00:00Aabot na sa halos 11 milyon piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng Albae dahil po sa Bulcang Mayon.
00:07Nangangamba naman ang ilang residente sa posibilidad ng lahar dahil sa mga pag-unaan sa lalawigan.
00:13Saksi si Bea Pinla.
00:18Pabugso-bugso ang buhos ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Albae kaninang umaga.
00:26Pila pinasayaw ng hangin ang mga punong balot pa ng abo mula sa ashfall nitong Sabado.
00:32Sa gitna ng ulan pasado alas 8 kanina, may naitalapang lava flow collapse sa southwestern slopes ng Mayon.
00:39Ang pag-aalboroto ng bulkan na sinasabayan ng ulan,
00:44ang kinakatakot ng mga nakatira sa paanan ng Mayon dahil posibleng magpaagos ng lahar.
00:49Kaya kung ano ang mga nga naaad, ang mga damang pag-uso na nagaloan mo siya ko.
00:56Mambalang kami pinayabagwe.
00:59Kaya kiminsan na nga para, sukaan nato sa ngunitibagang habos.
01:03Nakakapay na ako, didinroong talaga.
01:06Hindi na kukado.
01:08Pero pindis ko na sa natang.
01:10Urak na nakuado ng taga.
01:12Pinapati, na araw na saring nagbaraoran, ayonan naman siyang bagyo.
01:16Sige naman ang isip ko sa...
01:17Kung bumuhos ang matagal at malakas na ulan, 10 lugar sa Albay ang posibleng tumbukin ng lahar base sa hazard
01:24map ng FIVOX.
01:25Kabilang dyan ang bakakay, kamalig, ligaw, tabako, daraga, ginubatan, legazpi, malilipot, malinaw at Santo Domingo.
01:36Pinag-iingat ng FIVOX ang mga downstream barangay malapit sa Miisi at Binaan Channel ng Mayon.
01:42Nagkaroon po ng deposition, ang pinagtawag natin ng PDC deposit or yung huson, sa areas po ng Binaan, saka ng
01:49Easy Channel.
01:50Sila yung increased risk for what we call eruption-related lahars.
01:58Meron din po kasi yung possibility na mag-degenerate pa rin ang lahars sa different areas po ng Mayon volcano.
02:06So around 19 channels po itong pinag-uusapan natin na paikot po ito ng podcast.
02:12Nagsimula ng maghanda ang lokal na pamahalaan ng mga posibleng daanan ng lahar.
02:17Mahigpit din ang pagbabantay ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para wala nang nakapasok sa 6
02:25-kilometer danger zone ng vulkan.
02:27Malaking pasakit para sa mga magsasakang sa loob ng danger zone nagtatanim at nag-aalaga ng mga hayo.
02:34Sa tala ng pamunuan ng barangay Miisi, halos 200 magsasaka nila ang apektado ng ashfall.
02:40Ang problema nila, yung mga hanap buhay nila doon, yung mga taniman nila, halos natabonan ng abo.
02:47Halos nasunog lahat. Kaya kababaan po sila yung mga alaga nilang hayo.
02:52Nagka, ano, namatay lahat.
02:56Ayon sa Albay Provincial Office, sa lunes magsisimulang mamahagi ng mahigit 10,000 pisong ayuda ang DSWD
03:02sa mahigit 6,400 magsasaka na apektado ng ashfall.
03:08Umabot na ng halos 11 million pesos ang halaga ng pinsala sa agrikultura ng probinsya,
03:14batay sa ulat ng Albay Public Safety and Emergency Management Office.
03:19Ngayong araw, namahagi ng tulong ang Kapuso Foundation sa mga bayang apektado ng ashfall.
03:25Ako si Bea Pinlock, ang inyong saksi.
03:29Pinag-aaralan ng Iran ang isang mungkahi mula sa Amerika na posibleng magbigay daan sa kasunduan
03:34para magtapos ang gera sa gitnang silangan.
03:37Ginagamot naman sa ICO ang ilang sa 7 Pilipinong crew na nasugatan
03:40na ataki ng isang barkos, the Strait of Hormuz.
03:44Saksi, si JP Sariano.
03:49Mahigit dalawang buwan mula na magsimula ang gera sa gitnang silangan
03:53at matapos ang ilang beses na bigong magkasundo ang Amerika at Iran
03:57para sa pagkatapos ng sigalot.
