- 22 hours ago
- #goodnews
Aired (April 25, 2026): Ang 25-anyos na content creator at bunso sa pamilya na si John Mark Suhayon mula sa Agusan del Norte, piniling pag-ipunan ang unang sofa ng kanilang pamilya imbes na unahin ang kanyang luho. Dahil dito, naantig ang isa niyang follower at tinulungan siya na makuha ito.
Ang tatay na mani vendor naman na si Crisanto, 'di naka-attend sa graduation ng anak dahil kinailangan niyang magtinda para may panghanda sila. Ang anak niya, sinundo siya at sinabitan siya ng medalya.
'Yan at ang iba pang #GoodNews, panoorin sa video.
Ang tatay na mani vendor naman na si Crisanto, 'di naka-attend sa graduation ng anak dahil kinailangan niyang magtinda para may panghanda sila. Ang anak niya, sinundo siya at sinabitan siya ng medalya.
'Yan at ang iba pang #GoodNews, panoorin sa video.
Category
đč
FunTranscript
00:05Mga bagong dinarayo sa Tondo, dito raw kasi ang P150 pesos mo, may half chicken na your choice of rice
00:13pa.
00:15Sino ba naman ang hindi mahahigh blood?
00:18Sa taas ng presyo ng gasolina, pamasahe, pagkain, at iba pang pangunahing bilihin.
00:27Pero teka,
00:30Saan itong kainan na ito?
00:32Na mula noon hanggang ngayon, anumang krisis ang tumama sa mundo?
00:36Hindi raw nagtataas ng kanilang presyo?
00:39Sa halagang P150 pesos kasi, makakakain ka na raw ng kalahating pritong manok na may kasama pang isang pinggang kanin
00:48of your choice.
00:49Yung P150 pesos mo, may kalahating crispy and juicy fried chicken ka na, may biryani rice ka pa, o di
00:55kaya naman ay yang chow rice.
00:57Aba teka, ang pa-blind item na yan, papatulan daw nitong ating bisita, na minsan na rin daw naging laman
01:06ng blind item.
01:08Nahulaan nyo na ba?
01:11Please welcome our Queen Joy Barcoma, o mas kilala sa tawag na Jusa.
01:18Hello mga kapuso, yes you heard it right, patola talaga ako.
01:23Pero hindi blind item papatulan natin ngayon dahil pati food trip, kakaririn ko na rin.
01:28So, let's G!
01:30Walang kagatol-gatol daw siyang sasagot sa nakakaintrigang pagkain na yan.
01:36Pero bago yan, mag-blind tasting ka muna, Jusa.
01:40Mmm! It's giving biryani, it's giving chicken, and it's giving rice.
01:50Para excited na mong kainin to.
01:52Pagkain to, no?
01:54At kung hilig nyo nga raw, ang Arab cuisine with a Pinoy twist,
01:58perfect itong chicken with biryani rice para sa inyo.
02:04Ang pasimuno ng kainan, ang Pinoy Nigerian na si Meka.
02:09Bilang half-Pilipino, pasok din sa akin yung taste ng ano eh, ng Pilipino taste.
02:14So, siguro, mas naiintindihan ko lang kesa sa mga kapatid natin na Arabic, yung panlasa ng Pinoy.
02:20So, siguro, yun yung naging advantage namin.
02:23Pero believe it or not, noong una, hindi raw talaga gusto ni Meka ang lasa ng Arab food.
02:28Yung nanay ko kasi is OFW sa UAE.
02:31Nagkaroon ako ng pagkakataon para mag-travel dun.
02:34Then, noong naamay ko pa lang yung biryani,
02:36like, hindi ko talaga siya gusto, like, parang ano, nasusuka ako.
02:40Halos dalawang buwan din siyang na malagi rito.
02:43At kalaunan, ay nasanay rin kumain ng Arab food.
02:46Kaya, nang umuwi sa Pilipinas noong pandemic,
02:50ang pagkain ito, hinanap-hanap daw ng kanyang panlasa.
02:54At dahil limitado ang paglabas noon,
02:57hindi raw niya matiis ang kanyang cravings.
03:00At sinubukang mag-eksperimento sa sarili niyang kusina.
03:12At boom!
03:14Nakalikha siya ng sariling versyon ng chicken biryani
03:17na may tamang anghangat-tamis.
03:20Noong nag-imbento kami ng sariling versyon,
03:23parang pinagsama-sama lang namin yung best ng bawat isang restaurant na mga na-try namin.
03:28Kaya nakagawa pa rin kami ng unique na product.
03:32Samantala, ang beauty ni Jusa, pasok na sa top 5.
03:38Asi, nakapasok na sa resto.
03:40Hello, sir. Magandang hapon.
03:43Yes, po.
03:43Pinahanap ko po si Sir Mecca.
03:45Ako po yan.
03:46Kaya na pala yan, sir. My God.
03:48Tama-tama'y tao. Tinanong ko, sir.
03:50Marahin nagtataka si sir.
