00:00Dahil biguo man ang tuparin ng kondisyon sa mga prangkisa,
00:03inereklamo ng Department of Energy sa Justice Department
00:06ang solar para sa Bayan Corporation ni Congressman Leandro Leviste.
00:11Pinunaan naman ni Leviste ang timing ng pagsampan ng reklamo
00:14na anya'y sabay sa paghain ng resolusyon ng ilang kongresista laban sa kanya.
00:20May unang balita si Sandra Aguinaldo.
00:25Mismong si Energy Secretary Sharon Garin ang nagpunta sa Department of Justice
00:30para magsampan ng reklamo laban ni kay Batangas First District Representative Leandro Leviste
00:36at lima pang personalidad.
00:38Sa complaint affidavit, sinabing hindi umunotin upad ni Leviste ang mga kondisyon sa prangkisa nito.
00:44Ang tinutukoy ng DOE, ang 25 years na prangkisa na ibinigay sa solar para sa Bayan Corporation
00:50kung saan daw Chairman, President at CEO si Leviste
00:54at Director naman ang lima pang ibang personalidad.
00:58Ayon sa DOE, sa prangkisa ang ibinigay sa korporasyon ng 2019,
01:03magtatayo at mag-ooperate ito ng pagkukuna ng renewable energy
01:07sa mga liblib at underserved na lugar sa bansa.
01:12Nakasaad daw na marerevoke ang prangkisa kung hindi makapag-ooperate
01:16ng tuloy-tuloy ng dalawang taon.
01:19Pitong taon na rawan lumipas pero hindi umunot nakasunod sa kondisyon ng respondents.
01:24Sabi pa ng DOE, wala umunot itong proyekto pero nakapagbigay naman umunot ng renewable energy
01:31sa ilang kumpanyang nasa ilalim ng Solar Philippines Power Project Holdings Inc.
01:36na 100% na pag-aari ni Leviste.
01:40Sabi ng DOJ, pag-aaralan pa ang reklamo ng DOE
01:44at kung may sapatabatayan ay magsasagawa sila ng preliminary investigation.
01:49Sabi naman ni Leviste, kapansin-pansin na ang pagsasampan ng reklamo sa DOJ
01:55ay sabay sa resolusyon ng Batangas congressman laman sa kanya.
01:59Ang resolusyon, inihain ng lima niyang kasamahang kongresista sa Batangas
02:05kasama si 6th District Representative Ryan Recto,
02:09anak ni na Executive Secretary Ralph Recto
02:12at Batangas Governor Vilma Santos Recto.
02:15Tinawag nilang walang basihan, malisyoso at iresponsable
02:20ang mga aligasyon ni Leviste ng korupsyon laban kay Secretary Recto.
02:25Ito ang unang balita, Sandra Aguinaldo, GMA News.
Comments