Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pansamantala pong nakalaya ang dating TV host na si Jay Sonsa matapos magkiansa ng 10,000 piso.
00:06Kagnoy po yan ang umunoy pagpapakalat ng hindi verifikadong impormasyon tungkol sa kalusugan ni Pangulong Bombo Marcos.
00:13Ayon po sa abugado ni Sonsa na si Atty. Mark Tolentino,
00:16kumingin daw ng paumanhin ang Pasay City Regional Trial Court 118
00:20dahil nakalagay sa arrest warrant na non-bailable ang kanyang kaso.
00:24Mali kasi ang nailagay na batas sa warrant.
00:27Ang nailagay ay ang non-bailable na Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
00:32Gayong ang kaso naman ni Sonsa ay unlawful use of means of publication and unlawful utterances na may piyansa.
00:40Ayon po sa korte, ang katagang not-bailable ay hindi galing sa kanila.
00:45Ito raw ay system generated ng e-warrant system na inooperate ng PNP.
00:53That's why minadali rin po ng NBI na maibigay kagad yung return of warrant of arrest
00:58para yung court can clarify kung ano talaga yung nature ng warrant of arrest.
01:06And ang court naman, in fairness to the court, on May 2, that was a Saturday,
01:10they've issued an order saying that they rectified that there should be a bail recommended which is P10,000.
01:21Nag-hide din ang kampo ni Sonsa ng motion to quash para madismiss ang kaso.
01:26At binigyan ng korte ang Department of Justice ng sampung araw para magkomento.
01:34Nag-sara po sa maygit 61 pesos and 56 centavos ang palitan ng piso contra dolyar ngayong araw.
01:40Mas mahina po sa maygit 61 pesos and 48 centavos na palitan nitong April 30.
01:45Ang palitan po ngayong araw, malapit na po sa all-time low no April 29.
01:50Kremdam po, sa iba't ibang produkto, ang efekto ng paghina ng piso kahit sa mga produktong hindi direktang inaangkat.
01:57Saksi, si Darlene Kai.
02:02Mula nang bumulusok sa 61 pesos ang palitan ng piso contra dolyar nitong April 28,
02:07tatlong araw nang napako sa 61 level ang exchange rate.
02:11Ayon sa ekonomisang si Professor Emanuel Lico,
02:14diretsyo sa bitukan ng bawat Pilipino ang efekto ng mahinang piso.
02:18Ang pagmahal din ng mga bilihin at servisyo sa bansa.
02:21Naari na po nating asahan na pagpunta natin po sa mga palengke,
02:25magtataasan na po ang presyo ng ating mga produkto.
02:32Tayo po ay nag-aangkat ng bigas, nag-aangkat po tayo ng isda, karne.
02:38Marami po ang ating inaangkat.
02:41Kahit ang mga produkto ang hindi direktang inaangkat,
02:43apektado rin dahil sa pagmahal ng transportasyon.
02:46Habang bumababa ang halaga ng piso contra dolyar,
02:50mas lalong tataas pa po ang presyo ng petrolyo pagdating po sa Pilipinas.
02:56Sa Vega Q Mart sa Quezon City, nagsitaasan na ang presyo ng gulay,
03:00karneng baboy at manok, pati isda at ibang seafood.
03:03Matumal tuloy ang benta ng mga nagtitinda.
03:06Malungkot po.
03:08Dahil maliit na ang kita namin, gano'n.
03:11Nambawasan.
03:11Nambawasan.
03:12I-dinahilan din ang Meralco ang mahinang piso sa taas singel na 53 centavos kada kilowatt hour nitong April.
03:18Napaka mahal ngayon din ng bilin pagtaas ng mga ano din, kuryente.
03:24Sobrang taas ngayon yung bil namin.
03:27Dating 5K naging ano siya ngayon eh, doblet, naging 10K na.
03:34Yung tatang beses, dalawang beses, kano'n lang katahin mo.
03:37Gustapika na lang.
03:39Panghalinan na lang yung tayong mga lang saan.
