00:00May tila mga ghost pensioner sa isang barangay sa Maynila.
00:04Ayon sa ulat, nakakakubra sila ng pensyon para sa mga senior kahit matagal ng patay.
00:11Nakatutok si Jomera Preston.
00:13Exclusive!
00:18August 21, 2022, o halos apat na taon na nang ilibing ng kanyang pamilya,
00:24ang nooy 84 years old na si Lolo Santos Conde, residente ng isang barangay sa Santa Ana, Maynila.
00:30Ang nakakapagtakaraw, mayroong nagkiklaim ng kanyang social pension na 500 piso kada buwan
00:37ay binibigay ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
00:39Bukod kay Lolo Santos, may kumukuha rin daw sa pensyon ng kanyang bayaw na si Efren de la Rosa,
00:46kahit apat na taon na rin itong patay.
00:48Ang kapatid ni Lolo Efren na kukuha rin ang sariling pensyon ang nakakita na nasa listahan pa ang kanyang kapatid.
00:55Dito na raw sila nagtaka kaya agad silang dumulog sa Office for the Senior Citizens Affair o OSCA ng Manila
01:01LGU.
01:02Doon nila nakita na may mga nakapirma sa mga pangalan ni Lolo Efren at Lolo Santos para sa payout ng
01:08January hanggang March 2026.
01:11Natuklasan din nila na hindi bababa sa 10 senior citizens sa nasabing barangay ang patay na.
01:17Pero nasa listahan pa rin ang mga kumukuha ng pensyon.
01:21The worst thing is nakakapag-payout sila and then may signatures pa.
01:24Ang malalasar na pipirmahan nila, hindi no doktor nila yung signatures.
01:29Ayon sa mga nagre-reklamo, mga opisyal ng barangay lang ang may authority na maghawak ng dokumento at may kakayahan
01:36na magbigay ng payout.
01:37Mismong kapitan ng barangay daw ang lumapit sa pamilya ni Dara para makipag-areglo at igiit na wala siyang alam
01:44sa nangyari.
01:45Siyempre, imposible kung wala siyang alam kasi chairman siya.
01:50Biroin niyo sir, four years.
01:51Sa four years na yun, kung hindi pa makita nung tita ko yung signature nung tito ko,
01:56hindi nila i-de-declare yung mga senior na patay na.
02:00Nagmamakaawa yung chairman namin.
02:01Biglang sabi na baka naman pwedeng i-urong na lang kung anong gagawin.
02:05Ibibigay ko yung sahod nung dalawa, i-urong nyo lang.
02:08Ilabas na tayo dun sa pera eh, pero sa ganong ginawa nila sa papa ko at sa tito ko, maling
02:14-mali. Kustisya.
02:17Desidido raw ang pamilya ni Dara na ituloy ang kanilang reklamo laban sa barangay.
02:21Ang asawa ni Lolo Santos na si Elsa, hindi raw makapaniwala sa nangyari.
02:26Kaibigan ho namin magkakapatid yan eh. Kaya ni sa hinagap, hindi ho namin akalain na gagawin na sa pamilya namin
02:33ng ganyan.
02:34Parang ang hirap po ba tanggapin na ganun? Kasi alam ho ng buong barangay kung gano'n kami kahirap.
02:40Narito ako sa mismong barangay hall na inire-reklamo ng ilang residente.
02:44Sinubukan namin makipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay.
02:46Pero ayon sa ilang nakaduti na tanod, eh walang mga opisyal ng barangay na nakaduti sa mga oras na ito.
02:53Bukod sa investigasyon ng OSCA, dumulog na rin kanina sa istasyon ng pulisya ang pamilya ni Dara
02:58para magsampan ang karagdagang reklamo laban sa ilang opisyal ng kanilang barangay.
03:03Ayon sa pulisya, posibling maharap sa patong-patong na reklamo
03:07ang sino mang mapatutunayang sangkot sa nasabing iligal na aktividad.
03:11Sabi ng DILG, aalamin muna nila ang katotohanan sa likod ng kwento bago magbigay ng komento
03:17habang hinihintay pa namin ang tugon ng Manila LGU.
03:21Jomer Apresto nakatuto, 24 oras.
Comments