Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po, Luzon Resales at Mindanao.
00:04Arestado ang internet personality at founder ng digital platform na Peanut Gallery Media Network o PGMN na si Franco Mabanta.
00:15Dahil yan sa umano'y tangkang pangingikil kay dotting house speaker Martin Romualdez.
00:20Huli rin ang apat na iba pa sa panghihingi umano ng 300 milyong piso kay Romualdez
00:26kapalit ng hindi paglalabas ng isang video laban sa kongresista.
00:32At nakatutok live si John Consulta.
00:35John!
00:38Mel Vicky bumagsak ka sa kamay ng National Bureau of Investigation sa kanilang intrapid operation ang limang lalaki.
00:44Kabila nga dyan si Franco Mabanta ang CEO at founder ng PGMN.
00:49Matapos nga nga masangkot sa tangka umanong pangingikil kay dating house speaker Martin Romualdez.
00:58Sa surveillance video ng National Bureau of Investigation o NBI na ekskosibong nakuha ng GMA News,
01:05makikita ang kausap kagabi ng isang undercover agent ng NBI si Franco Mabanta,
01:10founder ng Peanut Gallery Media Network o PGMN,
01:15isang digital platform na naglalabas ng mga komentaryo tungkol sa politika at balita.
01:19Ayon sa NBI, inireklamo si Mabanta ng pangingikil kay dating speaker Martin Romualdez.
01:26Ang pagkakaalam ni Mabanta, staff ng kongresista ang kanyang kausap.
01:31Dala ng undercover agent sa isang hotel sa Makati ang isang duffel bag na may laman umanong pera para ibigay
01:37kay Mabanta.
01:38Pero di tinanggap ni Mabanta ang duffel bag at sinabing dalhin na lang ito sa isang country club sa Pasig
01:44at ibigay sa dalawang nalaking naka-face mask.
01:47Pagdating sa country club, iniabot ng isang grupo ng undercover NBI agents ang tatlong maleta at isang duffel bag.
01:55Ang usapan, laman ng mga maleta at bag ang halagang 75 million pesos na kinikigil umano kay Romualdez.
02:02Pinasok ng dalawang naka-face mask ang mga maleta at bag sa country club
02:06at itiniretso sa isang kwarto kung nasaan si Mabanta.
02:10Pagkakuha ng hudyat, pinasok ng NBI ang function room na inupahan ng mga suspect.
02:21Nung umpisa, tumangi magbigay ng totoong pangalan ang dalawang iniresto.
02:38Kaya napilitan silang magpakilala.
02:45Arestado si Mabanta at apatatakuan ng PGMN.
02:48We have to release him kasi nga hindi niya, at that time hindi niya tinanggap yung pera.
02:53So binitawan namin siya and ikaroon kami ng tailing and surveillance.
02:57So sinundan nyo namin until sa time na ma-identify namin yung exact unit kung saan din nila yung pera.
03:02And to our surprise, nandun din po yung subject si Mr. Franco na siyang kausap namin doon sa hotel sa
03:07Makati.
03:08Based on the complaint, meron ng initial talks since a year ago,
03:15pero nabuhay lang siya ulit.
03:18Two weeks ago, it ballooned to P350 million pesos.
03:23So meron pang mga usap-usap.
03:28At ang final demand is take it or leave it P300 million pesos.
03:34Until umabot tayo sa entrapment, nag-demand sila ng four tranches.
03:39So yung four tranches is consisting of P75 million per tranche.
03:43Mga kapuso, matapos nga ma-arresto itong mga dalaking ito, no?
03:48Dito naman, sa abad ng likuran, ay nakita natin dito yung mismong maleta na dala ng undercover ng NBI.
04:00So ito nga mga kapuso, kikita natin, no?
04:03Ito yung budol money, no?
04:06Na pinrepair ng NBI at dalawang maleta.
04:11Ah, tatlo, tatlong maleta.
04:12Isa, dalawa, tatlo.
04:14Pero dito sa lugar na pinupahan ng mga sasarik mga kapuso,
04:19kapansin-pansin na merong nakaredy, na merong tatlong maleta pa.