03:42Sabi rin ang Philippine Food Processors and Exporters Organization Incorporated,
03:46mas mahal na rin ang production cost o gaso sa paggawa ng mga produkto.
03:49Lahat kami hirap eh.
03:51Ba't yung cost mo ng production, siyempre dahina yung hindi agad tinatanggap ng international buyers natin compared sa other countries.
04:01Eh kung ang cost nila mas mababa, eh siyempre hindi na tayo competitive.
04:06Dagdag ni Leco, patuloy ang pagdausdos ng piso at pagtaas ng halaga ng dolyar dahil sa dami ng mga produktong
04:13kailangan pang bilhin mula sa ibang bansa.
04:15Kaya mahalagang palakasin ang sarili nating produksyon at mga industriya para mabawasan ang pangangailangang umasa sa pag-aangkat.
04:22Ayon sa Malacanang, iniutos ni Pangulong Bobo Marcos ang mabilis na paghilos ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan para mapagaan
04:29ang epekto ng krisis sa langis.
04:31Sa ko si Darlene Kay ang inyong saksi.
04:35Naghahain po ng reply affidavit sa Office of the Prosecutor sa Taguig ang abogado ni Vice President Sara Duterte.
04:41Bilang tugon po ito sa counter affidavit ng nagpapakilalang bagman ng vicepresidente na si Ramil Madriaga, na inreklamo po nila
04:49ng perjury.
04:50Ayon kayo ni Paolo Panelo, hindi nasagot ni Madriaga ang mga ebidensyong nasa complaint affidavit ng vicepresidente.
04:58Kabilang sa mga sinagot ni Vice President Duterte, ang naanang pahayag ni Madriaga na kung hindi siya malapit sa vicepresidente,
05:04e bakit kasama raw siya sa isang political meeting?
05:08Depensa ni Vice President Duterte, kalagitnaan daw ito ng kampanya at mahigit siyam na purin daw ang dumalo rito.
05:16Dagdag pa ni Panelo, paiba-iba ang pahayag ni Madriaga at mayroong ebidensya ang kampo ng vicepresidente na magpapatunay sa
05:23motibo nito.
05:25Inusubukan pa namin kunin ang panig ng kampo ni Madriaga pag nai rito.
05:31Polis na nakuha na ng CCTV habang may bit-bit na babaeng walang malay sa isang motel at kalauna ay
05:36sinampahan ng kasong rape, sinibak sa servisyo.
05:39Ayon sa National Police Commission, sapat na mga ebidensya labang kay Patronman Joshua Mendoza,
05:44kaugnay ng grave misconduct and conduct unbecoming of a police officer,
05:47nagtutugma umuno ang salaysay ng biktima at saksi at kuha ng CCTV na kitang bit-bit niya papunta sa motel
05:54ang complainant na walang malay.
05:56Doon umuno niya inabuso at ginahasa ang babae.
05:59Una nang itinanggi ni Mendoza ang paratang at agad sumuko sa NBI-NCR noong Pebrero.
06:04Nakabimbin naman sa Manila RTC ang kasong rape laban kay Mendoza.
06:08Tatlong pasaharong sakay ng isang Netherland-based cruise ship patay dahil sa Hantavirus infection.
06:13Sa tatlong yan, isa pa lang ang kumpirmadong tinamaan ng virus ayon sa World Health Organization o WHO.
06:19Ang dalawang iba pa, kabilang naman sa limang suspected cases.
06:23Isa sa lima ang nasa intensive care unit sa South Africa,
06:26habang dalawa pang pasehero ang nakakaranas ng sintomas ng virus.
06:30Ayon sa WHO, ang Hantavirus ay nakukuha sa eksposyo mula sa ihi at dumi na mga daga.
06:36Nagdududod ang virus ng matinding respiratory illness o epekto sa paghinga.
06:40Patuloy pa rin ang laboratory testing ng WHO.
06:43Pero nagbigay ito ng medical care at suporta sa mga pasahero at crew ng apektadong barko.
06:48Trial Chamber 3 ng International Criminal Court,
06:51nagpapasumitin ang mga obserbasyon kaugnay ng pagkakaditinay kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, Netherlands.