03:51Bakit ito nga ba ang microphone natin ngayon?
03:53Sir, dahil kilala ako bilang patola,
03:55gusto ko malaman,
03:56pwede bang patola ang ilagay sa chicken biryani?
03:59Ayun, B.E.
04:00Ayun, sayang naman.
04:02Pero usually kasi, sir, hindi sanay yung mga Pilipino sa biryani.
04:05Bakit biryani or chicken biryani ang napili ninyong ipakilala sa mga Pilipino?
04:09Yes, hindi sila sanay. Tama po kayo.
04:12Kaya ang ginawa namin, ginawa namin siyang mild na hindi siya overpowering
04:16para yung mga first time magkatry ng biryani, hindi po sila mabibigla.
04:20Pero tulad ng ibang negosyo,
04:22ang kainan ni Mecca, sinubok din ang panahon.
04:25Ano yung biggest challenge nyo nung nagtatayo kayo ng negosyo ng chicken biryani?
04:30Biggest challenge namin, paano namin masusustain yung araw-araw?
04:33Kasi maraming nasasarapan, pero hindi sapat yung kita.
04:38Pero, awan ng Diyos,
04:40yaging nagkaroon kami ng big orders, out of nowhere.
04:45Sir Mecca, ano po ba ang unang step para maluto ang ating sweet chicken biryani?
04:49So, ayan, meron na tayo ditong fried chicken.
04:52Tapos, i-arigay natin siya dito sa ating wet butter.
04:56And then, i-arigay natin sa harina.
04:59Mainit na yung mantika, sakto.
05:02Pwede na natin siya isa lang.
05:04Mga ilang minuto po bago maluto ang isang chicken?
05:08Ah, 15 to 20 minutes po.
05:16At luto na nga po ating chicken biryani.
05:19Sir, paano nyo pa rin na-prepare ang plating ninyo?
05:21So, yung mga mag-order sa amin ng 99.
05:24Ganito karaming kanin.
05:25Ganito karaming rice yung makukuha nyo.
05:28At mind you guys, yung kanin na to, templado din to.
05:31Biryani siya.
05:32Mag-asa po.
05:33Ayan, meron na po siyang half chicken.
05:36Then, ito po yung mga toppings na i-gagagay natin.
05:44Ganito na karaming kalin at ganito na kalaking ulam ang makakain ninyo.
05:49Kita nyo naman, mas malaki pa siya sa buka.
05:50Sa pagkahaba-haba man ng lutoan, sa atikiman pa rin ang tuloy.
05:55Meron tayo nitong garlic sauce.
05:57Sabi, choice mo naman daw kung inalagin mo sa gilid or koti lang.
06:00Pero dahil adventurous tayo at gusto natin matikman talaga ang sarap na ating chicken biryani,
06:04papaligo natin siya sa ating kanin.
06:07Ayan.
06:08Dahil self-confessed patolakwin sa mga isyo si Jusa,
06:12ang good news, may pasapog na intrigang dapat mong sagutin.
06:17Handa ka na ba?
06:19Handang-handa at hindi aatras.
06:22Let's do the yes or no question and answer portion.
06:26Matamis ba ito?
06:27Yes. Alam nyo, nagahalo yung lasa, no caramelized na raisins natin,
06:32at yung kimpla ng chicken nila.
06:34Manghang ba ito?
06:36Hmm. No. Siguro kung may foreign na taste kang nalalasahan,
06:41dahil siguro yung biryani rice natin, niluto siya with cinnamon bark,
06:44pero hindi siya anghang. That is a spice. Okay, so.
06:48Malutong ba ang chicken?
06:49Yes. Super. Alam nyo, surprising.
06:51Bukod sa malutong yung chicken natin, lasang-lasa mo din yung timpla niya.
06:55Mabubusog at makakatipid ba ang kakain ito?
06:58Surprisingly, in this economy, yes na yes.
07:01Dahil for only 150 pesos, may kalahating chicken ka na,
07:05meron ka pang napakaraming rice.
07:08Si Mecca, patuloy pa rin daw magsusumikap
07:11para palaguin ang sinimulang negosyo.
07:14At ang pangako niya sa kanyang mga parokyano?
07:16Tao talaga yung priority namin dito.
07:19So, hindi talaga kami nagtaas kahit na doble na yung presyo ng gasul,
07:23kahit na medyo ano, may...
07:26nagtataas na rin yung mga manok, yung mga bigas.
07:30Mas maliit man daw ang tinutubo nila ngayon.
07:33Ayos lang, basta't manatili ang kanilang mga suki.
07:37O mas tumami pa para magtuloy-tuloy pa rin ang kita.
07:41Happy kami kapag ka-happy yung mga tao.
07:44Sa taas ng gastusin ngayon,
07:47ang ganitong mga kainan na nananatiling tapat sa kanilang presyo,
07:52tunay na good news ang hatid sa mga tao.
07:59Oras na para ibahagi ang good news.
08:02Maganda gabi po.
08:03Ako po si Vicky Morano.