04:23Isa, dalawa, tatlo.
04:28At paniwala ng NBI ay ililipat dito yung pera na dapat tayo makukuha.
04:35Ayon sa NBI, di naging madali ang paghuli sa grupo
04:38dahil sa iba-ibang tao na pinapakausap sa kanila at palipat-lipat na lugar ng meet-up.
04:44It will still be an ongoing investigation kasi it's the, yung PGMN,
04:48yung peanut gallery media network yung involved dito.
04:51So we will look into yung mga telepono and accounts, social media.
04:59There are several social media accounts that was mentioned and linked to PGMN, no?
05:04Nang kunin namin ang panig ni Babanta sa pagkaka-aresto sa kanya.
05:09Is there true three allegations?
05:11Kaya na po ay nag-i-extort daw po kayo?
05:13Nope, it's not true. We didn't extort anybody.
05:15And then, no more comment after that.
05:16Okay. From speaker, Ramalda's daw, sir?
05:19No, we definitely didn't extort speaker Ramalda's.
05:22Hindi po totoo yun?
05:23No, it's not true.
05:25Bakit po may mga pera, sir?
05:26I'll wait for my lawyers.
05:29Kanina, na-inquest na si Babanta at kanyang mga kasamahan sa reklamong robbery extortion.
05:34Ayon sa NBI, meron pang ibang personalidad ng PGMN ang iniimbisigahan ng NBI.
05:46Sa mga oras nito, Vicky, patuloy tayo nag-aantabay.
05:49Tapos nga nga itong inquest,
05:52kung sila nga ba ay inilipat o mananatili dito sa NBI Pasay
05:56or ina-transfer na Vicky,
05:58dito sa mga bahagi ng muting lupa sa NBI Detentional Facility.
06:01Yan ang litas mo narito sa NBI Headquarters sa Pasay City.
06:03Balik sa'yo, Vicky.
06:04Maraming salamat sa'yo, John Consulta.
06:08Pinabulaan na naman ni Franco Mabanta ang aligasyong panginikil.
06:12Sabay din, inusente at na-set up lang sila.
06:16Ang palasyo, nagpakita naman ang larawan ni Mabanta.
06:20Kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
06:23Nakatutok si Ivan Mayrina.
06:27Inusente sila at na-set up.
06:29Gait yan ni Franco Mabanta sa isang post ng Peanut Gallery Media Network o PGMN.
06:34Matapos siyang maaresto kasama ng apat na iba pa
06:36para sa panginikil umano kay late 1st District Representative Martin Romualdez.
06:41Sabi sa post, wala umanong nangyaring panginikil o pagmabanta.
06:46Kalokohan umanong lahat.
06:47Ang ebidensya umano ng NBI ay nagpapakita lang ng isang bahagi na nangyaring.
06:52Wala umanong ginawang krimen ang PGMN at mapapatunayan daw nila ito.
06:57Ayon pa sa pahayag, limang buwan silang nag-research sa anilay katiwalian ni Romualdez.
07:01Noong house speaker pa siya.
07:03Tinawag ni Mabanta na devastating o nakapanlulumo ang kanilang mga nakalap.
07:08Isa na umano itong video episode na ilang linggo nang na-shoot, na-edit,
07:11may ebidensya at handa nang i-release.
07:14Kaya umano nangyari ang pag-aresto.
07:16Bago nito ay binalaan na umano sila ng ilang makapangirihang kaibigan
07:19na nasa alanganin ang kanilang kaligtasan.
07:23May mga binilina na rin umano siya na kung may mangyari sa kanila
07:26ay ilabas na ang anilay isa't kalahating oras na expose.
07:30Wala pang tugon ng NBI sa aligasyon na set up ang nangyari.
07:34Habang ang palasyo,
07:35Iginiit na dapat may due process pa rin.
07:38Ang naisa man po ng Pangulo sa lahat ng pagkakataon,
07:41managot at dapat na managot.
07:42Kung mayroon po silang dapat na panagutan,
07:44kung mayroon po silang ginawang krimen,
07:46dapat lamang po nilang itong panagutan.
