00:00On-going po ngayon ang press conference ng National Bureau of Investigation
00:04kaugnay sa isinagawan nilang intramid operation kagabi.
00:07Na-restorohon ang personality na si Franco Mabanta at iba pang dahil sa tangkaw mo ng pangingikil
00:12kay late and first week representative Martin Romualdez.
00:16Ang iba pang detalye, iahatid namin maya-maya lang.
00:22Pag may po sa paghina ng piso laban sa dolyar at sa naitalang 7.2 inflation rate nitong Abril,
00:28kausapin po natin si Dr. John Paolo Rivera,
00:32ang Senior Research Fellow ng Philippine Institute for Development Studies o PIDS.
00:36Magandang umaga at welcome po sa Maritang Halit.
00:38Ay, magandang umaga po at salamat sa pag-imbita sa amin dito.
00:41Papaano niyo po ilalarawan ang estado ng ating ekonomiya ngayong naitala nga po
00:45itong pinakamataas na inflation rate sa loob ng tatlong taon ayon sa Philippine Statistics Authority?
00:52So ang ating ekonomiya ngayon ay nakakarana sa mga tinatawag nating supply side shock
00:57na nanggagaling sa oil price shocks na mula sa tensyon sa gitnang silangan.
01:05So ang ekonomiya natin ngayon ay nakakaranas ng mga transport cost increases,
01:10ng pagbilis, ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pagkain,
01:13at ang paghina ng piso laban sa dolyar na nagpapalala ng ating tinatawag na import cost.
01:19So sa madaling salita, merong pressure na tumaas ang presyo ng mga bilihin sa darating ng mga buwan.
01:28Mas mataas yung inflation sa bottom 30% income household at nasa 8.5%.
01:35Sinasabi ko na talagang maraming nalilit to dyan.
01:38Kung maaari ko sana pakipaliwanag lang sa ating mga manonood ito.
01:42Sige, yung efekto kasi ng inflation o yung bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin,
01:46hindi kasi ito pantay sa bawat segment o bawat sangay ng ating lipunan.
01:52Lalo, ito ay mas tinatamaan nito yung mga nasa bottom 30%
01:57na mas mataas yung, mas mabilis yung pagtaas ng presyo sa kanila
02:00dahil ito ay relatibo sa kanilang kinikita.
02:03So kapag mahalang langis, tumataas ang pamasahe, tumataas ang presyo ng pagkain,
02:09na kanilang pangunahing, ito yung pinakakomponent ng kanilang budget.
02:14Kasi yung ating mga nasa bottom 30%, 60% to 70% ng kanilang budget
02:19ay nasa pamasahe, nasa pagkain.
02:21So kapag ito ay sabay-sabay na tumataas, sila talaga yung tumatanggap ng presyo
02:26o yung blow sa ekonomiya nitong inflation na ito.
02:29Sa inyo pong projection, hanggang kailan pa yung ganito pong sitwasyon sa inflation?
02:34Yung inflation po kasi nasa dabanggit ko nga kanina na ito ay tinatawag nating supply driven.
02:39So hanggat hindi gumagaan ang sitwasyon sa gitnang silangan,
02:43hanggat hindi natatapos yung gera sa lugar na yun,
02:46patuloy yung disruption sa pagdaloy ng supply ng langis sa ating bansa.
02:51E karamihan sa industriya dito sa ating bansa ay nakadepende sa langis.
02:55So hanggat hindi yun lumuluwag, may patuloy yung banta ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin
03:01sa mga susunod pa nating mga buwan hanggang siguro sa buong 2026.
03:05At ito pa yung issue ng patuloy po na paghina ng piso kontra dolyar.
03:11Ilang beses na hoon nag all-time low ang ating pera.
03:14Ano ho ang inyong nakikita dito? Ano pang projection natin dyan?
03:19Ang projection natin dito, kasi patuloy yung paglakas ng US Dollar globally,
03:24tapos yung global uncertainty pa natin, pinupwersa nito yung mga investor,
03:30yung mga tao na piliin ang US Dollar kumpara sa peso, kaya humihina ang ating piso.
03:36So hanggat patuloy itong kaguluhan sa ating international economy,
03:41ang preference would be sa US Dollar dahil ito ay tinatawag na safe haven kumpara sa piso.
03:46So hanggat hindi ito natatapos, patuloy ang banta sa paghina ng ating salapi,
03:52ka-activate na nito yung pressure sa ating inflation.