08:05Nakilala namin ang 25 anyos na binata
08:07na imbes na luho ang unahin,
08:10ang una niyang pinag-ipunan,
08:12mga kagamitan sa kanilang bahay.
08:17Lumaki kami sa hirap na sa sahig lang kumakain,
08:21sa sahig lang umuupo.
08:22So ngayon, sila nanay at tatay, mas komportable na.
08:29May isa raw pasyalan sa South
08:32na perfect for summer outing.
08:35Ang bida kasi rito,
08:37hindi lang basta swimming,
08:39kundi gahiganting mga slide
08:41at water attraction.
08:43Oh my God!
08:55Viral video.
08:57Madamdaming pagkikita
08:59ng amang mani vendor
09:00at ng anak na honor student.
09:05Doon na wala lahat
09:06ang bagong pinakita ko sa mga.
09:08Hindi niya pinabayaan
09:09yung pinagpag-ura ko na
09:10tsuklaan ng kabuti
09:12at biggisabilan ako ng mailan.
09:19Sabi nila,
09:20kapag may sarili ka ng pera,
09:22kaya mo nang bilhin
09:23ang lahat
09:23ng gusto mo.
09:33Pero not so fast,
09:36mga kapuso.
09:37Dahil sa viral video na ito,
09:39nakilala namin
09:39ang 25 anos na binata
09:41na imbes na luho ang unahin
09:44ang una niyang pinag-ipunan,
09:46mga kagamitan
09:48sa kanilang bahay.
09:49Marami ang naantig ang puso.
09:51Matapos mapanood
09:53ang unboxing video
09:54ni John Mark.
09:55Pwede na siya.
09:56Kung saan makikita
09:58ang saya
09:58sa mukha ng mga magulang niya
10:00nang umupo
10:01for the first time
10:01sa malambot
10:02at komportabling sofa.
10:04Nakahigla na si
10:05akong madam.
10:08At dahil dito,
10:09marami ang nagbahagi
10:10ng kanilang kwento.
10:12Parang kami nung araw,
10:14walang upuan,
10:15cartoon lang,
10:16nakilinda ako
10:17ng lutong ulam
10:17kapag tanghali,
10:18nagtatabi ng pakaunti-unti
10:20at naka-ipo
10:21ng pambili ng salaset.
10:22Best achievement
10:23sa amin yun.
10:24Naalala ko noon
10:25na first investment ko
10:27sa family
10:27is from banig
10:29to foam
10:30with lots of unan
10:31at bagong blanket.
10:33Ang saya namin
10:34that night.
10:35Thanks,
10:36guys.
10:37Hello.
10:38Sit,
10:39back,
10:39and relax.
10:40Maantig ang inyong mga puso
10:41sa atid naming kwento.
10:47Lumaki raw si John Mark
10:49sa payak na pamumuhay.
10:51Bunso sa anim na anak
10:53ng kanilang mga magulang
10:54na magsasaka
10:55at nagsisiksikan
10:56sa maliit na barong-barong
10:58na halos wala rin mga gamit.
11:00Ang buhay na kinalakihan ko
11:01ay sobrang hirap po.
11:03Halos wala kaming makain
11:04sa isang araw.
11:06Kinakain namin
11:06is yung kita namin
11:08sa pagsasaka
11:09tulad ng saging,
11:10kamuti.
11:12Naranasan din daw
11:13ni na John Mark
11:14na mapagkaitanood.
11:15Yung buhay namin dati,
11:16walang-wala talaga kaming TV.
11:18Nanononood pa kami
11:19sa kapitbahay namin.
11:21Pinagdadamutan pa kami.
11:23Salatman sa buhay,
11:24hindi raw ito
11:25naging hadlang
11:26para bangarap si John Mark
11:27na maiahon
11:28ang pamilya sa hirang.
11:33Naging working student ako
11:34when I was in grade 8
11:35kasi kinuha ako
11:36ng aking teachers.
11:38Apat na taon
11:38akong nagtatrabaho
11:39sa school.
11:40Halos kilala
11:40na nga ako
11:41ng mga estudyante doon.
11:43Hanggang sa pagtungtong niya
11:44sa kolehyo,
11:45iginapang siya
11:46ng mga magulang.
11:47So every exam
11:48is umiiyak ako
11:49kasi wala kami
11:51pang bayad.
11:51Kaya si nanay,
11:53naisipan niyang
11:53umutang ng umutang
11:55hanggang lumaki na
11:56yung utang namin.
11:57Kaming magdiayon,
11:59pag intra sa,
12:00pagbayad na sa
12:01first year,
12:01first same,
12:03nangitagin may kwarta
12:04na nanantumi.
12:06Nangit na nanantumi
12:07nga para langit siya
12:08makaiskwila.
12:08At sa pagsisikap
12:10ni John Marks
12:11sa pag-aaral,
12:12nabigyan siya
12:13ng scholarship
12:14ng paaralan.
12:15Nag-apply po ako
12:16as scholar
12:17sa aming school
12:18tapos
12:19nakuha po ako.
