Skip to playerSkip to main content
In what was arguably the biggest shock in the House plenary vote on Monday, May 11, Navotas City lone district Rep. Toby Tiangco joined the overwhelming majority who favored the impeachment of Vice President Sara Duterte.

Before this, Tiangco--either by design or not--has positioned himself as a growing critic of the Marcos administration, despite being part of the House majority. This was mainly due to his hardline stance for accountability on the flood control projects corruption scandal.

READ: https://mb.com.ph/2026/05/11/shocking-vote-tiangco-explains-why-he-said-yes-to-vp-duterte-impeachment

Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UC5664f6TkaeHgwBly50DWZQ/join

Subscribe to the Manila Bulletin Online channel! - https://www.youtube.com/TheManilaBulletin

Visit our website at http://mb.com.ph
Facebook: https://www.facebook.com/manilabullet in
Twitter: https://www.twitter.com/manila_bulletin
Instagram: https://instagram.com/manilabulletin
Tiktok: https://www.tiktok.com/@manilabulletin

#ManilaBulletinOnline
#ManilaBulletin
#LatestNews
Transcript
00:00Mr. Speaker, Dear Colleagues,
00:02Ang hirap bumoto ng yes dahil ang sama ng timing nitong impeachment na ito.
00:08Nataon kung kailan hirap ang buhay ng ating mga kababayan,
00:13dulot ng crisis sa gitnang silangan.
00:16At mauna pa itong impeachment kesa pagpasa natin ng batas na makakatulong sa kanila sa panahong ito.
00:25Hirap po sila sa presyo ng bilihin.
00:27Ang impeachment na ito ay hindi makakatulong na maibsan ang kanilang kahirapan.
00:35Ngunit sa ilalim ng ating saligang batas ay may itinakdang numero ng araw para ito ay maresolba sa House of
00:45Representatives.
00:46Ang hirap bumoto ng yes dahil walang moral authority ang House dahil sa laki ng corruption issue
00:54sa mga dating liderato ng House of Representatives sa akusasyon ng mali-maletang ninakaw nila at kanilang mga kasabuat.
01:04At ngayon ay humihingi ng accountability sa Vice President para sa mas maliit na halaga.
01:11Ngunit sa ilalim ng ating saligang batas,
01:15ang responsibilidad ng pag-initiate ng impeachment at pag-desisyon ng probable cause
01:22ay eksklusibong kapangyarihan ng House of Representatives nang walang anumang kondisyon.
01:30May mga sinusunod tayong mga batas
01:33at ang accountability ay dapat para sa lahat ng public officials at walang pinipili.
01:40Kahit di hamak na mas malaki ang kontrobersya sa corruption
01:45na kinasasangkutan ng dating liderato ng House of Representatives
01:49at hanggang ngayon ay wala pang nakukulong
01:53at mas maliit ang pinag-uusapang halaga sa kay Vice President Sara Duterte
01:59ay hindi pwedeng maging dahilan na unahin muna ang mas malaki
02:04at huwag muna ang pag-usapan ang mas maliit na halaga.
02:10May mga tatong din sa naging proseso at sa pagkalap ng ebidensya.
02:17Gayon pa man, lumitaw ang isyo ng SAL-N.
02:22Partikular sa hindi pagdideklara ng cash on hand
02:25na nananatiling kailangang maliwanawan, malinawan at ipagpaliwanag sa tamang forum.
02:35Dahil nagdesisyon ang kampo ng Vice Presidente Sara Duterte
02:40na hindi dumalo dito sa House of Representatives,
02:43hindi nagkaroon ng pagkakataon na linawin ito.
02:48Ang pagboto ng yes ay hindi paghusga ng pagkakasala.
02:53Ito ang tanging naiiwan na paraan para mabigyan ng formal at maayos na venue sa Senado
03:02upang maipaliwanag ang panig at mailabas ang buong katotohanan
03:08sa mga isyo ng SAL-N na karugtong sa mga isyo ng AMLOC at bank accounts.
03:15Ito ay pagkakataon para ipaliwanag niya on record at sa loob ng proseso
03:21ang kanyang panig at maipagtanggol ang kanyang sarili.
03:25Ito ang pinakaresponsabling hakbang sa puntong ito.
03:30Kasama ng pagboto ng yes ay may dalawa akong kahilingan.
03:35Una, sa liderato ng House of Representatives na madaliin na ang pagpasa ng batas
03:43na makakatulong sa ating mga kababayan na naghihirap sa panahong ito.
03:49Pangalawa, magalang akong nananawagan sa mga ahensya na may responsibilidad
03:56na panagutin ang mga big fish at ang mastermind ng pinakamalaking korupsyon sa kasaysayan ng ating bansa.
04:05Ako ay buong pusong naniniwala sa kanilang integridad.
04:10At alam kong pinagbubutihan nila ang makapag-file ng malakas na kaso na hindi madi-dismiss sa Korte.
04:20Ngunit, medyo naiinip na po ang ating mga kababayan.
04:26Sana po ay may paraan na mas mapabilis ang pag-usad ng mga kaso
04:31para ipakitang walang double standard sa accountability.
04:36Ipakitang hindi pinoproteksyonan ang kakapi
04:39para hindi po isipin ng taong bayan na namimili lang ng kalaban sa politika.
04:48Maraming maraming salamat po.
Comments

Recommended