00:00Samantala, pinaigting din ng DepEd ang pagprotekta sa mga mag-aral at mga guro na apektado ng mga aktibidad ng
00:06Bulkang Mayon.
00:08Ayon sa DepEd, mamamahagi ang kagawaran ng 850 all-weather kits at N95 masks.
00:14Mayroon din aniang 20,000 pesos na halaga ng learning, teaching at hygiene kits para sa bawat paaralan upang mapaigting
00:22ang local contingency plans.
00:24Batay sa pinakahuling ulat ng DepEd, 34 na silid-aralan ang ginagamit bilang temporary shelters para sa higit-apat na
00:33raang pamilya o higit-isang libong residente.
00:36Pinatitiyak naman ng DepEd sa mga field office na nasa ligtas na lugar ang mga learning materials, records at mga
00:43kagamitan ng mga paaralan.
00:45Binigyang di hindi ni Education Secretary Sonny Angara na mahalagang matiyak ang edukasyon ng mga kabataan sa kabila ng sakuna.
Comments