12:20Pagka second year,
12:21binayaran namin
12:22yung utang
12:22noong first year.
12:23Mahirap man
12:24ang naging paglalakbay niya
12:26patungo sa kanyang diploma.
12:28Napagtagumpayan niyang
12:29makatapos
12:29ng BSBA
12:30financial management
12:32noong 2024.
12:33Mahalaga yung
12:34financial literacy
12:35kasi lumaki ako
12:36sa hirap.
12:37Walang-wala talaga.
12:38Malayo pa,
12:40pero malayo na.
12:44Ang tunay na laban daw
12:46nagsimula
12:47paglabas niya
12:48ng eskwelahan.
12:48Nang saluhin niya
12:49ang responsibilidad
12:50bilang breadwinner.
12:52Nung bumukod yung
12:53mga kapatid ko,
12:54nag-asawa na sila,
12:55hindi na sila
12:56masyadong nakakatulong
12:57sa mga magulang ko
12:58is medyo nasaktan ako
12:59at that part.
13:00Pero sa ngayon naman po,
13:01okay naman po kami
13:02ng mga kapatid ko.
13:04Ayaw mangiwan
13:05ang mga magulang,
13:06pinili niyang
13:06makipagsapalaran sa Davao
13:08para sa mas maraming
13:09oportunidad.
13:13Nakahinga man
13:14ng maluwag
13:15nang matanggap
13:15sa unang trabaho
13:16bilang office staff
13:18sa accounting department
13:19ang isang kumpanya,
13:21makalipas lang
13:22ang isang buwan,
13:23muli siyang sinubok
13:24ng panahon.
13:28Sadly,
13:29umabot lang ako
13:29ng one month,
13:30nag-close yung company.
13:32Nag-desisyon si John Mark
13:33na hindi muna umuwi
13:34para maghanap
13:35ng ibang trabaho.
13:36Ang problema,
13:38hindi siya pinalad
13:39sa kanyang pinag-aapalayan
13:40na trabaho
13:41sa call center
13:42at umuwi ng kanilang probinsya
13:44nang walang laman
13:45ang bulsa.
13:46Nahiya talaga ako
13:47sa mga magulang ko
13:48kasi ni Piso
13:49wala akong maibigay
13:50sa kanila.
13:51Sa kanyang pagbabalik,
13:53naisipan niyang ikwento
13:54sa social media
13:55ang istorya
13:56ng kanyang buhay.
14:02Ang hindi niya alam,
14:03magbubukas pala ito
14:04ng pinto ng pag-asa
14:06para sa kanilang pamilya.
14:07Napasabi talaga ako
14:08at that time na
14:09wala ang dami palang
14:10nakakarilit
14:10ng ganitong buhay.
14:11Kaya pinagpatuloy ko,
14:13share lang po ako
14:14ng share
14:14kung anong buhay namin.
14:16Tapos ang dami na palang
14:17nanonood sa akin.
14:18Nagulat na lang po ako.
14:19Hi guys!
14:20Sumayong adlock
14:20na yung tunahan!
14:22Dito na nagsimulang
14:23maging content creator
14:25si John Mark
14:25at ang content niya,
14:27ano pa nga ba,
14:28kundi ang tungkol
14:28sa buhay
14:29ng kanilang pamilya.
14:30At suma tong chef
14:31for today's video,
14:32si tatay yun no,
14:33all-time favorite yun
14:34yun yung sinabawang isda.
14:38Pagpapakita ng pagmamahal
14:39sa loob ng tahanan.
14:41Hanggang sa unti-unting
14:43pagpapaganda,
14:44nagtagpi-tagpi nilang tirahan.
14:47Ang kwarto nila,
14:48may kama na.
14:50Dito naman sa sala,
14:51napalitan na
14:52ang nasirang TV nila.
14:53Usually,
14:54yung notification ko,
14:55hindi lang siya
14:56umabot ng 99 plus.
14:58Nasya-shock ako kasi
14:59umabot na pala
15:00ng 12 million yung views
15:01tapos ang dami
15:02nang nagme-message sa akin.
15:04Nau-overwhelm ako kasi
15:05laking tulong na yun
15:06para sa amin.
15:08Kasabay ng pamamayagpag
15:09sa social media,
15:10muli siyang nag-apply
15:11sa iba't ibang kumpanya.
15:13Yung mga pinagdadasal ko
15:14is times 3 pa lang
15:15ibibigyan niya sa akin.
15:17Mag-2 years na po ako
15:18sa aking pinagtatrabahoan
15:20niya yan.
15:20Dahil malayo
15:21ang pinagtatrabahoan,
15:22isang beses sa isang linggo lang
15:24kung umuwi si John Mark.
15:25Mahirap man,
15:26maliit na bagay raw
15:27para mabigyan
15:28ng magandang buhay
15:29ang magulang.
15:30Sa ngayon,
15:30hindi ko pa pinipili
15:31yung sarili ko.