03:55At papaano nyo ikukumpara sa ibang currency sa Southeast Asia,
03:59yung paghina ng piso kontra dolyar naman?
04:01Ah, masasabi natin dyan, hindi ito purong domestic crisis.
04:07Hindi ito limitado lamang sa Pilipinas dahil karamihan sa mga emerging market,
04:12lalo na ating mga karatig bansa, ay nakakaranas din ng ganitong klaseng pressure.
04:17Dahil nga, tayo ay nasa isang integrated na ekonomiya, nasa global na ekonomiya,
04:21lahat tayo ay apektado.
04:23Depende na lamang ito kung sinong ekonomiya o sinong salapi,
04:27ang pinakamabilis noong paghina laban sa US Dollar.
04:30I see. At sa lagay po ng ating ekonomiya sa ngayon,
04:33kailangan na bang maging mas aktibo po ang ating gobyerno
04:36sa pagpapalakas ng piso kontra dolyar?
04:39Baka may mga sugestyon o hakbang na ho kayong gustong iparating sa kanila?
04:44Ang nire-recommenda po natin sa kadahilan na nga na hindi sapat
04:48ang epekto ng tinatawag nating monetary policy
04:51o yung paturi na pagbabago o pagtaas, pagbabahan ng ating interest rate
04:54na kinokontrol ng ating Bank of Central ng Pilipinas.
04:57Ang masabi po natin na kailangan po itong tulungan
05:00na tinatawag nating fiscal policy
05:02dahil ang paggalaw ng interest rate ng Bank of Central
05:06ay nagagalaw lamang niya, naapektuhan lamang niya yung demand.
05:10Pero kasi ang issue natin ngayon ay supply driven
05:13na maaaring magkaroon ng mga intervention mula sa ating pamahalaan
05:17katulad ng pagbibigay ng ayuda, pagbaba ng excise tax o ng BAT
05:22upang pansamantalang maibsan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin
05:26para sa mga bottom na 30% ng ating populasyon.
05:29Kapag ito po ay nagsabay, maaaring maibsan yung bigat
05:33na nararamdaman natin ngayon pagdating sa mga presyo ng bilihin.
05:36Maraming salamat po sa inyong oras na ibinahagi sa balitang hali, sir.
05:41Maraming salamat din po.
05:42Yan po naman si Philippine Institute for Development Studies Senior Research Fellow, Dr. John Paolo Rivera.
05:50Pitong bar associations mula sa iba't ibang bansa sa Southeast Asia
05:54ang nagtipon-tipon dito sa Pilipinas para sa tinatawag na ASEAN Bar Leaders Summit.
05:59Ayon, ka-Integrated Bar of the Philippines President Alan Panolong,
06:03layunin ang pagkitipo ng pagbuo ng draft constitution
06:06para sa isinusulong na ASEAN Federation of Bar Associations.
06:09Kapag daw nabuo yan, mas mapapadali ang kooperasyon at palitan ng kaalaman
06:14o knowledge sharing ng iba't ibang bar organizations sa Southeast Asia.
06:19Mas mapapadali rin daw ang paghingin ng legal assistance
06:21sakaling kailanganin ng mga Pinoy at iba pang Southeast Asians sa anumang ASEAN country.
06:28Dumalo rin sa pagtitipon si Chief Justice Alexander Gismundo
06:31na ibinahagi kung paano ginagamit ng hudikatura ang Artificial Intelligence o AI.
06:36Binigyan din ng Chief Justice na ang AI ay instrumento para mapabilis
06:41at mapabuti ang servisya ng hudikatura
06:44at hindi kapalit ng judging, reasoning, ethics at accountability
06:48na ginagamit sa pagpapasya sa mga kaso.
06:57Bumulag ang ahas na yan sa inidoro ng isang palikuran sa Don Salvador Benedicto Negros Occidental.
07:03Sa loob yan ay isang villa ng isang private resort doon.
07:06Ayon sa mga guest, may napansin silang lumalabas sa inidoro kaya sinungkit nila ito.
07:12Sumaklolo naman sa tawag nila ang mga taga Municipal Environment and Natural Resources Office.
07:17Nai-turnover na sa DNR ang ahas.
07:20Ayon sa pamunuan ng resort, posibli nang galing ang ahas sa mga puno sa labas
07:24at pumasok sa bintana ng villa.
07:26Wala namang nasaktang guest.
07:31Pinaka-inireklamong government agency ang Land Transportation Office nitong Marso
07:36ayon sa Anti-Red Tape Authority.
