00:00Bago ngayong gabi, naging bagyo na ang binabantayang low-pressure area sa La Union.
00:05Nakataas ang signal number one sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, western portion ng Cagayan, Apayaw, Abra, Kalinga,
00:14Mountain Province, Ipugaw, Benguet, western at central portions ng Nueva Vizcaya, northern portion ng Nueva Ecija, northern portion ng Zambales,
00:23northern portion ng Tarlac, western portion ng Isabela, at northwestern portion ng Quirino.
00:28Huling namata ng Bagyong Maymay, 130 kilometers west-northwest ng bayan ng Baknotan.
00:34Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometers per hour at bugsong aabot sa 70 kilometers per hour.
00:41Patuloy ang pagkilos nito, pahilagang silangan sa bilis na 10 kilometers per hour.
00:46Pusibleng maging stationary o hindi halos gagalaw ang Bagyong Maymay.
00:50Pero pwede rin itong kumilos pa silangan, pabalik o palapit lalo sa lupa.
00:56Ibig sabihin, may chance itong tumama sa Ilocos region.
01:00At dahil may interaction sa lupa, posibleng humina agad at bumalik sa pagiging LPA.
01:06Pwede namang sumama sa sirkulasyon ng Typhoon Dolphin na nasa labas ng PAR ang mga ulap ng Bagyong Maymay.
01:14Huling namang nakita ang Typhoon Dolphin, 1,970 kilometers silangan, hilagang silangan ng extreme northern Luzon.
01:22May chance pa rin itong pumasok sa PAR na tatawagin sa local name na Nene.
01:29Gayunman, pumasok man sa PAR o hindi, palalakasin pa rin ito ang habagat.
01:33Kaya maging maulan pa rin sa mga susunod na araw, lalo na sa Luzon at Western Visayas.