15:32Kailangan kong i-priority
15:33yung mga magulang ko
15:37ay dako kayo.
15:38Tanghan po siya na tabangan.
15:40Kailangan siya
15:41di hatag sa
15:42ginoo.
15:44Gracia.
15:44Butan kayo si
15:45John Mark.
15:47Hi guys!
15:48Sumayong adlaw
15:48kaninyong tanan.
15:49Ang sipag
15:50at determinasyon
15:51ni John Mark sa trabaho,
15:52nakita naman daw
15:53ng kanyang boss.
15:54Pinagigian ko talaga
15:56yung pagtatrabaho ko
15:57kasi gusto kong
15:58ipakita sa boss ko
16:00na worth it
16:01akong i-promote.
16:01Noong December,
16:02naging employee of the year ako.
16:04Tapos,
16:05nagulat na lang ako
16:06nitong February is
16:07nagchat siya sa GC
16:08na promoted daw ako
16:09as accounting manager.
16:11At isa raw
16:12sa mga unang katas
16:13ng kanyang sahot
16:14ang pagpapaganda
16:16ng kanilang bahay.
16:17Ang dami na minapundar
16:18sa bahay namin ngayon.
16:20May ref na kami,
16:21TV,
16:22tapos electric pan,
16:23tapos meron na din
16:25kaming washing machine
16:26at sobrang thank you namin
16:28kasi meron na din
16:29kaming sofa.
16:30Ang pagkakaroon ng araw
16:31ng pinakauna nilang sofa
16:33hindi raw para sa sarili
16:35kundi para sa ina at ama
16:37na dahil sa katandaan
16:39eh hirap na raw umupo
16:40at tumayo mula sa sahig.
16:42Ang sopa namin
16:43sobrang value talaga sa amin
16:44kasi lumaki kami sa hirap na
16:47sa sahig lang kumakain,
16:49sa sahig lang umuupo.
16:50So ngayon,
16:51sila nanay at tatay
16:52mas komportable na.
16:53Yung sofa namin,
16:55sa totoo lang,
16:55hindi naman talaga sa akin
16:57pero super thankful ako
16:59kasi binigyan ako
17:00ng isa sa mga followers ko.
17:01Kaya pati ang mga magulang
17:03ni John Mark,
17:04wala nang araw
17:05katumbas ang saya
17:06nang dumating
17:07ang malaking kaho
17:08ng sofa
17:08sa kanilang munting bahay.
17:10Kasi at that time,
17:11nasa kagayan pa talaga ako.
17:13Ang nagulat na lang sila
17:14dito sa bahay
17:14na may dumating
17:15na malaking box
17:17as in sobrang bigat.
17:37Hindi lang yan,
17:38dahil ang mga blessing
17:39na kanilang natatanggap,
17:41kanila ring isineshare
17:42sa kapwa.
17:44Bukas na nga raw
17:45ang pinto
17:45ng kanilang tahanan
17:46para sa mga kapitbahay.
17:48Mga bata,
17:49alipaso kayo.
17:50Kasi sabi nga nila,
17:51mas ibe-bless tayo ni Lord
17:52kung hindi tayo
17:53madamot na tao.
17:54That's why
17:54nagshishare talaga ako.
17:56Ayaw kong pagsarhan
17:57yung mga bata
17:57ng pintuan
17:58kasi alam ko yung pakiramdam
18:00kung paano
18:01pagsarhan ng pintuan.
18:03Ika nga,
18:04pay it forward mga kapuso.
18:07Ngayong araw,
18:08narito na naman
18:09ang mga kapitbahay
18:10ni na John Mark
18:11para makinood ng TV.
18:13Ang hindi nila alam,
18:14Hello mga bata,
18:16nagulat pa kayo?
18:17Kamusta na ang panunood?
18:18O bago nyo ituloy
18:19ang panunood ng TV,
18:21may surpresa
18:21ang good news
18:22para sa pamilya
18:24ni na John Mark.
18:26Ang munting regalo
18:27ng good news
18:28para sa unti-unting
18:29pagbuo
18:29ng inyong dream house.
18:33Try, try.
18:35Ang matagal na raw
18:36na request
18:37ni Nanay Anastasia
18:38na air fryer
18:39para sa mga mamantik
18:40ang pagkaing
18:41bawal na sa kanila.
18:42Salamat.
18:43Salamat.
18:44Salamat.
18:48Ang sukatadang tunay na yaman
18:51hindi nakabase
18:52sa malaking mansyon
18:53at sa mamahaling
18:54muebles o gamit,
18:56kundi sa lawak
18:57ng espasyo
18:58sa ating tahanan
18:59para sa pagmamahal
19:00at pagbibigay kasiyahan
19:02sa pamilya
19:04pati na
19:04mga bata.
19:05Mga bata, alipasok kayo
19:06sa kapwa.
19:10Mainit at maalinsangang
19:11panahon
19:12ang mararanasan
19:13sa halos buong bansa
19:14ngayong weekend.