07:39Batay po sa datos ng ARTA,
07:41Mahigit isang daan at limampu ang natanggap nilang reklamo laban sa LTO.
07:46Dalampu rito ang aktibong kaso pa.
07:49Batid naman daw ng LTO ang report at sineseryoso raw nila ito.
07:53Madami raw talagang transaksyon sa LTO pero hindi raw ito excuse.
07:58May mga hakbang na raw silang ipinatutupad para mapabuti ang kanilang servisyo.
08:03Kasunod ng LTO, ang Bureau of Internal Revenue sa listahan na may halos siyam na pong reklamo.
08:09Sumusunod dito ang Food and Drug Administration, Land Registration Authority, at Philippine Statistics Authority.
08:17Kasama rin po sa top 10 ang Department of Education, National Telecommunications Commission,
08:22Department of Migrant Workers, Professional Regulations Commission,
08:27Department of Human Settlements and Urban Development, at Department of Science and Technology.
08:32Susubukan po namin silang kunan ng pahayag.
08:37Ito ang GMA Regional TV News.
08:43Nanakit sa loob ng modern jeep niyang isang lalaki sa Cagayan de Oro City.
08:48Nakunan po sa video ang panununtok ng lalaking nakakulay pink na jersey sa isang nasa may pintuan ng modern jeep.
08:57Pagkatapos po ay sinipa niya ang driver, kaya't napapreno bigla ang driver.
09:02Inawat po siya ng ilang pasahero habang patuloy na nakikipagsagutan sa driver.
09:07Maya-maya ay sinipa pa niya ang babaeng umaawat sa kanya.
09:11Base po sa imbisigasyon, isang tri-cab driver ang lalaking ng bugbog.
09:16Nagalit daw siya nang sumakay sa modern jeep ang kanyang pasahero.
09:19P50 pesos daw kasi ang kanyang siningil sa pasahero, habang P16 pesos lamang ang minimum fare sa modern jeep.
09:27Tukoy na raw ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng nanakit na lalaki na posibleng maharap sa reklamong serious physical injuries.
09:37Ito na ang mabibilis na balita.
09:45Huli ka ang paghabol ng gas attendant sa isang kotse na tumakas at hindi nagbayad matapos magpakarga sa gasolinahan sa
09:52barangay Bahay Toro, Quezon City.
09:54Base sa imbisigasyon, 1,500 ang ipinakarga ng driver.
09:59Matuloy pa ang pag-review ng Quezon City Police District sa mga CCTV footage para matukoy ang plaka ng kotse
10:05at ang driver nito na mahaharap sa reklamong theft.
10:12Bistado sa isang entrapment operation ng isang bagong tayong istablisymento sa Marasiki, Pangasinan na may signage na LTO office.
10:20Sumung kasi ng LTO Region 1 sa NBI, peking opisina ito at nag-ooperate ng dalawang buwan.
10:26Sa operasyon, bumungan sa mga otoridad ang mga pinayking rehistro, lisensya at forms ng LTO.
10:32Nakakuha rin sila ng mga peking dokumento at peking pera.
10:36Arestado sa operasyon ng isang suspect na naabutan sa nasabing opisina na mahaharap sa kaukulang reklamo.
10:42Itinanggi niya ang paratang.
10:47Arestado sa entrapment operation ang personality na si Franco Mabanta dahil sa tangkaw mo ng pangingikil
10:52kay late 1st District Representative Martin Romualdez.
10:56Ayon sa National Bureau of Investigation,
10:58pinagbabayad ni Mabanta si Romualdez kung kundi ay ilalabas daw ang mga video
11:03na magdidihin umano kay Romualdez sa isyo ng flood control.
11:07Noong nakarang taon pa lang daw,
11:09ay nagkaroon na ng pag-uusap ang dalawang panig hanggang lumaki
11:12ang napagkasunduan ng halaga ngayong taon sa 300 million pesos.
11:16Inirefer daw agad ito ng dating house speakers sa NBI
11:20at doon na isinagawa ang operasyon.
11:24Tauhan ng NBI ay nakipagkita sa mga tauhan ng Mabanta
11:26kung saan ibinigay ang tatlong maleta at dalawang duffel bag na may laman na 75 million pesos.
11:33Sabi ng NBI, 50,000 pesos lang dito ang totoong pera.
11:38Sinunda ng NBI ang kotse kung saan ininigay ang pera.
11:41Dumiretso ito sa isang subdivision kung saan naaresto si Mabanta at kanyang mga kasama.
11:45Sinusubukan pa namin silang kunan ng pahayag.