07:49Pero definitely, kailangan po ng due process sa lahat ng bagay.
07:52Si Mabanta ay kilalang social media personality at political content creator.
07:56Sa isang Facebook post noong taong 2019,
07:58sinabi niyang siya ang chief social media director sa kampanya ni Bongbong Marcos
08:02nang tumatakbo ito sa pagkabisi-presidente noong 2016.
08:06May naunang post naman siya noong 2018
08:09tungkol sa shoot para sa dokumentaryong The Duterte Phenomenon.
08:13Kapwa may mga pagbati siya sa Pangulo at sa bisi-presidente sa ilan niyang post.
08:182024 naman ay itatag niya ang PGMN,
08:20isang digital media platform.
08:22At nang tanongin ng palasyo kung may kaundayan o relasyon ba si Pangulong Bongbong Marcos Kimabanta.
08:27Hindi po siya kaibigan ng Pangulo,
08:29pero siguro mas nanaisip ko po kung ito po ang inyong itatanong
08:33dahil ito po ay mismong pinos ni Franco Mabanta.
08:40Baka ito po ang itanong niyo kung ano po ang relasyon niya sa mga Duterte.
08:51Nandiyan pa nga po si Harry Rocky.
08:54Kayo po ang magtanong sa kanya.
08:55Lalong-lalo na po, marami naman po yata siya na features sa kanyang mga articles
09:00na halos ay kumakalaban sa administrasya.
09:04Ivan, may rin na nakatutok, 24 oras.
09:09Hanggang ngayon naman ay hindi pa naglalabas ng pahayag si dating house speaker Martin Romualdez.
09:15Sinubukan po namin siyang kuna ng reaksyon pero wala silang tugon sa GMA News.
09:21Babala po, sensitibo ang sunod naming iuulat.
09:25Halos pitong minutong pinaulana ng suntok, sinakal at iniuntog sa sahig ang isang babae sa Quezon City.
09:32Sa kamay po yan ng dati umano niyang live-in partner at nahuli kami yan at tinutukan ni June Veneracion.
09:43Habang nakabantay sa kanyang butik sa barangay Bahay Toro, Quezon City kahapon ng tanghali,
09:48bigla na lang may sumugod sa babaeng itatago namin sa pangalang Sally.
09:52Ang lalaking nakamaskara at wig.
09:56Dinambahan ng biktima at saka walang awang nagpaula ng suntok sa loob ng pitong minuto.
10:03Sinakal at binalutan pa ng damit ang kanyang muka.
10:08Grabe yung gigil niya, yung pagtakip niya sa mukha ko.
10:14May tali po kasi yung jogging pants na tinatakip niya sa mukha ko.
10:21So yun po yung pinatali niya.
10:24Habang nakadapa, maka ilang beses pa raw inihampas ng lalaki ang ulo ng biktima sa simentong sahig.
10:31Dito nagulat siya nang malaman kung sino ang nananakit sa kanya.
10:35Siya pa walang salita, wala pong salita.
10:39Tuloy-tuloy lang po yung suntok niya sa ulo ko, dito sa mukha.
10:43Hindi ko alam kung nahirapan na siya humiha.
10:46Tinanggal niya po yung maskara niya.
10:49Doon ko nakita siya talaga yun, yung ex-live-in partner ko po.
10:55Kinilala ng biktima ang nanakit sa kanya na si Joel Tan.
10:58Wala rin siyang maisip na dahilan kung bakit nagawa siyang sakta ng dating nobyo.
11:03Dahil maayos umano silang naghiwalay, Agosto nung nakarang taon.
11:09Natigil lang ang pananakit nang nawalan ng balanse ang ex-boyfriend.
11:12Kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para tumakas.
11:18Tuloy mo!
11:19Tuloy mo!
11:21Tuloy mo!
11:22Kasual na naglakad ang sospek papasok ng kotse sa baitakas.
11:27Mga bukol sa ulo, black eye at mga pasasakatawan ang inabot ng biktima.
11:32Dito sa loob ng butik ng biktima, nakakalat pa rin yung mga gamit at iba pang damit.