06:57Hinihinga ng obserbasyon ng Office of the Prosecutor,
06:59Defense Council ni Duterte,
07:01Legal Representatives ng mga biktima,
07:03at Office of the Public Council for Victims hanggang ngayong Biyernes, May 8.
07:07Sabi ng Trial Chamber 3,
07:08mahalagang bigyan sila ng pagkakataon para makapagsumitin ang anumang obserbasyon.
07:12Kaugnay ng pananatiri sa detensyon o pagpapalaya sa dating Pangulo,
07:16kabilang kung may mga nagbago ba sa sitwasyon.
07:19Magkakaroon din ang status conference ang Trial Chamber 3 sa May 27,
07:23kaugnay sa Crimes Against Humanity Charges laban kay Duterte.
07:26Ako si Rafi Tima ang inyong saksi.
07:31Walong porsyento ang agwat ni Vice President Sara Duterte kay Naga City Mayor Lenny Robredo
07:37sa pinakabagong ulat ng bayan 2028 Presidential Preference Survey ng Pulse Asia.
07:43Sa tanong na kung ngayon gaganapin ang May 2028 elections,
07:47sino kina Duterte at Robredo ang iboboto mo?
07:5151% ang nakuha ni Duterte, habang 43% si Robredo.
07:56At kung sa pagitan naman ni Duterte at Sen. Rafi Tufo,
08:00tabla ang naging resulta.
08:02Parehong 46% ang nakuha nila.
08:05Is nagawa ang survey mula February 27 hanggang March 2, 2026.
08:09May margin of error ito na plus or minus 3%.
08:12At sa Pulse Asia, kinumisyon ito ng opisina ni Senate Majority Leader Migs Zubiri.
08:20Ginalmahan ng kampo ni Second Gentleman Manas Scarpio,
08:23ang mga inilatag sa House Committee on Justice,
08:25kag-nay ng perang pumasok sa bank accounts ng Ms. Tenan Vice Presidente.
08:29Ang dapat ay 2 million pesos lang,
08:31naging 2 billion pesos daw dahil sa isang systems glitch sa banko.
08:36Kasinulingan din daw ang sinasabing mahigit 6 billion pesos
08:38na dumaan sa mga bank account na mag-asawa.
08:41Ah, saksi si Jonathan Andan.
08:466 billion is fake and a lie.
08:50Yan ang sinabi ng abogado ni Second Gentleman Manas Scarpio
08:53sa lumabas sa impeachment proceedings ng asawang si Vice President Sara Duterte
08:57na meron umanong 6.7 billion pesos na suspicious at covert transactions
09:03sa bank accounts ng mag-asawa batay sa report ng Anti-Money Laundering Council o AMLAC.
09:07Wala siyang ganong pera, okay?
09:09You can quote Atty. Carpio on that.
09:12It is fake and a blatant lie.
09:14Kung maga sa Tagalog,
09:16marites po yun.
09:18Marites lang.
09:19Cheese miss.
09:19Pero tumanggi si Atty. Peter Danaw na sabihin kung magkano ang naman ng banko ng second gentleman.
09:24Sabi niya, kahit conjugal daw ang mga ari-aria ng mag-asawa,
09:27hindi ito pwedeng basta-basta bulatlatin dahil private citizen si Carpio.
09:32Now, you're asking magkano,
09:34but I said that is not part of the obligation of attorney Manas
09:39na mag-disclose magkano ang pera niya
09:41dahil hindi naman siya parte ng impeachment proceeding.
09:45Lumabas din sa hearing ng House Justice Committee
09:48na sa nakalipas na dalawang dekada,
09:49mahigit 2 bilyong piso umano ang total inflow sa bank accounts ni Carpio.
09:55Pero hindi daw ito totoo, sabi ng kanyang mga abogado,
09:57dahil nagkaroon daw ng systems glitch sa banko.
10:01Kaya ang dapat na 2 million pesos naging 2 billion pesos.