19:15Nakaranas
19:16ng mataas
19:16sa heat index
19:17o ramdam na init
19:18ang ilang lugar sa bansa.
19:19Nakaamban na naman
19:20ang matinding init
19:21at alinsangan
19:22sa ilang bahagi
19:23ng bansa
19:23ngayong Martes.
19:25Goodness gracious!
19:28Sa tindi ng init
19:29ngayon,
19:30kahit hindi ka gumalaw,
19:32yak!
19:33Tapagaktak ang paus.
19:35Ang tinatayang papalupa
19:37sa 41 degrees Celsius
19:39hanggang 43 degrees Celsius
19:41ang heat index
19:43sa iba't ibang bahagi
19:44ng bansa
19:44sa mga susunod na araw.
19:49May isa raw pasyalan
19:51sa South
19:51na perfect
19:53for summer outing.
19:55Ang bida kasi rito
19:56hindi lang basta swimming
19:59kundi
20:00gahiganting mga slide
20:01at water attraction.
20:04Pero hindi kompleto
20:06ang saya
20:06kung wala tayong makakasama.
20:10Si PBB Kapuso
20:124th Big Placer
20:13ang Royal Songstress
20:15ng Bulacan
20:16Princess Alia
20:20Wait niyo muna!
20:21Magpapalit muna ako
20:22ng pang swimming outfit
20:23and let's go!
20:26Woo!
20:272014 pa rao
20:28nang magbukas
20:29sa publiko
20:29ang resort.
20:30So bago pa po ito
20:31naging resort,
20:32dati po itong
20:33palayan
20:34tsaka taniman po.
20:36Tapos
20:36mga panahon po kasi na yun
20:38wala pa naman po talagang
20:39mga resort dito
20:40sa Paliparan.
20:41At ngayong buwan nga lang daw,
20:43tatlo ang nadagdag
20:45sa kanilang water attraction.
20:47Kung gustong tsumil
20:49habang hinehele
20:50ng sarili mong salbabida
20:51paikot ng pool,
20:54baka itong Lazy River
20:55ang para sa'yo.
20:58Tawag hit na lang.
20:59Dito na yan!
21:03Yay!
21:04So gagal lang pala,
21:05search yun lang.
21:07So higa-higa lang tayo
21:08ganyan.
21:09Actually pwede nga
21:10matulog dito
21:10kasi Lazy River
21:11diba?
21:12Kaya yun lang.
21:12Let's go.
21:15Hindi pero legit
21:16imperness ha.
21:17Nakaka-relaxya.
21:18Yun nga lang.
21:19Ang downside,
21:19sabi sabihing init lang
21:20kasi talaga.
21:21So kung gusto nyo
21:22mag-tan,
21:22you know,
21:23some date,
21:23matulog sa araw,
21:25It's a new day. Perfect, perfect, lazy neighbor.
21:29Kung sa unang activity, laid back ang peg ni Princess.
21:34Lagyan natin ng thrill itong sunod niyang attraction.
21:38Yan po yung limang mahahabang colorful na slides po kung saan yung mga guests po is like parang nag-uunahan
21:44po.
21:44Nag-re-race po sila doon sa slide. And at the same time, pre-use na po yun ng rubber
21:48mats.
21:49Magpadaus-dos sa higanting slide na ito habang nakadapa sa isang rubber mat.
21:57G!
22:03Panay na-pray ko na.
22:04Oh my gosh!
22:11Oh my God!
22:16Halasige! Itili mo yan, Princess.
22:24Ang saya!
22:30Kumalma ka muna sa kiddie pool bago ka namin patiliin ulit mamaya.
22:35Alam niyo dati nung bata ako, mahilig din talaga ako dito eh.
22:38Kaso nga na may trinay ako na slide doon dati.
22:41Tapos hindi ko alam naman, bilis pala yung pagsakso.
22:43Medyo nalunod si auntie mo.
22:45Pero sobrang saya niya.
22:46Actually, parang gusto ko mag-try kasi parang, di ba?
22:49Parang bumabalik ka sa paggabata pag ano.
22:51Over, parang atandano niya, di ba?
22:53Pero tara, itry natin.
22:56Dito, merong two feet na swimming pool, malalaking slides, at giant water bucket.
23:02Sabay-sabay ko mo yun!
23:04Pwede ba yun?
23:05Pwede ba yun?
23:06Pwede ba?
23:06Pwede ba yun delikado?
23:10Pwede!
23:11Pwede!
23:27Pwede ba yun?
23:34Habang nag-iikot, makikita rin ang iba't-ibang mga cottage nila.
23:39Meron pang mga gazibo na 1,200 pesos ang Good for Eight.
23:44Bahay kubo na 2,000 pesos kung nasa 12 katao kayo.
23:49At cabana na 2,500 pesos para sa 20 tao.
23:54Bye, princess!
23:56Dahil dyan, magpahatid ka na sa finale nating slide, ang space bowl.
24:04So, ito, ito, try na natin.
24:06Hindi na.
24:06Hindi na.