11:37Dahil sa kaguluhan kahapon, pakiramdam ng biktima ay balak talaga siyang patayin ang kanyang ex.
11:43Dahil diyan, disidido siyang mapanagot ito sa batas.
11:47Kasama ang mga polis, nagsampa ang biktima ng reklamang paglabag sa Violence Against Women and Their Children Act sa Quezon
11:55City Prosecutor's Office.
11:57Sinubukan naming kontakin ang sospek sa kanyang social media account, pero wala pa siyang sagot.
12:02Gusto ko lang po pagbayaran niya yung ginawa niya sa akin.
12:06Di ko maisip bakit niya ako gusto patayin.
12:11Patuloy na pinagahanap ang sospek.
12:13Wala ko lang!
12:18At sakaling makaranas din kayo ng pang-aabuso, huwag mangiming magsumbong sa PNP Women and Children Protection Center.
12:27Maaring bisitahin ang kanilang Facebook page o tumawag o magpadala ng mensahe sa mga numero sa inyong screen.
12:35O di kaya i-dial ang 911 hotline.
12:38Maari ring makipag-ugnayan sa crisis hotline ng National Center for Mental Health.
12:45Nalapnos ang dalawang estudyante sa Dasmarinas Cavite at kinailangang operahan.
12:51Nasa buyan kasi sila ng ethanol sa kanilang school laboratory.
12:57Nakatutok si Oscar Oida.
13:02Binendahan ang muka ng pharmacy student na ito sa at hindi ng tinamong lapnos sa balat.
13:08Ganyan din halos ang nangyari sa kanyang kaklase.
13:11Kabwa sila na disgrasya sa laboratorio ng pinapasukang Emilio Aguinaldo College sa Dasmarinas Cavite nitong lunes.
13:18Kinailangan silang operahan kanina at nagpapagaling sa ospital.
13:23Kwento ng kanilang mga magulang, may aktibidad ang magkaklase ng sumaboy ang etanol na gamit nila.
13:30Aksidente na sunog habang nagkakandak ng laboratory sa Emilio Aguinaldo College.
13:38At doon ko nga nakita ang anak ko na yung itsura niya, nasunog siya.
13:43Masakit siyempre makita mo yung anak mo na gano'n yung itsura niya.
13:47Dahil sa tindi ng tinamon ng magkaklase, gusto raw ng kanilang magulang na may managot sa insidente.
13:54Pinagtataka namin, wala man lang silang police report o any statement.
13:58Wala pong gano'n na pinakita sa amin o sinabi na mayroon sila.
14:03Dapat din aninang tulungan sila ng mga kinaukulan sa mga gasto sa pagpapagamot sa dalawang biktima.
14:09Ang gusto lang namin yung mula ngayon hanggang sa yung treatment ba na ibibigay nila para sa mga anak namin
14:18hanggang sa dulo po na mayroong kaming assurance na talagang may ibibigay nila sa amin.
14:25Sinadya naman namin ang Emilio Aguinaldo College kung saan nangyari ang insidente para hingan sana sila ng pahayag.
14:31Pero ayon sa humarap sa amin, walang otorizado sa kanila na magsalita sa ngayon.
14:36Pero babalikan na nila kami sa oras na magkaroon sila ng opisyal na pahayag ukol sa insidente sa lab.
14:44Oscar Oida, nakatutok! 24 oras!
14:48Hindi patas para kay Vice President Sara Duterte ang pagdawit sa kanyang pamilya sa isinasagawang impeachment proceedings sa Kongreso.
14:56Hindi rin niya ipinaalam ang bagong reklamo laban sa kanya sa amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang pinisita.
15:04At nakatutok si Marisol Abduraman.
15:10Pumalag si Vice President Sara Duterte sa pagdawit sa kanyang pamilya sa isinasagawang impeachment proceedings sa Kongreso.
15:17I think it's unfair dahil hindi naman sila Vice President and hindi naman sila ini-impeach.
15:26And tulad ng mga asawa at mga anak din ng mga congressman, they have the right to privacy, being ordinary
15:35individuals and private citizens.