10:05Inilatag nila sa media ang isang report umano ng AMLAC
10:08pero ayon mismo sa kampo ni Carpio,
10:10nakuha lang nila ito online.
10:12Sa report mismo ng AMLAC,
10:14sumulat ang BPI sa AMLAC na
10:17baguhin nila yung transaction reports nila,
10:20allegedly,
10:21dahil mali yung 2 billion.
10:23Hindi 2 billion yun,
10:252M lang daw.
10:27So,
10:28ito pong ibig sabihin,
10:29yung mismong banko
10:30na nagsabi na
10:31mayroong system glitch sa record sila.
10:34Okay?
10:35So,
10:36ang problema,
10:37hindi naman sinabi ito.
10:39Ang pinalandakan lang nila,
10:416B.
10:41Diba?
10:42Siyempre,
10:436B,
10:44siyempre,
10:44yun ang gusto nilang ipropaganda eh.
10:46Diba?
10:46Na marami daw pera.
10:48Nang tanongin,
10:49sinabi ni Atty.
10:49Danau na hindi pa nila ito
10:50nabiberipika mismo sa BPI.
10:52Hiningan namin ang pahayag tungkol dito ang BPI.
10:55Sa isang pahayag,
10:55sinabi nitong alinsunod sa mga batas,
10:57hindi ito nagsasapubliko
10:58ng mga impormasyon na transaksyon
11:00ng kanilang mga kliyente,
11:02liba na lang
11:02kung hinihingi
11:03sa mga legal processes.
11:05Hiningan din namin ang pahayag
11:06ang AMLAC
11:06pero wala pa silang tugon.
11:08Batay sa kopya ng AMLAC report
11:09na yung sinumite sa komite
11:10na nakuha ng GMA News
11:12nakalagay na binabawi ng BPI
11:14ang nakalistang
11:15labing tatlong covered transactions
11:17ni Carpio
11:17dahil hindi raw ito tama
11:19dahil nagkaroon ng systems bug.
11:21Kaya ang naunang sinabing
11:22mahigit 2 billion pesos
11:23ay nasa 2 million pesos lamang.
11:26Pinabulaan na naman
11:27ng Justice Committee member
11:28Representative Dere Ridon
11:29ang aligasyon ng abugado ni Carpio
11:31na sinadya ng komite
11:33na hindi isama
11:34ang umano'y systems glitch
11:35sa transaction report ng BPI.
11:37Pati hindi namin sinabi
11:38nakalagay nga sa report yun.
11:39I mean, the report is there
11:41for everyone to see.
11:42Hindi ba?
11:44So, but again,
11:45ang sabi pa rin hunang AMLAC
11:47in their summary list,
11:49it is still 6.7 billion.
11:52And even assuming
11:53that it became 2 million
11:55from 2 billion,
11:56it is still in the billions.
11:58Tungkol naman sa tax audit
11:59ng BIR para kay Vice President Duterte
12:01at kanyang asawang si Carpio,
12:03sabi ng abugado ng second gentleman,
12:05handa niya itong sagutin
12:06sa tamang venue.
12:07Letter of authority pa lang po yun.
12:09Baka kasi may misconception
12:10sa public eh.
12:12Letter of authority
12:13is the very preliminary phase
12:15of a tax audit.
12:17In other words,
12:18wala pa po yung any liability,
12:20wala pang nakitang
12:20any tax deficiency.
12:22That is simply stating
12:23na may authority sila
12:24from the BIR
12:24to conduct an audit.
12:26Ako si Jonathan Andal,
12:27ang inyong saksi.
12:30Isang buwang libre ang toll
12:31sa bagong bukas
12:32na subsection 3
12:33ng Cavite-Laguna Expressway
12:35o CALAX.
12:36Mismo si Pangulong Bombong Marcos
12:38ang nanguna sa pagbubukas nito.
12:40At mula sa isang oras
12:41na biyahe mula biniyan Laguna
12:42papuntang General Trias, Cavite,
12:44magiging 26 na minuto na lang
12:47dahil po sa CALAX.
12:49GALAX.
Comments

Recommended