24:07Sa slide na ito, hindi ka magdidire-diretsyo sa tubig.
24:11Para ka bang bariyang paikot-ikutin sa bowl bago ibuho sa pool.
24:17Pero teka, princess, kahit nandito ka na sa outside world,
24:21susubukin pa rin ng good news ang pagiging competitive mo.
24:26Wow!
24:27Hi, princess!
24:28Balita namin isa kang certified task slayer.
24:31Ngayon, nasubukan mo na ang dalawa sa bagong water activities dito sa tubigan Garden Resort.
24:36Ito na ang hamon ng good news para sa'yo.
24:39Kaya mo bang dumula sa slide ng walang kahit anong reaksyon?
24:43Walang sigaw, walang telet, walang ano bang hindi, guys.
24:47Siyempre, kaya-kaya. Ako pa ba?
25:14Matapos ang lahat ng extreme fun, oras na para magbadlaw.
25:20Dito sa kanilang foam bath.
25:24O, diba? Ang saya.
25:26At natapos yung mag-slide sa space pool, sa racer, friends.
25:32Grabe!
25:33Wow!
25:34Kapal kayo!
25:43Ang entrance fee raw nila, kada tao, 400 pesos lang.
25:48Kasama na ang water activities.
25:51Grabe, ang dami kong trinay dito.
25:53Pero ang pinaka na-enjoy ko talaga is yung space ball.
25:57Doon ako medyo nahihirapan kasi yung pinaka nakakatakot na it's like...
26:02So, ayun.
26:03Let's enjoy, guys.
26:05Woo!
26:05Sumahan nyo na po.
26:08Ngayong tag-init, masarap talaga ang mag-tampisaw sa tubig.
26:16Oh, my God!
26:18Kaya ibsa na ang init.
26:22At samahan pa ng mga water activities na babalik-balikan mo.
26:35Kami ni Papa, sobrang close.
26:41Sobrang proud po ako sa kanya.
26:42Hindi po siya talaga kinakahiya.
26:45Proud po kasi kahit ganun lang po yung trabaho niya na itataguyin niya po kami ng kapatid ko sa araw
26:50-araw at ni Mama.
26:54Isa si Francisca sa mga estudyante yung nagtapos kamakailan.
26:59Doble pa raw ang saya niya dahil kasabay ng diploma, nakatanggap din siya ng medalya.
27:05At tulad ng ibang graduate with honor, gusto niya rin daw itong ialay sa magulang na totoo ang sakripisyo para
27:12sa pag-aaral niya.
27:20Yung nga lang, ang ama ni Francisca, hindi rin nakadalo sa graduation niya.
27:27Malungkot kasi wala po siya sa special na araw na yun kasi para sa kanila po ni Mama yun.
27:37Dito sa bus terminal sa Cubao namin na abutan ang ama ni Francisca.
27:43Ang money vendor na si Crisanto.
27:46Sa loob ng 25 taon, minamanin na lang daw ni Crisanto ang pakikipagpatintero sa mga dambuhalang bus para may alok
27:56ang kanyang paninda.
27:57Kasi doon po yung talagang maganda ang kita eh.
28:01Kasi yung pagka nag-alimbawa nag-trabaho ko sa pakapabrika, limitado lang yung pagkain mo eh.
28:06Tapos kukulang na kulang po sa pamilya eh.
28:09Kaya naisipan po mga mag-vendor.
28:11Ito daw kasi ang inaasahan ng kanilang pamilya.
28:15Konting ipit lang po, tapos lipid.
28:17Tapos tabi.
28:18Kung may sobrang konti, itatabi.
28:20Para may survive ko.
28:21Ang asawa niyan si Shirley, housewife.
28:26Pero suma-sideline kong minsan bilang tagapag-alaga ng bata.
28:31Pagbabantay ng bata, ganun, maglilinis.
28:33Tinatawagan po nila ko.
28:35Ang asawa ko po sobrang napakabait po.
28:38Lahat po ng pagtitiis, pagmamahal talagang, inuuna niya po talaga ang pamilya niya po.
28:45Para lang makaraos po kami.
28:47Alas 4.30 ng madaling araw,
28:50umaalis na si Crisanto sa kanilang bahay para magtinda.
28:56Pero ang siste, si Crisanto,
28:59nangungutang muna sa tindahan malapit sa terminal para may pangpuhunan.
29:08Ito ang gagamitin niya para makapaghangon ng maling pambenta.
29:20Sa maghapong pagbebenta,
29:23nasa 1,500 pesos ang kanyang kinikita
29:27na mababawasan pa kapag nagbayad na siya sa inutangang tindahan.
29:32Minsan po, maganda-banda kita,
29:35may kita may benta rin ako.
29:37May tubo rin ako na 600.
29:38Minsan, pag medyo mahina, talagang paibahan rin na lang.
29:44Kahit katiting na lang ang naiuuwing pera,
29:48hindi raw pwedeng hindi siya makapaglaan para sa pag-aaral ng dalawang anak.
