00:00Yes, I'm still here, Mars and Pars.
00:03Mga kapuso, bukod sa kabilang issues sa politika,
00:07for sure isa rin sa mga nababasa ninyo online
00:10ang trending usapan na usapang prenup
00:13o prenuptial agreement.
00:15May mga kasal daw kasi na nadedelay o mano
00:18dahil hindi nagkakasundo sa prenup.
00:21Ano ba ang sinasabi ng batas tungkol dito?
00:24Ask me, ask Attorney Gabby.
00:30Attorney, sa mga curious dyan,
00:33ano ba kasi ang mga dapat nakalagay sa prenup?
00:36Well, basically, isang prenup o prenuptial agreement
00:39o tinatawag din na marriage settlement
00:41ay isang legal na kasunduan between two people
00:44who are planning to get married.
00:46Ito ay kasunduan tungkol sa kung anong iiral na property regime
00:50once ikasal ang dalawang ito.
00:53That is, kung anong sistema ang gagamitin
00:55para ayusin ang kanilang property at income
00:58kung paano na nito pagsasamahin
01:00o paghihiwalayin once they get married.
01:03Ito ay dapat signed ng both parties na involved
01:06at dapat pirmahan lamang ito bago ikasal.
01:10Once ikasal sila,
01:11ay nako, hindi na pwede pag-usapan yan.
01:13So, bakit importante ang isang prenup?
01:16Kasi kapag wala pong prenup,
01:18ang magiging property regime ng mag-asawa
01:20ay tinatawag na absolute community of property.
01:23Lahat ng property ng mag-asawa before and after the marriage
01:28ay magiging property ng mag-asawa
01:30at kung maghiwalay sila,
01:32paghaatian to ng 50-50.
01:35Well, problema ba ito?
01:37Well, kung si babae ay may lupa,
01:40halimbawa, may lupa na 100 million pesos ang value
01:44bago ikasal at si lalaki, zero.
01:48Wala siyang ambag sa kasal nila.
01:50At kinasal sila ng walang prenup,
01:53ang 100 million pesos property
01:55ay magiging joint property ng dalawa
01:57at kapag naghiwalay sila,
01:5950 million na magiging share ni babae
02:02na dating 100 million
02:03at 50 million sila laki.
02:06Uy, unfair naman yan.
02:07Sabi ng iba,
02:08well, kailangan kayo gumawa ng prenup,
02:10absolutely,
02:11para hindi absolute community
02:13ang magiging automatic property regime ninyo.
02:16Ano pa ba ang choice?
02:18Actually, this is what I always tell my students,
02:20ang pinaka-fair pa rin para sa akin
02:23ay ang tinatawag na property regime
02:26na conjugal partnership of inns.
02:28Ibig sabihin,
02:29sa property regime na ito,
02:31ang magiging co-owned property lamang na mag-asawa
02:34ay lahat ng pera at property
02:36na ma-earn nila habang kasal na sila.
02:40Lahat ng property bago sila ikasal
02:42ay magiging separate at sarili nilang property.
02:45So, sa example po natin kanina,
02:48kung si babae may 100 million pesos property
02:51bago ikasal
02:52at si lalaki walang property,
02:55diba, zero nga ang ambag niya,
02:56at ikinasal sila with a prenup
02:59na nagsasabing conjugal partnership of gains
03:02ang property regime nila,
03:03ang 100 million peso property
03:06ay separate property pa rin ng babae
03:08at kapag naghiwalay sila,
03:10sa kanya pa rin ito mapupunta ng buong-buo
03:13at zero pa rin si lalaki.
03:15At least, pwede sabihin ng lalaki,
03:17I didn't marry you for your money
03:19or something like that,
03:20di po ba?
03:21Meron pa ba ibang choice ng property regime?
03:24Well, pwedeng complete separation of property
03:26na ang ibig sabihin,
03:27totally magkahiwalay ang properties na mag-asawa.
03:30They will never own anything together.
03:33Na actually, medyo naiba naman kasi
03:34parang hindi naman sila mag-asawa.
03:36Pwede rin namang mga combination,
03:38di ba?
03:38Pero mas komplikado yun.
03:40Yung tatlo na bangit namin,
03:41yan ang three main types of property regime.
03:46Maaari ba magkaroon ng ibang nilalaman
03:48ng isang prenup?
03:49Puro tungkol ba ito sa pera at kayamanan?
03:51Well, hindi naman.
03:53Maaari ito magkaroon ng ibang provision
03:54although usually,
03:55ito ay related kahit pa paano sa property at pera.
03:59Maaari itong magkaroon naman ng provision
04:01na halimbawa,
04:02pagkilala sa isang anak,
04:03sa pagkandalago o pagkabinata.
04:05Or in case na magkahiwalay ang asawa,
04:08at kasalanan nito na isang partido,
04:11pwede magkaroon ng waiver to certain property
04:14or interest in properties.
04:16Maaring i-emphasize ang pagkakaroon
04:18ng sariling trabaho at karir ng bawat isa.
04:21Well, ito na nga ang kananong.
04:23Pwede ba ang provision na in case
04:25na magkaroon ng hiwalayan,
04:26mapupunta ang automatic custody ng mga anak
04:29sa either of the spouses?
04:32Naku, delikado po yung provision na yan.
04:34Naku, red flag yan.
04:35Dahil ang issue ng automatic custody
04:37ng mga bata
04:38ay isang issue na hindi dapat gawing issue
04:40tulad ng property at pera.
04:42Di po ba?
04:43Baka ito ay maging issue
04:44against public policy
04:46and good morals
04:47and good custom.
04:48Ang issue dapat kasi
04:49na sino ang dapat magkaroon ng custody
04:51ng mga bata
04:52ay depende
04:54sa best interest of the child
04:56at kung sino
04:57ang better or more fit parent.
04:59At depende din yan
05:00sa age ng mga bata.
05:02Dito po sa Pilipinas,
05:03usually kung ang bata
05:04ay less than 7 years of age,
05:06halimbawa,
05:07ay hindi ito
05:08ihihiwalay sa nanay
05:09unless may finding
05:11na hindi siya fit
05:12to be a parent.
05:13In any case,
05:15ako,
05:15I will always push
05:17for a prenup.
05:18Hindi po ako believer
05:19in absolute community of property,
05:21fair pa rin
05:22ang conjugal partnership of gains.
05:24At ito ang mas malaking issue,
05:26huwag naman
05:26on the day of the wedding
05:28or malapit na malapit na yung wedding,
05:30biglang ilalabas
05:31at papipirmahan ito.
05:33Naku, believe me,
05:34napakadami ng wedding
05:35ang hindi natuloy
05:36dahil sa ganitong pangaraan.
05:38Dapat, maaga pa lang,
05:40pinag-uusapan na
05:41it's better to talk about things
05:43nang wala pang gulo
05:44para kwentas-klaras
05:46ang lahat ng bagay.
05:47Ang mga usaping batas,
05:49bibigyan po nating linaw
05:50para sa kapayapaan
05:52ng pag-iisip.
05:53Huwag magdalawang isip.
05:55Ask me.
05:56Ask Attorney Gaby.
05:59Ikaw,
06:00hindi ka pa nakasubscribe
06:01sa GMA Public Affairs
06:02YouTube channel?
06:03Bakit?
06:04Pagsubscribe ka na,
06:05dali na,
06:06para laging una ka
06:07sa mga latest kwento at balita.
06:09I-follow mo na rin
06:10ang official social media pages
06:11ng Unang Hirit.
06:13Salamat ka puso!
Comments