Bay.
16:12Sa nasabing pagsasanay,
16:15ay agad narumisponde
16:16ang mga tauwa ng Armed Forces of the Philippines,
16:19Philippine Coast Guard,
16:20mga ospital at iba pang ahensya
16:22ng pamahalaan,
16:23layunin ang nasabing simulated field exercise
16:26na subukin at malakasin pa
16:28ang kahandaan ng mga search and rescue units
16:30sa bansa
16:30kasama ang kanilang mga communication system
16:33at mga proseso sa panahon ng emergency.
16:36Ang exercise ay pang pinangunahan
16:38ng Civil Aviation Authority of the Philippines
16:40o CAAP
16:41sa pamamagitan ng Philippine
16:42Aeronautical Rescue Coordination Center.
16:45Ayon sa mga organizer,
16:46maalaga ang ganitong pagsanay
16:47upang masubok ang bilis ng responde,
16:50koordinasyon ng mga ahensya
16:52at matukoy
16:53ang mga dapat pang pagbutihin
16:55sa mga operasyon
16:55sa panahon ng sakuna.
17:00May mga situation
17:01na ang search and rescue
17:03ay hindi sa dagat,
17:05kundi sa bundok
17:06at sa malalayong lugar.
17:07Pero ang tinitignan natin
17:09is yung structure,
17:10yung organization,
17:11lahat ng involved,
17:13yung inter-agency coordination,
17:15at saka yung safety
17:20na gusto natin
17:22ma-assure yung
17:23riding public
17:25na meron tayong situation
17:26na ganito,
17:27na meron tayong
17:28capability na ganito
17:29para pag dumating
17:30ang sitwasyon
17:31na meron tayong mga
17:32accident and incidents,
17:34ready ang response natin.
17:39Samantala, Connie,
17:41tumagal ang nasabing operasyon
17:42ng kulang-kulang isang oras
17:44within the golden hour
17:46na tinatawag
17:47para daw
17:48maisakatuparan
17:49ang nasabing
17:50rescue operation
17:51sa ganong senaryo.
17:53Connie?
17:53Maraming salamat, Oscar Oida.
17:56Samantala,
17:57ngayon pong araw
17:58ang preliminary investigation
17:59sa isinampang reklamo
18:01ng asawa ni Vice President
18:02Sara Duterte
18:03na si Atty. Man Scarpio.
18:05Kaugnay po yan
18:05sa pagsasa publiko
18:06ng financial transactions
18:08ng second gentleman
18:09sa impeachment hearing.
18:11May ulot on the spot
18:12si Maki Pulido.
18:13Maki?
18:15Gumarap sa
18:16Quezon City Prosecutor's Office
18:18in a party list
18:18three representatives
18:19Chelle Jocno,
18:20Laila De Lima,
18:21Percy Sandania
18:22para sa preliminary investigation
18:24ng kasong isinampang
18:25laban sa kanila
18:26ni Atty. Man Scarpio.
18:27Mga abogado naman
18:28ng sarap
18:29at ibang inirektamo.
18:30Kabilang na si
18:31Rep. Jervie Luistro
18:33ang House Justice Committee Chair
18:35at BSP Governor
18:36Eli Remolona
18:37idinagdag sa kaso
18:38si Francis Lim
18:39ng SEC
18:40at Reinaldo Regalado
18:42ng Insurance Commission.
18:43Ang kasong isinampang
18:44ni Scarpio
18:45laban sa kanila
18:45ay paglabag
18:46sa Anti-Money Laundering Act,
18:48Bank Secrecy Law
18:49at Data Privacy Act.
18:50Ayon kanila
18:51Jocno,
18:52Dalima
18:52at Sandania
18:53panggigipito
18:54dahil ginagawa lang nila
18:55ang kanilang trabaho
18:56bilang mga
18:57mambabatas.
18:58Wala raw silang
18:59nilabag na batas.
19:00Pero ayon sa abogado
19:01ni Carpio
19:02na si Atty.
19:03Neil Abayo
19:03na ino sa batas
19:04na hindi maaaring
19:05isa publiko
19:06ang anumang
19:07bank transaction.
19:08Samantala,
19:09sinabi rin ni Sandania
19:10na nakahiya
19:11ang Senado
19:11kung pigilan pa
19:14ang impeachment trial
19:15sa ikalawang
19:15pagtakataon.
19:17Dapat daw
19:17maibalik
19:18ang integridad
19:19ng Senado
19:19kaya dapat matuloy
19:20ang impeachment trial.