11:50Nagpapatuloy pa po ngayon ang press conference ng NBI, kaugnay rito.
11:55Bukod sa imported na bigas, pinag-aaralan din po ng Department of Agriculture
11:59na magtakda ng price cap sa carrots at liyempo.
12:03May ulit on the spot si Bernadette Reyes.
12:05Bernadette?
12:07Connie, magiging estrikto ang Department of Agriculture
12:10sa pagbuli ng mga lalabag sa price cap
12:12na 50 pesos kada kilo sa imported rice
12:15sa sandaling maipatupad na ito.
12:17Sa maximum suggested legal price daw kasi,
12:20hindi ito gaanong nasusunod
12:22dahil na rin sa pagsipa ng presyo ng langis sa world market
12:25na naka-apekto sa presyo ng mga bilihin.
12:29Samantala, ayon sa DAI, pinag-aaralan din daw nila
12:32ang pagtatakda ng price cap sa liyempo at carrots.
12:36P380 pesos sa kada kilo ng liyempo
12:38at P100 pesos naman sa kada kilo ng carrots.
12:41Sa ngayon ay umaabot ng P410 hanggang P420 pesos
12:45ang kada kilo ng liyempo
12:47dahil na rin marahil sa pagtaas ng input
12:49at sa pagtaas ng logistics cost.
12:52Ang carrots naman ay pabago-bago talaga ang presyo.
12:55Sabi ng mga nagtitinda sa Project 4 Public Market,
12:58mahirap daw ito kung wala namang mabibilahan
13:01ng mga suppliers sa mas mababang presyo.
13:03Maraming salamat, Bernadette Reyes.
13:11Live na nagpakita ang gila sa ngilang cast members
13:14ng GMA Afternoon Prime series na Born to Shine
13:17para sa album launch ng series.
13:31Kabilang sa mga nagperform sa GMA Grounds
13:34ang p-pop groups mula sa series na Yumi at Nixie.
13:38May solo performances din ang mga bida ng series
13:41na si na Michael Sager,
13:44Vina Morales,
13:46at Zephanie.
13:48Mga kapuso, available na ang Born to Shine album
13:51sa mga music streaming platform.
13:53Kwento ni na Zephanie at Michael sa inyong mare,
13:56masaya sila sa experience na ito.
14:01We're just so happy na may,
14:04na naggaroon po ng gantong effort yung show,
14:07yung production to produce these songs
14:09for all our supporters.
14:11Nakatuwa lang that, you know,
14:13we're able to bring our talents
14:14apart from the characters into real life.
14:17Isa-isang rumampa sa media launch
14:20ang cast members
14:21ng bagong GMA Prime series na The Master Cutter.
14:26Pinangunahan niya ni Ding Dong Dantes
14:28na very stylish sa red carpet.
14:31Gaganap siya sa serye bilang tailor o sastre
14:34at isa ring bounty hunter
14:36na Master of Disguises.
14:38Dumala rin sa media launch
14:41ang ilang sa cast members ng serye
14:42gaya nila Max Collins,
14:44Paolo Contis,
14:45Joe Berry at Shena Stevens.
14:48Narihan din sa media launch
14:49si Nashubi Etrata,
14:51Leo Loxin,
14:52Tonton Gutierrez,
14:53Charlie Fleming,
14:54Ketchup Eusebio,
14:56Polo Ravales,
14:57Anthony Constantino
14:59at Prince Carlos.
15:01Pati ang direktor ng serye
15:03na si Dominic Zapata.
15:05Full support din dyan
15:06ang ilang kapuso officers
15:07sa pangungunan ni Officer in Charge
15:09for GMA Entertainment Group,
15:11Cheryl Ching C.
15:12Matapos panuorin
15:14ng follow-tweak ng series,
15:15Game na Game Ring sumagot
15:17sa talkback session
15:18ang cast or production team
15:20ng serye.
15:22Mapanood ang Master Cutter
15:24sa Netflix
15:24simula May 8
15:25at sa May 11
15:27naman
15:27sa GMA.
15:31Iba yung landscape ngayon
15:33ng telebisyon,
15:33ng streaming,
15:34talagang marami ng options ngayon.
15:36Mahalagang magbigay ka rin
15:38ng something that's unique.
15:39Watching it,
15:40parang sabi ko,
15:41wow,
15:41parang hindi lang siya action,
15:43hindi lang siya
15:45spectacle,
15:46but grabe yung puso
15:48nung series.
15:49nung series.
15:50nung series.
Comments