04:00Isang limitado at pansamantalang kasunduan ang pinag-aaralan ngayon ng Iran.
04:04Batay sa mga ulat, layo nitong tapusin ang karahasan
04:07at ma-stabilize ang biyahe ng mga barko sa Strait of Hormuz.
04:11Pero hindi pa raw nito mareresolba ang malalaking issue.
04:15Na hindi mapagkasundoan ang dalawang panig,
04:18partikula ang issue sa nuclear program ng Iran.
04:21May tatlong bahagi umano sa ilalim ng panukalang framework.
04:25Una, ang formal na pagkatapos ng gera.
04:27Ikalawa, ang pagresolba sa krisis sa Strait of Hormuz.
04:31At ikatlo, ang paglulunsad ng tatlong pong araw na window
04:34para sa negosyosyon tungo sa mas pangmatagalang kasunduan.
04:38Ayon sa isang Pakistani source ng Reuters,
04:41malapit ang maabot ng isang one-page memorandum
04:44na formal na magtatapos ng gera.
04:46Si U.S. President Donald Trump,
04:49kampanting malapit ang matapos ang sigalot.
04:51They want to make a deal badly and we'll see if we get there.
04:54We've had very good talks over the last 24 hours
04:58and it's very possible that we'll make a deal.
05:00Yeah, please.
05:01We're beating them badly and they want to settle very badly.
05:04It will work out very quickly.
05:05Kampante rin si Trump na makukuha ng Amerika ang uranium ng Iran.
05:10Pwede ng gamitin ang uranium para makalikha ng nuclear energy at ng nuclear weapon.
05:15At ang Akosasyon ng Amerika,
05:18nuclear weapon ang totoong pakay ng nuclear program ng Iran,
05:21bagay na itinatanggi ng Iran.
05:23Hi Mr. President, can you tell us what you think about the extracting the uranium from Iran?
05:29Yeah, we're gonna get it.
05:30How will you get it?
05:30We're gonna get it.
05:31Sa gitna nito, bumaba ang presyo ng langis sa world market.
05:35Batay sa global benchmark na Brent crude,
05:38bumaba sa $98 hanggang $99 ang kada bariles ng langis.
05:42Itinigil din pansamantalan ni Trump ang Project Freedom ng Amerika
05:46kung saan tinutulungan ng Amerika ang mga barko na makalaba sa Strait of Hormuz.
05:51Dahil daw yan sa sinasabi ni Trump na maganda ang takbo ng peace agreement
05:55at pakiusap na rin ang mediator na Pakistan at ibang bansa.
06:00Matapos simula ni Trump ang Project Freedom noong lunes,
06:03ilang barko ang napaulat na inatake sa region.
06:06Isa rito ang container ship na San Antonio na tinamaan ang Iranian drone nitong Martes.
06:11Pitong Pilipinong tripulante ang sugatan ayon sa Department of Migrant Workers.
06:16Ang ilan sa nasugatan na sa ICU sa ditinukoy na ospital.
06:19Because merong explosion on board, yung drone attack,
06:26merong burns at gas inhalation in the process.
06:34Tatlo in more serious condition na minomonitor din natin ngayon.
06:40Sa kabila naman ng inanunsyong ceasefire sa pagitan ng Israel at Hezbollah,
06:45nakapagtala ng mga airstrikes sa Lebanon.
06:48Sa unang pagkakataon mula ng mapagkasunduan ng ceasefire noong Abril,
06:53inatake ng Israel ang southern suburbs ng Beirut para punteriyahin ang isang commander ng grupong Hezbollah.
06:59Lima ang patay sa isa sa mga airstrikes.
07:02Dati nang inakusahan ng Israel at Hezbollah na isa't isa ng paglabag sa tiging putukan.
07:08Ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
07:12Ibinasunan ng Quezon City Regional Trial Court, Branch 81,
07:16ang petisyon para ipatigil ang impeachment proceedings sa camera laban kay Vice President Sara Duterte.
07:22Ang asawa ni Vice President Duterte na si 2nd Gentleman Manasas Carpio ang naghain ng petisyon.
07:28Sa desisyon, sinabi ng korte na hindi ito maaaring mahimasok sa ginagawa ng camera
07:33na alamin kung may sapat na batayan para litisin ang impeachment complaint.
07:36Ito raw ay tungkulin ng mababang kapulungan na nakapaloob sa saligang batas.
