00:00Inimbestigahan ng mga otoridad kung ang mababang pagkakabit ng kable
00:04ang dahilan ng pagsabit ng mixer truck at pagtumba ng poste sa Pasig nitong Martes.
00:09Hindi pa rin na ibabalik ang internet connection sa ilang bahay at establishment roon dahil sa nangyari.
00:15May unang balita si Darlene Kai.
00:20Biglang napatigil ang trailer truck na yan nang sumabit sa mga kable
00:24sa Sandoval Avenue, Barangay Pinagbuhatan, Pasig City, Tanghali noong Martes.
00:28Kita pa ang pagalog ng mga kable sa paligid.
00:32Nakadaan naman ang trailer truck pero makalipas ang tatlong oras,
00:36dumaan ang isang cement mixer truck.
00:38Hindi na nahagip sa CCTV ang sumunod na nangyari.
00:41Pero kita ang pagalog ng mga kable sabay naputol na ang video.
00:45Sumabit ang mixer truck sa mga kable kaya tuluyang natumba ang isang poste.
00:51Nagkaroon ng problema sa kuryente pero naibalik na ito.
00:54Pero tatlong araw ng problema ng mga bahay at establishment sa Sandoval Avenue
00:58ang kawalan ng internet connection.
01:00Tulad sa printing shop na pinagtatrabahuhan ni Monique,
01:03isa't kalahating araw pa silang nawala ng paso kaya bawas din daw ang sweldo.
01:08Sobrang hustle po kasi unang-una, hindi namin na-update ang customer namin.
01:13Yung iba po nag-refund po.
01:15Yung iba naman nakaintindi kasi since emergency naman.
01:18May mga kaunina ng telephone company na nagkukumpuni sa lugar.
01:22Sinusubukan pa ng GMA News na kunin ang opisyal na panig ng telco
01:25pero sabi ng mga nakausap naming kaunina tumangging magbigay ng pahayag sa harap ng kamera,
01:30target daw nilang tapusin ang lahat ng repairs.
01:33Ayon sa mga opisyal ng barangay pinagbuhatan,
01:36higit sampu na lang daw ang mga bahay at establishmentong nag-report sa kanila
01:39na wala pa rin internet connection.
01:42Iniimbisigahan na raw ng mga otoridad kung sala sa labat o mababang pagkakabit ng mga kable
01:46ang dahilan ng insidente.
01:48Hindi muna tayo magbibigay ng mga permit para sa mga telcos
01:54unless na tatanggalin nila yung mga lumang kable.
01:59Makikipag-ugnayan din po kami sa PASIG LGU
02:04siyempre para po mas mapadali po yung aming coordination
02:09para sa mga issue ng mga mabababang linya po ng kawad dito sa amin.
02:16Ito ang unang balita.
02:18Darlene Kai, GMA News.
Comments