15:38Matatandaang sa pagdinig ng House Committee on Justice, inungkat ang mga bank transactions di lamang ng Vice, kundi ang kanyang
15:45asawang si Manasis Carpio.
15:47Tugo ng kumite, isinama nila si Carpio dahil kasama siya sa isinmiti ng Vice na SAL-N, o Statement of
15:53Assets, Liabilities and Net Worth.
15:55Hindi po kasalanan namin yan na ganun ang kinalalabasan.
15:59Na syempre, nung tinignan na yung sa AMLOC records and then sa SAL-N, because you know these are the
16:07joint SAL-N of the husband and wife,
16:10and then hindi namin kasalanan yun na ganun ang lumabas sa 6.7 billion, 4 point something billion inflows ng
16:18pera sa mga accounts nila.
16:22Nasa The Hague, Netherlands ang Vice at dinalaw ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
16:27Pero hindi raw niya ipinalampas sa ama na may panibagong impeachment complaints siyang hinaharap.
16:32Hindi na niya kailangan malaman ang mga ganyan na klase na bad news.
16:38Kasi wala din naman yung value sa kanya.
16:42Tapos mag-overthink siya.
16:45Dapat yung maaalala niya at naiisip niya ay yung mga masasayang bagay.
16:49At ang pananaw daw niya sa possibility na ma-impeach siya.
16:53Base din sa discussion namin kanina ni Pangulong Duterte, lahat ng mga nangyayari sa buhay ng isang tao ay sinulat
17:03yan ng Diyos.
17:05So kung ma-impeach ako, yan ay sinulat na ng Diyos. Hindi man ako ma-impeach.
17:14Sabi ni VP, ang kanyang biyahe ngayon sa ibang bansa ay nakalaan sa pagbisita sa ama na si dating Pangulong
17:21Rodrigo Duterte na nasa detention facility pa rin sa ICC.
17:26Marisol Abduraman. Nakatuto, 24 oras.
17:30Pinag-aaralan na ng Energy Regulatory Commission o ERC na ihinto ang ilang singil sa electric bill na pinapasa sa
17:40mga consumer.
17:41Bukod pa yan, sa naunang anunsyo, naihinto ang pagputol sa kuryente ng mga di makabayad at pag-alok ng installment
17:49na bayad sa mga mababa ang konsumo.
17:52Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
17:58Mainit at bahagyang madilim sa karinderya ni Aling Lina sa Maynila.
18:02Tinitipid niya kasi ang konsumo ng kuryente para sa kanilang kabuhayan at para sa personal na gamit ng pamilya na
18:09doon din nakatira.
18:10Hindi sapat, nangiram din po ako pangbayad. Siyempre kapag hindi mo bayaran, di putulan ka.
18:18Ang kalagayan ni Aling Lina sumasalamin sa buhay ng maraming Pilipino na aharap sa pagmahal ng mga bilihin at servisyo
18:26kabilang ang petrolyo at kuryente.
18:29Para makatulong sa ating mga kababayan, iniutos ng Energy Regulatory Commission sa lahat ng distribution utilities na huwag munang magputol
18:38ng kuryente sa mga residential at non-residential consumer na hindi makakabayad ng bill mula Mayo hanggang Hulyo.
18:46Pwede rin utay-utayin hanggang tatlong buwan ang bayad sa bill kung ang konsumo ay hindi lalagpa sa 200 kilowatt
18:54hour kada buwan.
18:56Sa kasalukuyang rate, katumbas yan ng kulang-kulang 3,000 pesos kada buwan.
19:01Hindi napasok dyan si Aling Lina pero kahit pa qualified, ayaw niyang mag-installment na bayad.
19:07Ay, pumunan lang ako eh. Gusto kong bayaran ko na lang lahat.
19:12Sa ano mas maganda solusyon ho sa problema natin sa mataas na kuryente?
19:16Ibaba ang kuryente para mas mababa yung babayaran.
19:20Aminado naman ang ERC na pansamantalang remedyo lang ito.
19:25Pinag-aaralan rin daw nila ang hiling na ihinto muna ang Green Energy Auction Allowance at Feed-In Tariff Allowance
19:32na kapwa ay pinapasa sa consumer para suportahan ang renewable energy.