07:42Ang camera rin daw ay isang co-equal branch ng hudikatura
07:46kaya dapat daw sa Supreme Court inihain ang petisyon.
07:49Kaya hindi pinagbigyan ng korte ang Petition for Prohibitioning Carpio
07:53dahil sa lack of jurisdiction.
07:55Hindi rin pinagbigyan ang hiningi niyang writ of preliminary injunction.
08:01Dumating na po sa Cebu ang lahat ng mga pinuno
08:04at kinatawa ng lebingsang miyembro ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations.
08:09Pinulong po ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga leader ng Kamboja at Thailand
08:13kag-nay sa sigalot sa dalawang bansa dahil sa agawan sa teritoryo.
08:18Saksi si Ivan Mayrina.
08:23Bilang ASEAN Chair ngayong taon,
08:25ipinatawag ni Pangulong Bongbong Marcos ang trilateral meeting na ito.
08:28Kasama si na Thai Prime Minister Anutin Charn Bin Rakul at Cambodian Prime Minister Hon Manet.
08:34Simula kasi noong nakarang taon,
08:36humantong na sa makbakan ang agawan sa teritoryo ng Thailand at Cambodia
08:39na naauwi sa pagkamatay ng daan-daang tao
08:42at sa pinitang paglilikas ng libu-limong residente.
08:45Matapos ang pulong,
08:47nagkasundong dalawang leader na pahupain ng tensyon
08:49at maghanap ng mga pamamaraan para sa pamatagalang kapayapaan.
08:53Inatasan ang mga foreign affairs ministers nila
08:55na paitingin ng kooperasyon at maghanap ng mga kongkreto
08:58at praktikal na paraan tungo sa kapayapaan.
09:01The Philippines approached this dialogue with utmost respect for both countries,
09:06guided by ASEAN's fundamental principles of respect for sovereignty,
09:11non-interference, and a peaceful settlement of disputes.
09:15Our discussions focus on de-escalations and trust-building measures
09:20to restore and consolidate a functioning framework
09:23for lasting peace and renormalized relations.
09:28Today, we have taken a major step.
09:31I am confident that with resolve, determination, and sincerity on both sides,
09:38we can advance the pursuit of peace for our two countries and for the region as a whole.
09:45Mahalaga ang resulta nito,
09:46lalo't ang kooperasyon at pagtutulungan ng ASEAN bilang isang regional bloc
09:49ang isinusulong para sa mas efektibong pagtugon ng mga miyembro nito
09:53sa epekto ng gyera sa Middle East.
09:56Ang trilateral meeting kabilang sa sideline meetings para sa 48th ASEAN Summit.
10:01Nakipagpulong din si Pangulong Marcos kay Vietnamese Prime Minister Le Minh Ho.
10:05Nagkasundo sila magtatag ng pangmatagalang rice trade mechanisms
10:09na titiyak sa supply ng pagkain ng Pilipinas at Vietnam.
10:13Napag-usapan din ang kooperasyon sa pagsawata sa transnational crime
10:17kabilang ang mga scam hub at human trafficking
10:19at ang pagtutulungan para isuluan turismo.
10:24Naganap din ngayong hapon ang pulong ng BIMP Iaga,
10:27Obrunay de Rosalam, Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area,
10:31isang matatawag na sub-region sa ASEAN
10:33na layong paunlarin ng ilang remote area
10:36ng mga nasabing bansa sa larangan ng agrikultura, turismo at edukasyon.
10:40Today's discussions highlight key milestone programs and projects
10:45that are already making a big difference in our communities,
10:49creating livelihoods, strengthening connectivity,
10:53and expanding opportunities, especially in the sub-region's growth areas.
10:58Bukas naman ang kabilang sa pag-uusapan nila sa summit dito
11:02ang energy security, food security, at kaligtasan ng mga mamamayan ng Southeast Asia.
11:08Partikular na pagtutuunan ng atensyon at tugon ng mga member ng ASEAN
11:11sa efekto ng tensyon sa Middle East.
11:14Nauna rito, naglabas ang pahayagang ASEAN bilang isang regional block
11:17para sa agarang pagtigil ng karahasan sa Middle East.
11:21We urge all parties in the Middle East to continue negotiations
11:24that will lead to the permanent end of the conflict
11:27affecting the lives of millions of people across ASEAN.
11:32Ako si Iban, may rinangin yung saksi.
