00:00International Media Center, formal nang binuksan ngayong araw para sa ASEAN Leaders Summit sa Cebu.
00:05Tensyon sa Middle East at energy security, kabilang sa inaasahang tatalakayin.
00:11Silipin yan sa Sentro ng Balita ni Jesse Atienza Live.
00:17Yes, Jules, andito ko ngayon sa International Media Center kung saan magsasama-sama
00:21nitong mga correspondents at mga journalists mula sa mga local at international na mga news agencies
00:28upang maihatid sa publiko yung mga kaganapan sa makasaysayang pagdaraos ng ASEAN Leaders Summit dito sa Cebu.
00:37Kompleto sa kagamitan ng International Media Center kung saan mananatili ang mga journalists at correspondents.
00:43Meron itong workstations, extension wires, internet connection at maging broadcasting equipment
00:49kung saan maaaring makakuha ng live feed ang mga news agencies.
00:53Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez na humarap sa media
00:57kasama ang Director General ng National Organizing Committee na si Helen Danavega
01:01na malaki ang magiging kontribusyon at tungkuling gagampana ng mga journalists at correspondents
01:07sa pagkukober ng mga aktibidad sa ASEAN Leaders Summit.
01:10Kaya naman minabuti na rin ang pamalaan na bigyan ng akmang venue mga magkukober
01:14para maihatid ang mga tamang impormasyon ng mabilis.
01:17Ayon sa PCO at NOC, inaasahan naman na sa Gaganaping ASEAN Leaders Summit
01:22kabilang sa mga tatalakay ng mga ASEAN Leaders at Ministers
01:25ang mga isyo sa tensyon sa Middle East at mga pusibling hakbang
01:30para sa energy security at disaster resiliency sa rehyon.
01:35Jules, kanina pagkatapos ng press con ay nakapanayam natin
01:38na mabilisan si Cebu Governor Pamela Baricuatro at Ania
01:41timely itong paksa patungkol sa disaster resiliency lalo na itong Cebu.
01:46Marami sa ating mga kababayan ang naging biktima ng sunod-sunod na kalamidad
01:51itong bagyo at lindol.
01:54At Jules, habang ongoing yung mga preparations dito
01:57para sa pagdating ng mga delegates, ministers at mga leaders
02:00para sa ASEAN Leaders Summit
02:02ay from time to time ay nagsasagawa naman ng security simulation
02:06yung ating mga law enforcement personnel
02:09upang matiyak na magiging matiwasay at mapayapa
02:11ang makasaysayang pagdaraos ng ASEAN Leaders Summit
02:15dito sa lalawigan ng Cebu.
02:17Yan muna ang mga huling balita mula dito sa International Media Center.
02:21Balik sa inyo dyan sa studio.
02:24Jules.
02:24Maraming salamat sa iyo, Jesse Atienza.
Comments