19:38Pagdating sa JIA allowance, pinag-aaralan na namin kung may sasapat ng pambayad.
19:44Kung pwedeng ihinto muna ang pang-mulekta at ituloy na lang sa mga susunod na buwan kung matapos na nga
19:54itong krisis.
19:55At kung gagawin ito ay kung sasapat pa rin ang pambayad sa mga renewable energy companies na entitled naman sa
20:03kabayaran para sa kanilang taripa na ginagarantihan ng gobyerno.
20:09Sa isang pahayag, sinabi ng Meralco na susunod sila sa direktibang itigil muna ang disconnection activities para sa billing period
20:17ng May hanggang July.
20:19Maari rin daw mag-request ang customers ng Meralco ng flexible payment.
20:23Sandra Aguinaldo Nakatutok, 24 Horas.
20:28Nabawasan itong Marso ang mga Pilipinong walang trabaho.
20:32Batay po sa latest Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority o PSA,
20:372,058,000 ang unemployed nitong Marso.
20:42Mas konti po yan sa 2,066,000 unemployed noong Pebrero.
20:49Sa kabila niyan, bumaba rin ang bilang ng mga may trabaho sa halos 49.1 million nitong Marso mula sa
20:5749.43 million noong Pebrero.
21:01Nabawasan din kasi nitong Marso ang bilang ng mga Pilipinong kabilang sa Labor Force o yung edad labing lima pataas
21:08na may trabaho,
21:09naghahanap ng trabaho o naghihintay na matanggap sa trabaho.
21:14Naitala ang bilang na yan sa 51.65 million na mas mababa sa lagpas 52 million na labor force population
21:22noong February 2026.
21:27Happy midweek, chikahan mga kapuso!
21:30Nakita tayo na sa Antipolo ang ilang sparkle stars sa pagsisimula ng month-long celebration ng Cityhood Anniversary at kanilang
21:37Maytime Festival.
21:38Ang masayang pagdiriwang sa report ni Diane Locleano ng GMA Regional TV.
21:46Sabi nga sa kanilang kanta, tayo na sa Antipolo.
21:50Dahil doon, makikita ang mapanghalinang tanawing kay ganda.
21:55Pero di lang yan ang binabalik-balikan dahil perfect mix din ang pananampalataya, kultura at ang kasaysayan ng lungsod.
22:04Ngayong taon nga, mas naging extra special ang selebrasyon dahil first time na pinagsama ang Cityhood Anniversary at Maytime Festival
22:13sa isang month-long celebration.
22:17Isa sa highlight, ang Grand Parade kung saan may street dancing.
22:25Float Competition at Grand Salvo.
22:31Pinasaya pa yung lalo ng cast ng Afternoon Prime series na Born to Shine na sakay ng kapuso float.
22:38May hatid na performances si na Zephanie, Olive May, Gaya Misha, Naya Amby, Chloe Ridondo at Michael Sager.
22:47Bonus na kilig pa ang hatid ni na Sofia Pablo at Alan Ansay.
22:54Kasama rin nila si Kapuso ex-PBB Colab 2.0 housemate, Lee Victor.
23:01Bukod sa pagbisita sa dinarayong Antipolo Cathedral o ang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage.
23:10Ibinahagi rin ng kapuso stars ang kanilang personal experiences sa Antipolo.
23:16Kung gaano nila na-enjoy ang lugar at kung bakit special ito sa kanila.
23:22Coffee shops, restaurants, and before noong Christmas dito mismo sa City Hall ng Antipolo.
23:30Ako naman mga simbahan, especially ito Antipolo Cathedral.
23:33Iba pag Antipolo, iba yung vibes pag gabi, pag umaga, pag summer.
23:37Naalala ko noong pandemic. Pandemic po noon, pero pumunta ko ng Antipolo para mag-ATV.
23:43Siyempre talaga masarap dito yung mga food trip. Isa pa, mababait yung mga taa dito.
23:47Mula sa GMA Regional TV at GMA News, Diane Loquellano, Nakatutok 24 Horas.
Comments

Recommended