11:35Pusibeng ngayong weekend, pumasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility
11:38ang bagyong may international name na Hagupit.
11:41Ayon po yan sa pag-asa.
11:42At kung sakali, ay tatawag nitong Bagyong Kaloy.
11:47Kuli po itong namataan, may 1,800 kilometers,
11:50sila nga ng Northeastern Mindanao.
11:53Patuloy na binabantayan kung tatama ito sa kalupaan.
11:56Ayon din po sa pag-asa, nalusaw na ang binabantayang low-pressure area sa loob ng PAR.
12:02Patuloy naman ang pag-iral ng Easter Leagues sa ilang bahagi ng bansa.
12:05Base po sa datos ng Metro Weather, may mga pag-ulan sa Palawan
12:09at ilang bahagi ng Mindanao bukas ng umaga.
12:12Sa hapon, asahan din ang kalat-kalat na ulan sa Hilaga at Gitang Luzon,
12:15Chasm Province at iba pang bahagi ng Mimaropa,
12:18gaya din sa Bicol Region.
12:20Uulanin din ang malaking bahagi ng Mindanao at ilang lugar sa Visayas.
12:25Magiging mainit pa rin sa Metro Manila,
12:26pero hindi inaalis ang tsansa ng localized thunderstorms.
12:36Matapos koronahang Miss Universe Philippines 2026,
12:40abala ngayon si Bea Milian Windorsky sa pagsusulong ng kanyang mga advokasiya.
12:45Ipinakilala naman ang dalawang magiging bahagi ng bagong clash panel para sa The Clash Team.
12:51Narito ang showbiz sexy ni Aubrey Caramper.
12:58Fresh Face, top-tier Gen Z performer.
13:01Meet Jillian Ward, ang pinakabagong clash panel na kikilati sa Gen Z clashers para sa The Clash Team.
13:09Medyo unconventional sa tingin na iba mga tao.
13:14Pero kasi po, well, for me kasi tinitinang ko yung mga contestants not just as singers but as storytellers.
13:25And ako po, since I started working very young in the industry, 5 years old pa lang po ako,
13:31nagkukwento na ako sa mga tao through my shows or my performances,
13:35yung po ang tinitinang ko sa mga contestants.
13:38Kung may bago, meron namang nagbabalik.
13:41Pero hindi na bilang contestant.
13:43Dahil bahagi na rin siya ng clash panel.
13:46Ang BGYO member na si JL Toreliza.
13:49Super hirap kasi alam ko yung feeling ng mga contestants once na kapag gina-judge nila.
13:58So, mas nagiging careful ako sa mga sinasabi ko kasi naranasan ko na talaga yun.
14:05So, ayokong maka-affect yung mga sinasabi ko na dadali nila hanggang sa pag-uwi.
14:10Gusto ko may mapupulot pa din sila sa mga sinasabi ko.
14:14Makakasama ng dalawang Gen Z judges, si Christian Bautista,
14:18na handa ng makilala at pulsoan ang Gen Z clashers.
14:23This is a different kind of the clash kasi nga clash teens.
14:28And I'm so excited to really listen and feel the energy of this generation.
14:36Na talagang, I want to know kung ano yung dreams nila,
14:39kung ano yung mga fears nila, kung ano yung mga goals nila.
14:43At gagawin namin ang best namin kung paano namin sila matulungan.
14:47Ilang araw makalipas ang Miss Universe Philippines Coronation Night.
14:51Nasa Cloud 9 pa rin si Bea Milian Windorski.
14:55Miss Universe Philippines 2026 is...
15:00Miss Lourneau!
15:03Abala siya ngayon sa kabi-kabilang guestings.
15:05Para sa beauty queen, pagkakataon din ito para maisulong ang kanyang mga advocacy.
15:11Continue promoting the rights of OFWs, protection for our environment,
15:15and increasing equality for our trans brothers and sisters is really what makes me continue on this journey.
15:22Laking Amerika man si Bea. Proud Pinoy rao siya.
15:25At the end of the day, this journey has been just about being enough for myself
15:29and enough for the communities that I want to support.
15:33Pagtitiyak niya.
15:34Ibibigay niya ang kanyang best para sa 75th Miss Universe na gaganapin sa Puerto Rico.
15:40Ako, si Obri Carampel, ang inyong saksi.
15:46Ako, si Obri Carampel, ang inyong saksi.
Comments