19:22Ibuangan ni
19:23Congressman
19:23Chell Jocno
19:24marino naman
19:24sa Saligong Batas
19:25na sa oras
19:26na matransmit
19:27ng articles of impeachment
19:28kailangang magkonduct
19:30ng impeachment trial
19:31ang Senado.
19:33Pagkakapan pa rao
19:34ng prosecution panel
19:35kung pupunta sila
19:36sa Senado sa lunes
19:37ang araw na inaasahang
19:39mag-convene
19:39ng Senado
19:40bilang impeachment court.
19:41Connie?
19:42Maraming salamat,
19:43Maki Pulido.
19:49Nagpulong
19:49si na US President
19:50Donald Trump
19:51at Chinese President
19:52Xi Jinping
19:52sa Beijing, China.
19:54Sa sleep banquet,
19:55pinawag ni Xi
19:56na most important
19:57bilateral relationship
19:59in the world
20:00ang ugnayan
20:01ng Amerika
20:01at China
20:02kaya dapat daw
20:03maging magkatuwang
20:05at hindi magkalaban
20:06ang dalawang bansa.
20:07Kabilang sa mga
20:08napag-usapan
20:08ng issue sa Taiwan,
20:10gitnang Amerika,
20:11patuloy nilang
20:12kinikilala
20:13ang One China Policy.
20:15Sinabi ni Xi
20:15na hindi magsusupply
20:17ng armas
20:17ang China sa Iran
20:18sa gitna
20:19ng gyera nito
20:20sa Amerika
20:21at Israel.
20:22Sa isang
20:22social media post,
20:23sinabi ni Trump
20:24na umaasa siyang
20:25mas magiging maganda
20:26ang ugnayan
20:27ng Amerika
20:27at China
20:28pagkatapos
20:29ng pulong nila
20:30ni Xi.
20:37Aprobado na
20:37ni Pangulong Bongbong
20:38Marcos
20:39ang pagpapatupad
20:40ng 50 pesos
20:41per kilo
20:41na price ceiling
20:42sa imported
20:43na bigas.
20:44Alinsunod sa
20:45Executive Order
20:45No. 118,
20:47efektibo yan
20:48sa 5% broken
20:49imported rice
20:50sa loob ng
20:5130 araw.
20:52Ang price cap
20:53base po sa
20:54rekomendasyon
20:54ng National
20:55Price Coordinating
20:56Council.
20:57Sabi ng Department
20:57of Agriculture,
20:58agad nilang
20:59ipatutupad yan.
21:00Layon daw nitong
21:01matugunan
21:02ang problema
21:03sa umano'y
21:03hindi makatwi
21:04ng pagtaas
21:05ng presyo
21:05ng bigas.
21:06Pakiusap
21:07ng ilang rice
21:08retailer,
21:08payagan silang
21:09maubos
21:10ng lumang stock
21:11nila
21:11na mas mahal
21:12para
21:12hindi sila
21:13malugi.
21:20Aces,
21:21mag-ingay,
21:22malapit
21:23ng mapanood
21:24sa GMA
21:24Afternoon
21:25Prime
21:25series
21:26na Born
21:26to Shine
21:27ang
21:28P-Pop
21:28Boy
21:28Group
21:29na
21:29BGYO.
21:31Excited
21:32na sila
21:32sa kanilang
21:33first acting
21:33experience
21:34together
21:35bilang
21:35grupo.
21:36Nag-memorize
21:37daw sila
21:37ng kanilang
21:38script
21:38at happy
21:39rin
21:39sa panibagong
21:40opportunity.
21:41As themselves
21:42ang gagampan
21:43ng role
21:43ng grupo
21:44kaya
21:44hindi daw
21:45sila
21:45masyadong
21:46nag-adjust.
21:47Relate
21:47din daw
21:48ang grupo
21:48sa kwento
21:49ng Born
21:49to Shine.
21:50Laro na
21:51sa panahong
21:51nag-struggle
21:52sila
21:52at
21:53nagsisimula
21:53pa lang
21:54sa industriya.
21:55Sa musical
21:55series,
21:56tampok
21:57ang
21:57P-Pop
21:58role group
21:58na Yumi
21:59na short
22:00for
22:00Mayumi.
22:01Binubuo yan
22:02ang mga karakter
22:03ni na
22:03Zephanie,
22:04Oligmey,
22:04Naya Amby,
22:05Mitzi Josh
22:06at
22:06Egea Misha.
22:11Oligmey,
22:12Oligmey,
22:13Oligmey,
22:14Oligmey,
22:15Naya Amby,
22:15Oligmey.
Comments