00:00Sa isang memorandum circular, ipinag-utos ng Bureau of Internal Revenue
00:05ang mandatory na paglalagay ng registration seal badge ng mga online business.
00:11Kabilang na dito ang mga online seller, freelancer, professional, vlogger, influencer
00:17at iba pang individual na kumikita sa digital platforms.
00:21Paglilinaw naman ang BIR, hindi required na ipost ng mga ito ang kanilang certificate of registration.
00:27Sa halit ay ang BIR registration seal badge lamang ang ipopost
00:32na maaaring makuha naman sa online registration and update system ng ahensya.
00:37Giit pa ng BIR, magsisilbing patunay ito na lehitimo ang isang negosyo online
00:43kung saan kinakailangang makita ito sa madaling ma-access ng mga consumer tulad ng About Us at iba pa.
00:51Ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza,
00:54ang hakbang na ito ay bahagi lamang umano ng patuloy na pagpapalakas
00:59ng revenue collection at pinaigting na proteksyon sa mga taxpayer.
Comments