29:53Minsan po,
29:54nangungutang po sa kawang kapitbahay namin sa sapinsan niya
29:57na pwede, babayaran ko na lang mga sabado,
30:00ipunan ko na lang. Pumapayag naman po sila.
30:03Kagawa ko na lang para anak,
30:05sige mag-aaral kayo para sa mga kapatid mo.
30:08Nakakahugot naman daw siya ng lakas
30:10sa tuwing nakikita ang magandang grado sa eskwela ng mga bata.
30:15Yung nakita ko po yung ginawa niya,
30:17mula nung grade 1 hanggang ngayon.
30:20Pwede sa homework yan,
30:23ginagawa niya.
30:24Pag ahuduwi ng bahay sa bahay yan,
30:26bago mo na lalabas siya, tatapusin niya muna.
30:28Lahat ng pagsisikap ng ama,
30:31nakikita naman daw ng panganay niyang si Francisca
30:34na isang proud daddy's girl.
30:37Kaya laking tuwa raw ng buong pamilya
30:40dahil with honor siyang nagtapos ng grade 12
30:43nitong March 30.
30:45Francisca,
30:47A,
30:48DC Arbonio,
30:49with honors.
30:53Pero ang malungkot daw,
30:54si Crisanto,
30:56hindi naka-attend ang graduation.
30:59Naluluha ako na hindi ko maano.
31:01Kasi,
31:01yun ang,
31:03ano kasi no,
31:05with honor talaga siya na yun.
31:07Sabi pa,
31:08ikaw magsasabit ng medal.
31:09Sabi ko,
31:09anak,
31:10kung ako magsasabit ng medal,
31:11anong kakahini natin?
31:13Kung halimbawa,
31:13with honor ka nga,
31:15tapos,
31:15pagdating ko,
31:16nga nga tayo,
31:17wala kang pababulokot siya.
31:18Hindi mo po talaga mapapakita
31:20na mahirap talaga yung buhay na
31:22kahit anong special occasion niyan,
31:24pero pagkailangan magtrabaho,
31:25magtatrabaho ka ng excuses po talaga.
31:28Pero wala man daw ang ama sa graduation niya,
31:32hindi pa rin daw papayag si Francisca
31:34na hindi maisabit ang medalya sa ama.
31:38Kaya nang mag-abot ng perang pangkain
31:40ang isa niyang tita,
31:42ang unang naisip daw ni Francisca,
31:44hindi pagkaing ihahanda.
31:47Kundi ang sunduin ang ama sa bus terminal
31:50at ihandog ang kanyang medalya sa ama.
31:56Ito sobrang sayo po ng puso ko
31:57kasi akala ko po normal na araw lang that time
32:00na may iyak-iyak na po talaga siya.
32:02Doon sinabit niya lang yung medal niya sa akin
32:04na wala lahat ang pagod pati ang problema ko.
32:06Sabi ko,
32:06ito na.
32:07Imbis na yung kainitan na yun,
32:09parang sumigla ako.
32:10Napangiti ko,
32:11very good anak,
32:12gawin mo.
32:12Doon na wala lahat ang pagod
32:14pinakita ko sa akin.
32:15Hindi niya pinabayaan
32:16yung pinagpagura ko na
32:18siyoklea ng kambuti
32:19at may isabila ko na.
32:28Pero teka,
32:30hindi naman papayag ang good news
32:31ng ganun-ganun lang.
32:33Kaya itetake-two natin
32:35ang pag-akyat sa stage
32:36at pagsabit ng medalya
32:38kay Francisca.
32:40And this time,
32:41kasama na niya ang ama.
32:43At hindi rin sa school,
32:45kundi dito sa bus terminal,
32:47kasama ang mga taong
32:49saksi sa lahat ng sakripisyo
32:51at pagsusumikap ng ama.
33:06Thank you kasi
33:07hindi ka napapagod
33:08na pag-aralin kami sa araw-araw
33:09at hindi ka napapagod
33:10kumayod para sa pamilya natin.
33:12Sobrang proud ako
33:13na meron akong tatay
33:14na katulad niyo.
33:18At siyempre,
33:20para kumpleto ang graduation rights,
33:25hindi pwedeng mawala
33:27ang grad pick.
33:29Kasama ang buong pamilya,
33:32kami na ang magdadala
33:33ng photo booth sa inyo,
33:35Crisanto at Francisca.
33:40Alam ko pong mahirap
33:41pero pakako ko po sa kanya,
33:43susuklihan ko po lahat
33:44ng hirap na giladanas niya po.
33:48Wala nang araw tatayog pa
33:50sa haligin ng tahanang
33:52handang magsakripisyo
33:54para sa pamilya.
33:57Saludo kami sa iyo,
33:59Crisanto.
34:03Sana po'y napangiti kayo
34:05ng aming mga kwento.
34:07Hanggang sa susunod na Sabado,
34:08ako po si Vicky Morales
34:10at tandaan,
34:11basta puso,
34:12inspirasyon at good vibes.
34:14Siguradong good news yan!
Comments