00:00Pinangalanan na ang bagong lead defense counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:05Yan ang British lawyer na si Peter Haynes, na eksperto sa International Criminal and Humanitarian Law.
00:11Ayon kay Kaufman, pinili si Haynes ng common law wife ni Duterte na si Honeylete Avancenia at anak nilang si
00:18Kitty Duterte.
00:20Isinapubliko si Haynes matapos iutos ng ICC kay Kaufman na alisin ng redaction sa kanyang withdrawal request
00:27kung saan nabanggit niyang may kapalit na siya.
00:30Kinumpirma na rin daw ni Haynes kay Kaufman na handa itong magtrabaho para sa dating Pangulo
00:37at makakadalo sa status conference sa May 27.
00:41Isa sa mga hinawakan niyang kaso ang asuntong war crimes at crimes against humanity
00:45ni Jean-Pierre Bemba ng Democratic Republic of the Congo.
00:50Nakundik siya noong 2016 pero napawalang sala noong 2018 dahil nanalo sa apela
00:55at ngayong Deputy Prime Minister sa kanilang bansa.
Comments